Chapter 40

68.8K 2K 1.8K
                                    

Dedicated to Sarah Mae Calotes

Chapter 40

"You okay?"

Nababakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Umupo naman ako sa hita niya at sinubsob ang mukha ko sa kaniyang leeg.

I closed my eyes. Ipinalibot niya naman ang mga braso sa 'kin. Idinikit ko pa ang ilong ko sa kaniyang balat. I really love his smell.

Kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan ang kaniyang amoy.

"Ang daming gawain. Tinambakan kami ng aming mga prof."

I sighed.

"Kami rin, pero tutulungan pa rin kita para naman mabawasan ang mga gawain mo."

I shook my head. "No, kaya ko ito. Mayroon din namang magiging bunga ang paghihirap na nararanasan natin ngayon."

Ayaw kong maging abala pa sa kaniya. Siguradong marami rin silang ginagawa. Pero kahit na ganoon, hindi siya nawalan ng time sa 'kin. Ako pa rin ang priority niya.

Isang tawag ko lang sa kaniya, pupuntahan niya agad ako. Hindi niya pinaparamdam sa 'kin na balewala lang ako sa kaniya.

"Vacant dapat natin ngayon, pero heto tayo. Kaharap ang napakaraming gawain. Mababaliw na ako!"

Halos sabunutan na niya ang kaniyang sarili. Nandito kami ngayon sa library para ituloy ang mga pinapagawa ng prof. Sabay-sabay pa naman ang date ng pasahan.

Hindi ko na tuloy alam kung anong subject ba ang uunahin ko. Nanakit na tuloy ang ulo ko sa kakaisip.

Ang dami naming kailangan na i-solve. Isa pa sa inaalala ko, malapit na ang aming midterm exams. Wala pa kaming naaaral. Hindi kami pwedeng bumagsak.

"Kaunting tiis na lang, makakatapos din tayo."

I held her hand. Halos maiyak na siya sa rami naming ginagawa. 3rd year college na kami. Kaunting tiis na lang, makaka-graduate na rin kami.

Iyong tatlo naman, mas lalo nang naging busy kasi malapit na ang kanilang graduation. Kailangan pa rin nilang maghanda para sa board exam.

Hindi na kami nabubuo pang anim. Kadalasan si Dave na lang ang pumupunta sa apartment para lang sa 'kin.

"Matulog ka na, bukas ka na lang ulit mag-review."

Bubuhatin niya sana ako pero umiling ako. "Kakasimula ko pa lang na mag-review, tinapos ko pa muna ang mga requirements sa lahat ng subject."

He sighed. "Please, don't stress yourself too much. Nag-aalala na ako sa 'yo. Nalaman ko na hindi ka masyadong kumakain. Paano kung magkasakit ka sa ginagawa mo? Sieana naman!"

He cupped my face. Ipinikit ko naman ang mga mata ko. "I am sorry..." I mumbled.

"Matulog ka na, sabay na lang tayo bukas na mag-review para sa midterms. Just please, don't make me worry. Papagalitan ako ni Mama sa oras na hinayaan kong magkasakit ang anak niya."

Binuhat na niya ako at inihiga sa kama. Kahit na marami siyang gawain, pumunta pa talaga siya rito para lang bisitahin ako.

"I love you, Dave..." I smiled at him.

Kinumutan na niya ako at marahang hinaplos ang aking buhok. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama. Hindi ko naman maalis ang tingin sa kaniya.

"Mahal din kita, Sieana..." He kissed my forehead.

Nakangiti akong ipinikit ang aking mga mata. Sobrang swerte ko na dumating siya sa buhay ko. Wala na akong ibang mahihiling pa.

Tulang nang sinabi niya, sabay kaming nag-review para sa midterms. Kasama rin namin si Audrey na mag-aral. Of course, walang iwanan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon