Chapter 13

81.3K 3.3K 1K
                                    

Dedicated to Ira Mae Casillan

Chapter 13

"Wusho! Sobrang kinabahan ako roon!"

Nakahawak pa siya sa kaniyang dibdib. Maging ako'y ganoon din ang naramdaman kanina nang ibang Prof ang humarap sa amin sa Algebra. Sobrang strikto pang magturo at bigla na lang nagtatawag.

Nalaman namin na mayroong sakit si Sir. Nilo na siyang prof namin. Pero kanina'y iba ang humarap sa amin para maihabol kami sa lecture ng ibang block.

"Mabuti na lang talaga na nasagutan ko. Kinabahan pa ako sa unahan kasi nakalimutan ko ang formula na gagamitin. Pakiramdam ko'y sobrang bobo ko kanina."

Ilang beses niyang hinampas ang kaniyang noo. Isa siya sa natawag kanina. Lutang pa naman ang isipan niya ng time na iyon. Mukhang nilamon na ni Terrence ang utak niya.

Gusto ko man tumulong pero hindi ako hinayaan ni Sir. Hindi ko naman mapigilan na ma-konsensiya.

"Hayaan mo na, tama naman ang sagot mo kanina, 'di ba? Kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala."

She sighed. "Bakit kasi ang malas ko? Palagi na lang akong napipili nang dahil sa walang-hiyang index card na iyan. Pero iyong taong mahal ko'y hindi ako magawang piliin."

Hinampas niya pa ang kaniyang dibdib. Napailing na lang ako. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Mayroon kaming 2 hours na vacant bago pa ang sunod naming subject.

"Bakit ang daming tao sa field? Mayroon bang laro roon?"

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ang field na sobrang daming estudyante. Kadalasan ay mga kababaihan. Malalapad ang kanilang mga ngiti.

Halatang kinikilig na para bang mayroong artista sa gitna.

"Hindi ko alam. Tingnan natin."

Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako patungo sa lugar na iyon. Tulad noong sa gym, nakipagsiksikan na naman siya para mapunta lang sa unahan.

Marami tuloy ang nainis sa kaniya. Nakayuko lang ako sa kahihiyan kasi hila pa rin ako ni Audrey. Masama rin tuloy ang tingin nila sa 'kin.

"Mabuti nga sa inyo!" Naiiling si Audrey, malapad din ang ngisi.

Napaawang ang aking bibig nang makita ang dahilan kung bakit maraming kababaihan ang narito sa field.

Tumatakbo lang naman si Zion at Dave sa field. Nasa gitna ang dalawang coach habang panay ang pito kasi bumabagal na ang takbo ng mga ito na mukhang pagod na.

Mukhang iyon ang coach nila sa basketball.

"Bakit sila tumatakbo sa gitna ng init ng araw?"

"E, 'di ano pa nga ba ang posibleng dahilan? Malamang na naparusahan ang dalawang gago! Mukhang nalaman na mayroong hangover. Hindi kasi nila inisip na mayroong practice kinabukasan bago mag-inom. Ano sila ngayon? Ganiyan ang napapala ng mga taong walang muwang sa buhay!" Pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso.

Habol ang tingin ko sa dalawa. Mukhang kanina pa sila tumatakbo. Kahit pagod na si Zion ay panay pa rin ang kaniyang kaway sa mga kababaihan na bawat mararaanan niya. Para siyang artista.

Napailing na lang ako. Dumako ang pansin ko kay Dave na diretso lang ang tingin. Napansin ko ang malakas niyang paghingal na siguradong pagod na.

Ang blonde niyang buhok ay mas tumingkad pa dahil sa sinag ng araw. Lumalantad din ang kaputian niya.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Bakit parang galit siya nang magising na hindi ako ang babaeng bumungad sa kaniya?

Hindi ko siya maintindihan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon