Chapter 41

63.8K 2K 1.9K
                                    

Dedicated to Kate Nicole Ilaban

Chapter 41

"Wow!"

Hindi ko mapigilan na humanga sa magandang tanawin na nasa harapan namin ngayon. Saktong papalubog na ang araw nang makarating kami rito sa beach sa Tagaytay.

Ilang linggo na lang kailangan na naming mag-review para sa board exam kaya sinusulit na namin ang araw para maglibang.

Matagal din kasi ang gagawin naming review. Of course, hindi basta-basta ang pagkuha ng board exam. Kailangan talaga naming paghandaan.

Kailangan naming makapasa para tuluyan na kaming matawag na isang engineer. Magagawa ko na ring makamtam ang titulong iyon na pinangarap namin ni Papa.

"Sieana..." He hugged me behind my back. "Hmm..."

Hindi ko magawang maalis ang tingin sa magandang tanawin. Hinawakan ko rin ang pendant ng kwintas na ibinigay niya sa 'kin noong araw ng birthday ko.

Maliit lang na puso ang design pero punong-puno naman ng meaning. Suot din namin ang aming couple bracelet.

"Mas maganda ka pa sa tanawing iyan."

I chuckled. "Bolero."

"Kung papipiliin ako kung ano ba ang pinaka-magandang tanawin na nakita ko, ikaw, Sieana, ang isasagot ko..."

Humiwalay na siya ng yakap at iniharap ako sa kaniya. Pinaglapat niya pa ang noo naming dalawa.

Hindi ko mapigilan na mapangiti kasi kinikilig ako sa paraan ng titig niya. Nakikita ko talaga sa kaniya na lubos siyang humahanga sa 'kin.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko, bakit ako? Bakit sa raming magagandang babae, ako pa ang nagustuhan niya? Ako pa ang minahal niya?

Anong meron sa 'kin at sobrang swerte ko kasi dumating siya para yanigin ang mundo ko? Masyado yata akong pinagpapala ni Lord kasi binigay niya ang isang Dave sa 'kin.

"You're the prettiest view no matter where we go..."

Hinawakan niya ang kanan kong pisngi. Hindi naman mahiwalay pa ang titig namin sa isa't isa.

"Heaven..."

Kumunot ang noo ko. "Heaven?"

"Heaven is a safe place on earth with you..."

I couldn't help but smile. Kinulong ko ang sarili ko sa kaniyang bisig. Naririnig ko naman ang malakas na kabog ng puso niya.

"Dave, bakit ka ganiyan? Noon naman sobrang sungit mo sa 'kin. Pero ngayon, bumabanat ka na..." I chuckled.

"Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Unang kita ko pa lang sa 'yo, tinamaan na agad ako. Ayaw kong makahalata ka kaya kinaibigan kita..."

"Pero pinutol mo rin naman agad ang pagkakaibigan natin."

He smirked. "Mas higit pa roon ang gusto ko. Ayaw kong maging hanggang kaibigan ka lang. Hindi tayo nababagay sa ganoon."

I bit my lower lip. Kinikilig talaga ako sa mga sinasabi niya na hindi ko naman inaasahan.

Bumalik naman sa isipan ko ang araw na iyon. Hindi ko akalain na gusto na niya ako noong time na iyon. Sobrang sungit pa naman niya kaya hindi agad ako nakahalata.

Ngayong alam ko na kung bakit niya ako tinanong kung naniniwala ba ako sa love at first sight. Iyon na pala ang naramdaman niya nang makita ako.

Ang sarap sa pakiramdam na mahalin ng isang tulad niya. Palagi niyang sinasabi kung gaano niya ako kamahal, na hindi niya magagawang magloko. Bagay na hindi nagawa noon ni David.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon