Chapter 33

64.2K 2K 1.8K
                                    

Dedicated to Paula Pasion

Chapter 33

"Finally! We're here!"

Umikot pa si Audrey habang nakadipa ang kaniyang dalawang braso. Humahampas sa amin ang malakas na simoy ng hangin. Naririnig din namin ang malakas na alon ng karagatan.

Mabuti na lang mayroong dumaan na isang truck kaya nahila ang aming sasakyan hanggang sa makarating sa talyer para maipaayos.

Naghintay pa kami roon ng matagal bago pa maayos ang sasakyan. Siguradong hanggang ngayon ay pagod pa rin ang boys sa ginawa nilang pagtulak kanina.

"Nasaan si Zion?" biglang tanong ni Audrey.

"Hindi ba sumunod sa atin? Kasabay ko iyong lumabas ng sasakyan, ah." Ally said.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi nga namin kasama si Zion habang iyong dalawa naman ay busy sa paghahakot ng aming mga gamit.

"Baka naman may pinuntahan lang?"

Audrey rolled her eyes. "Ang sabihin mo, baka nakakita ng chix kaya bigla na lang nawala na parang bula. Mukhang busy na makipag-landian. Hindi man lang tinulungan iyong dalawa sa paghahakot ng mga gamit!"

Natawa na lang kami ni Ally sa sinabi ni Audrey. Hindi na rin naman nakakapagtaka kung ganoon nga. Marami rin kasing narito sa beach na mukhang dinarayo talaga.

"Saan tayo tutuloy?" tanong ko.

Nilingon naman ni Audrey si Terrence na kasalukuyang umiinom sa bottled water. Napansin ko pa ang paglunok ng babaeng iyon.

Dumako ang tingin ko kay Dave na kasalukuyang nakatanaw sa karagatan. Dinadala ng hangin ang kaniyang buhok, natatakpan pa ang kaniyang mga mata na mabilis niya ring inaayos.

Pinigilan ko tuloy mapangiti. Tinititigan ko lang naman siya, ah. Bakit sobrang kinikilig na ako?

Ano ba talaga ang ginawa niya sa 'kin at pinaramdam niya sa 'kin ito?

"Doon daw tayo, girls! Hiwalay ang room nila sa atin. Sayang."

Ipinulupot pa ni Audrey ang braso niya sa amin ni Ally at hinila kami papunta sa cottage na aming tutuluyan.

Pagkapasok sa loob, humilata agad kami sa kama. Magkatabi kami ni Audrey habang nasa katabing kama naman si Ally.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ang malamig na paligid, bukas pala ang bintana na mabilis ko rin naman isinara.

Mahimbing ang tulog nilang dalawa. Kinumutan ko muna sila bago ako umalis sa lugar na iyon. Agad na yumakap sa 'kin ang malamig na simoy ng hangin. Mabuti na lang nagsuot ako ng jacket.

Gabi na pala. Mukhang napasarap ang tulog naming tatlo. Siguradong magugulat iyong dalawa sa oras na magising na ang matatanaw na lang nila'y kadiliman ng paligid.

"Zion."

Nilingon niya ako saglit bago iiwas ang tingin sa 'kin. Nakaupo siya ngayon sa buhanginan habang mayroong hawak na stick. Hindi ko makita kung anong sinusulat niya roon sa buhangin kasi sobrang dilim talaga.

"May problema ba?"

Umupo rin ako sa buhangin, malayo ang agwat sa kaniya. Hindi kaya mayroon siyang dinadalang problema na hindi niya masabi sa amin?

"Hindi mo ba napapansin?"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Ang alin, Zion?"

Nilingon ko siya. Dinantay niya ang kaniyang mga palad sa likuran niya at tinanaw ang mga bituwin.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon