Chapter 43

68.6K 2K 2.3K
                                    

Dedicated to Genevieve Agbay

Chapter 43

"Dave..."

Mahina kong tinapik ang kaniyang pisngi. Nakaub-ob siya sa gilid ng kama. Siguradong mangangalay siya sa kaniyang pwesto. Baka manakit pa ang likuran niya kinabukasan.

Simula nang malaman niya ang kalagayan ko, hindi na siya nawala pa sa tabi ko. Madalas na siya ang nagbabantay sa 'kin lalo na sa tuwing gabi.

Umuuwi na kasi si Mama para bantayan ang mga kapatid ko. Mas okay na rin iyon para makapagpahinga siya. Mas kailangan siya ng mga ito lalo na't nagiging sakitin na si Thea.

Wala man lang ako sa tabi niya para alagaan siya. Siguradong malaki na naman ang tampo niyon sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ba sasanihin sa kanila ang kalagayan ko ngayon.

Mas mabuting huwag muna nilang malaman ang totoo para hindi na sila mag-isip pa at mag-alala.

"B-Bakit? May masakit ba sa 'yo? Nagugutom ka ba?"

He cupped my face. Mabilis naman akong umiling. Nababakas sa mukha niya ang lubos na pag-aalala. Nasasaktan tuloy ako kasi nakikita ko siyang ganito.

Kailangan kong ipakitang okay lang ako para huwag na silang mas mag-alala pa.

Minsan gusto ko na siyang ipagtabuyan palayo. Nasasayang na ang oras niya para lang bantayan ako. Mayroon siyang sariling buhay, hindi niya na dapat pang ilaan ang bawat araw niya sa tabi ko.

"Dito ka sa tabi ko matulog, baka mangalay ka sa pwestong iyon."

Umipod ako para makahiga siya sa tabi ko. Humiga naman siya at agad akong ikinulong sa kaniyang bisig. Nakaunan ang ulo ko sa kaniyang braso.

"Sieana..." He mumbled.

"Hmm..."

I closed my eyes. Naramdaman ko namang humigpit ang yakap niya sa 'kin.

"Gusto mo bang kantahan kita?"

I slowly nodded. "Yes, please, I wanna hear your voice..."

"Ikaw pa lang ang unang makakarinig ng boses ko habang kumakanta..."

I couldn't help but smile. "Talaga? Ibig sabihin ba niyon, sobrang swerte ko kasi maririnig ko ang boses mo habang kumakanta ka?"

Tumingala ako para magtagpo ang tingin naming dalawa, sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ako ang mas swerte kasi nakilala kita..."

Dinala niya ang isang palad niya sa aking pisngi, nanatili naman ang titig namin sa isa't isa. "...na dumating ka sa buhay ko... Pinasaya mo 'ko, Sieana. Ikaw ang nagdala ng kasiyahan na hindi ko inaasahan na mararamdaman ko pa pala."

Pinigilan kong maluha sa sinabi niya. Alam kong lubos na talaga siyang nasasaktan sa sitwasyon ko ngayon, pero pinapakita niya lang sa 'kin na masaya siya para lang mas palakasin pa ang loob ko.

Wala siyang ideya na naririnig ko siyang umiiyak tuwing gabi habang humihingi ng tawad kasi wala siyang magawa para sa 'kin, na sa tuwing sumasakit ang ulo ko, hindi niya alam ang kaniyang gagawin sa sobrang pag-aalala.

Minsan hinihiling niya pa na sana siya na lang ang dinapuan ng sakit na ito. Na sana hindi na ako naghihirap pa at nasasaktan.

"P-Paano kung hindi ko na kaya pang labanan ang sakit na ito? Kasi sobrang nahihirapan na ako. Hahayaan mo ba akong magpahinga na?"

Humigpit ang yakap niya sa 'kin. "N-No, I am sorry, but I can't... Dito ka lang sa tabi ko, Sieana, please rito ka lang sa buhay ko. Hindi ko hahayaan na mawala kang tuluyan sa 'kin."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon