Chapter 7

96.4K 3.3K 1.2K
                                    

Dedicated to Yna Jane Esclamado

Chapter 7

Present

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi dahil sa kakaiyak. Pagtingin ko sa salamin ay sumalubong sa 'kin ang pugto kong mga mata. Nakakahiyang pumasok kung makikita nila akong ganito.

Akala ko magiging masaya na ako kasi nalayo na ako sa lalaking nang-gago sa 'kin pero nagkamali ako.

Bakit kasi may nakilala pa akong panibagong David? At ang nakakainis pa ay napaka manyak at masama pa ang ugali.

"Sieana! Gising ka na ba? Nakapagluto na 'ko ng breakfast," rinig kong sabi ni Audrey habang kinakatok ang pintuan.

Pinuyod ko muna ang mahaba kong buhok bago ko siya pag-buksan ng pintuan. Sumalubong sa 'kin si Audrey na naka uniform na at mukhang bagong ligo.

"Galit ka ba sa 'kin, Sieana?"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi hindi ko nasabi sa 'yo na magkapangalan sila ng ex mo."

"Okay lang iyon, nabigla lang ako sa nalaman ko."

Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Napangiti na lang ako kasi kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Nandito lang kami para sa 'yo," bulong niya.

"Hoy ano 'yan? Ako rin!" biglang singit ni Allysa at nakiyakap na rin sa amin.

"Thank you, girls!" bulong ko.

Masaya ako kasi nandiyan sila sa tabi ko. Alam kong kahit papaano'y mawawala rin ang sakit na nararamdaman ko.

Tinawagan ko muna si Mama para kamustuhin. Sinabi pa niya sa 'kin na palaging pumupunta si David sa bahay namin para tanungin kung nasaan ba talaga ako. Mabuti na lang hindi sinasabi ng mga kapatid ko na nasa Manila ako ngayon.

Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin, nagtungo naman ako sa kusina at nag-umagahan na kami kasi nagugutom na talaga ako. Hindi kasi ako nakakain kagabi kaya nagwawala ang tiyan ko.

"Sieana, okay lang ba sa 'yo na sumabay sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Allysa.

Alam niya kasi kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ko nang malaman ko na David ang pangalan ng manyak na 'yon.

Maging siya ay nakalimutan rin sabihin sa 'kin na may kapangalan ang gago kong ex at worst pa ay kaibigan nila.

"Oo nga, Sieana. Okay lang ba sa 'yo? Kung hindi naman, mas mabuti pang mag-byahe na lang tayo," sabi naman ni Audrey.

Kasalukuyan na kaming nasa labas ng gate ng apartment para hintayin ang tatlong 'yon. Susunduin daw nila kami.

"Ano ba naman kayo? Okay lang sa 'kin saka para tipid na rin sa pamasahe," nasabi ko na lang kahit ang totoo ay hindi ko kayang harapan ang David na 'yon.

Sabihin na natin na magkaiba naman silang tao pero hindi ko mapigilan na masaktan sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng gago kong ex.

"Ikaw ang bahala saka iwasan mo ang lalaking 'yon. Masama ang ugali niyon," naiiling na sabi ni Audrey.

"Grabe ka naman sa kanya, Denden, mabait kaya siya," malapad na ngiting wika ni Allysa.

Sa ngiti niya pa lang ay alam ko nang may gusto siya sa lalaking 'yon.

"Ewan ko ba sa 'yong babae ka! Sa dinami-raming lalaki sa mundo, roon ka pa nagkagusto sa masama naman ang ugali," naiiling na ani ni Audrey.

"You better know him, saka hindi kaya masama ang ugali niya. Tamad lang siya magsalita at napaka-guwapo pa."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon