Chapter 36

67.8K 2.1K 1.8K
                                    

Dedicated to Jholan De Belen

Chapter 36

"Ano ba iyan? Bitin ang sembreak!"

Pabagsak na umupo si Audrey sa kaniyang upuan. Nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin na wala man lang sigla sa kanilang mukha.

Parang kailan lang noong matapos ang 1st sem namin. Masyado bitin ang dalawang linggo para makapag-libang kami. Miss ko na agad ang pamilya ko.

Umiyak pa si Thea noong umalis ako, halos hindi na ito bumitaw pa sa 'kin. Alam niya kasing matatagalan na ulit ang uwi ko. Gusto ko man na manatili pero wala na akong magagawa. Kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa kanila.

Habang si Jun naman ay sobrang nalungkot din kasi hindi na sila makakapag-laro pa ni Dave ng basketball. Nanatili siya sa amin ng halos isang linggo. Mas lalo tuloy itong nakilala ni Mama at mayroon na agad itong tiwala sa lalaking iyon.

Wala naman akong ideya kung saan pumunta si Terrence at ang babaeng ito. Noong araw na rin iyon, umalis silang dalawa. Hindi pa rin talaga nagku-kwento sa 'kin si Audrey. Nagtatampo na tuloy ako sa kaniya.

"Guys! Settle down."

Hinampas pa ni Kenneth ang ibabaw ng lamesa. Nagpuntahan naman sila sa kanilang pwesto, busangot pa rin ang mukha. Maraming nangitim na siguradong inin-enjoy nila ang sembreak sa beach.

"Sieana, kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking iyan. Pasikat na naman. Bakit ba iyan pa ang naging President natin?!"

Napailing ako sa sinabi nito. "Hayaan mo na."

She took a deep breath. "Tangina, ang banas! Hindi ba pwedeng laksan ang aircon?"

Pinaypayan niya pa ang kaniyang sarili gamit ang mga palad niya. Muling dumako ang tingin ko sa unahan. Gumagala ang paningin ni Kenneth sa aming lahat.

"No classes for today, pero kailangan nating um-attend ng orientation sa auditorium. Magkakasama ang bawat block, walang sasama sa iba. Kapag umalis kayo, walang attendance."

Sa halip na maging masaya sila kasi walang klase, marami ang nag-reklamo sa ibinalita nito. Paano ba naman, boring daw makinig ng orientation. Bawal pang kumain sa loob ng auditorium.

I sighed. Wala kaming choice kundi ang um-attend sa orientation. Saka mahalaga ang attendance ngayong college. Dagdag din sa marka kapag nakumpleto namin ang attendance.

"What time ba ang start? Ngayon na ba kami pupunta sa auditorium?" Nababahid ang inis sa boses ni Audrey, mahina ko tuloy itong siniko.

Nahahalata sa kaniya ang pagka-inis kay Kenneth na wala namang ginagawang masama.

"Mamaya pang 10 AM, mabuting kumain muna kayo para naman hindi kayo magutom habang nakikinig sa orientation. Huwag pasaway, walang magdadala ng pagkain doon. Lagot talaga kayo sa 'kin."

Audrey rolled her eyes. Siguradong naghihirap na ang lalaking iyon sa isip niya. Pansin ko rin ang inis sa mukha ng iba naming kaklase pero nanatili silang tahimik kasi wala naman din silang magagawa.

"Tara na. Kumain muna tayo bago pumunta sa auditorium."

Tumango siya. Sinakbit ko naman ang bag ko at lumabas na kami sa room na iyon. Maraming pagala-galang estudyante kasi wala namang klase.

Siguradong punuan ang cafeteria. Mahihirapan kaming humanap ng pwestong mauupuan.

"Hindi pa rin ako pinapansin ni Ally." I sighed.

Nakasalubong kasi namin ito, hindi man lang kami binigyan ng pansin. Busy lang ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Hindi rin ito sumabay sa amin kanina. Maaga itong umalis para lang iwasan ako. Hindi man lang niya ako mabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon