Chapter 26

71.5K 2.6K 1.5K
                                    

Dedicated to Lyka Ruiz

Chapter 26

"Kanina lang..."

Nanatili kaming magkatitigang dalawa. Hindi alintana ang dilim ng paligid. Tanging ang kandila sa kanilang gitna ang nagbibigay liwanag sa amin ngayon.

Siya lamang ang nakikita ko sa oras na ito. Bumilis ang kabog ng puso ko. Ibig sabihin, ako ang kaniyang first kiss? Kailanma'y hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend?

Anong namamagitan sa kanilang dalawa ni Elaine kung ganoon? Wala lamang iyon? Hindi niya ba ito nililigawan?

Pero bakit palagi silang magkasama? Para ano? Pagselosin ako? Kung ganoon nga, nagtagumpay siya sa kaniyang plano.

"Tangina, tol, ako ba iyan?!"

Napatakip sa bibig si Zion, namimilog pa ang mga mata. "Anong sinasabi mo?" sabat ni Audrey.

"Kaya pala kanina'y pakiramdam ko'y mayroong humahalik sa 'kin. Oo, alam ko, tol na wala ka pang first kiss pero tangina naman. Hindi tayo talo para nakawan mo ako ng halik! Mag-bro lang tayo pero ayaw kong makipag-bromance sa 'yo!"

Napatakip sina Ally at Audrey sa kanilang bibig. Si Terrence naman ay pinipigilan na matawa samantalang masama na ang tingin ni Dave kay Zion.

"Gago!" Binatukan nito si Zion.

Napailing na lamang ako. Napansin kong dumako ang tingin sa 'kin ni Audrey, nakangisi. Mukhang mayroon na siyang ideya na ako ang tinutukoy nito.

Muli tuloy bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Hindi na iyon isang panaginip pa, kasi totoo na talagang naglapat ang mga labi naming dalawa.

"Sieana! Halika rito!" Kinawayan pa ako ni Ally.

Tumango na lamang ako. Nanatili akong nakatayo kasi hindi ko alam kung kanino ba ako tatabi sa kanila.

Magkatabi si Dave at Ally, iniwas ko agad ang tingin sa lalaking iyon nang magtama ang mga mata naming dalawa. Kanina niya pa talaga akong pinagmamasdan.

"Dito ka na lang sa tabi ko, Sieana!" Hinawakan ni Zion ang palapulsuhan ko at hinila paupo sa kaniyang tabi.

Kaharap ko si Dave na hindi inaalis ang tingin sa 'kin. Natatakot tuloy ako na baka mapansin ito ni Ally at magsimulang magduda sa aming dalawa.

"Ano? Game na ulit?" tanong ni Audrey.

Tumango sila, kumunot naman ang noo ko. "Ano bang gagawin?"

Pinikit na nila ang kanilang mga mata. Nanatili akong mulat habang magkapo ang tingin naming dalawa ni Dave. Parang nakikipag-karera na naman ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog.

"Q and A." Tugon ni Ally.

Tumango na lang ako kahit na hindi naman ako nito makikita kasi nakapikit pa rin ito. Pumikit na lamang din ako. Wala akong ideya kung ano bang laro ito.

Siguradong pampalipas lamang ng oras kasi hindi pa rin bumabalik ang power. Sana lang ay magkaroon na kasi mamaya lang ay aalis na sila.

Aaminin kong natatakot akong maiwan kaming tatlo lalo na't wala pang power, baka bigla na lang kaming pasukin ng magnanakaw. Puro pa naman kami babae rito. Wala kaming laban.

Mukha namang wala rin silang balak pa na iwanan kami rito kasi nagtitiis sila sa init at dilim para lang mayroon kaming makasama.

"Your turn, Zion." Simula ni Ally.

"Anong tanong? Huwag pangalan ng mga chix ko, ha? Wala akong maalala kahit isa sa sampu kong kalandian."

Napaubo na lang si Audrey. "Landi pa more. Makarma ka sanang lalaki ka sa kalandian mong taglay!"

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon