Chapter 39

66K 2.2K 1.7K
                                    

Warning: R-18

Chapter 39

"Governor, Edgardo Dante Santiago..."

Hindi ko maalis ang tingin sa hawak kong dyaryo lalo na sa lalaking kamukha ni Dave. Isa na itong governor sa Manila.

Kailanman ay hindi nasabi sa 'kin ni Dave na kasali pala sa politika ang kaniyang ama. Hindi ko akalain na anak pala ng isang governor ang boyfriend ko. Ibig sabihin, sobrang taas talaga niya para lang sa isang tulad ko.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi man lang nabalita na mayroon na itong anak? Na para bang itinatago talaga ang katauhan ni Dave?

Kaya ba pinapabalik ito sa States para lamang hindi ito makilala ng mamamayan? Anong dahilan nito para itago ang sariling anak?

I sighed. Tinupi ko na iyong dyaryo at pinagpatuloy ang pagwawalis sa bakuran. Isinantabi ko na lang ang mga katanungan sa isip ko. Hihintayin ko na lang ang araw na siya ang mismong magsabi sa 'kin.

Finally, I am home. Kasama ko na rin sila Mama kasi bakasyon na namin. Matagal ko na rin silang makakasama at magagawa ko na ring bumawi sa kanila.

"Dave!"

Mabilis akong lumayo sa kaniya. Bigla na lang niya kasi akong niyakap mula sa likuran. He was wearing a white shirt and a black short. Sobrang gusot pa ng damit niya kasi kakagising niya lang.

Kahit na simple lang ang suot niya, mahahalata talaga sa kaniya na pinanganak siyang mayroong ginintuang kutsara sa bibig. Mas lalong lumantad din ang kaputian ng kaniyang balat.

Napapansin ko rin na mas tumitingkad pa ang kulay ng kaniyang buhok. Nalaman kong inborn ang pagka-blonde niyon, never daw siyang nagpakulay.

"Good morning..." He winked at me.

Napailing na lang ako, hindi mapigilan na mapangiti. Hindi na talaga kami mapaghiwalay pang dalawa.

Dito niya mas piniling magbakasyon kaysa ang manatili sa kanila. Mabuti na lang pumayag si Mama. Malaki na talaga ang tiwala niya rito.

"Ang kulit! Baka makita tayo nila Mama!"

Mahina ko siyang siniko. Bigla niya na lang kasi ulit akong niyakap habang busy na ako sa pagluluto ng aming umagahan.

Mabuti na lang tulog pa ang mga kapatid ko pero si Mama halos kasabayan ko lang na nagising kanina. Siguradong nasa kapitbahay lamang iyon at nakikipag-chikahan na gwapo ang boyfriend ko at magiging engineer dito ito katulad ni Papa.

Talagang ipinagmamalaki niya na si Dave sa kahit sino. Marami ring kababaihan ang napapansin kong panay ang sulyap sa bahay namin para lang masilayan ang lalaking ito.

"Edi sasabihin ko kay Mama na nilalambing lang kita."

Muli niya akong niyakap mula sa likuran. I sighed. Hinayaan ko na lang siyang landiin ako habang nagluluto ng umagahan namin.

Ilang linggo na rin kaming narito sa Batangas pero hindi ko pa siya naipapasyal. Palagi kasi silang magkasama ni Jun sa paglalaro ng basketball.

Parang sila pa ang magkapatid kasi mas close pa silang dalawa kaysa sa amin. Masaya ako kasi kumportable na talaga ang loob nila sa isa't isa.

"Dito kami madalas tumatambay noon ng mga kapatid ko kapag malilom na. Sobrang sariwa kasi rito ng hangin. Masarap sa pakiramdam."

Umupo ako sa damuhan at sumandal sa likuran ng puno. Nanatili naman siyang nakatayo habang pinagmamasdan ang paligid.

Narito kami sa parang na malapit sa aming bahay. Natatanaw namin ang ilang mga bata na nagpapalipad ng saranggola.

"Hindi ko pa nararanasan na magpalipad ng saranggola."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon