Chapter 17

77.5K 2.7K 1.2K
                                    

Dedicated to Jasmin Tenebro

Chapter 17

"Ally..."

Kumatok muna ako bago ko buksan ang pintuan. Natagpuan ko siyang nakaupo sa harapan ng study table niya. Nagtitipa sa keyboard ng kaniyang laptop.

Nakasuot din siya ng salamin. Mukhang marami siyang ginagawa kahit na wala naman kaming pasok ngayon dahil sa naganap na intrams kahapon.

Para naman makapagpahinga ang mga estudyante lalo na ang mga players. Mabuti na lang talaga na wala kaming pasok ngayon, kahit na hindi naman ako naglaro'y pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.

"Pwede ba akong pumasok?"

Nilingon niya ako, tipid na ngumiti. Alam kong nagseselos siya pero bakit niya naman iyon mararamdaman? Wala naman akong gusto sa lalaking iyon. Tulungan ko pa siya na mas makuha pa ang loob nito.

Alam ko na malaki ang chance na mahulog sa kaniya si Dave. Para sa 'kin, perpekto siyang babae. Bukod sa maganda, mabuti rin ang puso niya na talagang hahangaan ng lahat ng kalalakihan.

"Galit ka ba-" she cut me off.

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" she chuckled.

Isinara niya ang kaniyang laptop at hinarap ako. Nakaupo na ako ngayon sa gilid ng kaniyang kama. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Halatang mahilig siya sa pink.

Maging ang trash can ay pink ang kulay.

"Umiiwas ka sa 'kin, alam ko kung anong dahilan. Wala akong gusto-" muli niya akong pinutol.

"Sorry, Sieana. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Alam ko naman na wala lamang iyon pero nagseselos pa rin ako. Wala naman akong karapatan na maramdaman iyon. Hindi naman kami."

Napayuko siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Una pa lang, alam ko ngang nagseselos siya.

Pero nararamdaman niya iyon sa walang kwentang bagay kasi wala namang malisya ang pagpansin sa 'kin ni Dave. Baka nga pinagtitripan lamang ako ng lalaking iyon.

"Magkaibigan lang kami. Huwag kang mag-alala saka wala pa sa isipan ko ang magmahal muli. Natatakot na akong masaktan pa. Nandito pa rin sa puso ko ang sakit na naramdaman ko sa gago kong ex na nanloko sa 'kin."

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Napangiti naman ako kasi nakikita kong gumaan na ang kaniyang loob.

Hindi rin ako mapapakali kung hindi kami magkakaayos na dalawa. Lalo na't nasa isa kaming bubong.

"Sorry talaga, Sieana. Darating din ang araw na magkakaroon din ako ng lakas na loob na sabihin sa kaniya ang totoo kong nararamdaman... at sana tulungan mo 'ko."

Nakikita ko talaga na sobrang mahal niya ang lalaking iyon. Mas okay na mapunta siya kay Dave kaysa sa Frank na iyon. Mukhang gusto nga talaga siya ng mayabang na iyon.

"Oo naman, tutulungan kita sa kaniya."

She hugged me. Napangiti na lang ako. Nawala na rin ang tinik sa puso ko kasi okay na kaming dalawa. Itinurin ko na rin siyang kaibigan kahit na hindi pa naman kami gaanong magkakilala.

"Sieana!"

Agad nitong binuksan ang pintuan ng aking kwarto. Nagtataka ko naman siyang nilingon. Kasalukuyan kong winawalis ang sahig kasi ngayon lang ako nagkaroon ng oras na magawa ito.

"Bakit?"

Umupo si Audrey sa gilid ng kama, malapad ang ngiti. Kumunot lalo ang noo ko.

"Sasama ka ba sa amin?"

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon