Chapter 30

76.7K 2.7K 1.7K
                                    

Dedicated to Chezka Louise Camua

Chapter 30

"Huh? Kailangan pa ba niyon? Huwag na lang!"

Magtatalukbong na sana ako ng kumot nang biglang hilahin ito ni Audrey. Kinusot ko naman ang aking mga mata. Inaantok pa talaga ako.

Wala pa ako sa mood na bumangon. Para bang nakadikit na ang likuran ko sa kama.

"Hindi pwede, kailangan mong sumama sa amin kaya bumangon ka na riyan."

Pilit na niya akong hinihila kaya wala na rin akong nagawa kundi ang magpadala sa kaniya. "Hindi ba pwedeng kayo na lang? Inaantok pa talaga ako. Saka wala rin naman akong hilig sa ganoon."

Mabilis siyang umiling. "Anong kami lang? Dapat kasama ka rin, hindi naman pwedeng mag-mukha tayong manang sa oras na nasa beach na tayo. Minsan lamang naman iyon mangyayari, bakit hindi pa natin lubusin?"

Hihiga na sana ulit ako pero mabilis niyang nahawakan ang aking braso.

I let out a heavy sigh. "Oo na nga. Sasama na ako sa inyo! Mayroon pa ba akong magagawa?"

Tumayo na ako at nagtatalon para mawala ang aking antok na nararamdaman. "Ayan kasi, late night talks pa more, para namang hindi kayo nagsasama tuwing araw, ah. Inabot na yata ang pag-uusap ninyo ng madaling araw." Ngumisi pa siya.

Iniwas ko naman ang tingin sa kaniya. Hindi ko akalain na alam niya iyon. Masyado na bang malakas ang boses ko para marinig niya?

Umabot na nga ng madaling-araw ang pag-uusap naming dalawa ni Dave. Hindi ko akalain na tatagal ng ganoon ang aming usapan. Mayroon din pa lang kadaldalan na taglay ang lalaking iyon.

"Paano mo nalaman? Narinig–"

"Paano nga ba? Malamang na ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit puyat ka ngayon, tapos na naman ang ating exam para mag-aral ka pa. Reminder lang, ha? Pakilagyan naman ng label ang mayroon sa inyong dalawa. Ang bagal n'yo!"

Umupo ako sa gilid ng kama. Nanatili naman ang tingin niya sa 'kin. "Hindi ba pwedeng ganito na lamang kami? Na wala nang break-up pa? Para hindi na mas masakit pa."

She chuckled. Kunot-noo ko naman siyang nilingon. Hinahampas niya pa ang kaniyang mga hita sa kakatawa.

"Hindi ko alam sa 'yo, Sieana. Oo, mahal n'yo nga ang isa't isa pero kahit na ganoon, wala ka pa rin na karapatan sa kaniya. Hindi mo siya pwedeng pagbawalan sa lahat ng bagay. Dapat mo rin siyang angkinin at sabihin sa kanila na boyfriend mo siya, na mayroon kayong relasyon. Alam mo naman na maraming malandi ang gumagala, 'di ba? Na pasimpleng lumilingkis na pala. Baka isang araw, magising ka na lang. Boyfriend na pala ng iba ang lalaking mahal mo."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Tama siya, kailangan din naming lagyan ng label ang namamagitan sa aming dalawa. Pero paano? Kung hindi naman siya nanliligaw sa 'kin?

O baka nanliligaw na talaga siya pero wala akong ideya?

"Kasama ba natin sila ngayon?"

Mabilis siyang umiling. "No way. Tayo munang girls. Hayaan na natin sila. Lasing na naman ang gagong Zion, baka kung ano pang gawin ng lalaking iyon sa mall kapag isinama pa natin sila."

My lips parted. Simula noong nalaman ni Zion ang tungkol sa amin ni Dave, bigla na lang ako nitong iniwasan. Hindi na rin ito nakikipag-away pa kay Audrey kasi hinahayaan niya na lamang itong pagtripan siya. Para bang wala ito palagi sa mood.

Bihira na rin itong pumunta rito sa apartment. Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit parang sobrang naapektuhan siya nang malaman ang tungkol sa amin ng kaibigan niya?

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon