PROLOGUE

238K 5.7K 1.2K
                                    

Prologue

"I hate you, David!"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay matutumba ako kasi nanghihina na ang aking mga tuhod nang maramdaman kong hinawakan ng lalaking 'yon ang baywang ko para alalayan na huwag akong bumagsak.

"S-Sobrang sakit ng ginawa niya sa 'kin, nila ng ahas kong kaibigan. Niloko nila akong dalawa, pinagmukha nila akong tanga!"

Pinaghahampas ko ang aking dibdib na sobrang nang kumikirot sa sakit. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata.

Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan ko lang siya na marinig ang panggagago sa 'kin ng lalaking sobra kong minahal.

Habang ginagawa niya 'yon ay nakatitig lang ako sa kanya. Ang malamig na titig niya kanina ay bigla na lang naglaho na parang bula.

Nagtama ang tingin naming dalawa nang mapansin ko na natigilan siya. Kumikirot ang puso ko kasi nasasaktan ako pero bakit parang may iba pa akong nararamdaman na hindi ko maintindihan?

"Do you believe in love at first sight?"

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon