SPECIAL CHAPTER

51.2K 1.3K 654
                                    

Hi! Hindi po ito kasama sa SC ng TOH physical book, pa-christmas gift ko po 'to sa inyo. Nasa book po ang POV ni Dave, at doon lang mababasa. If bibili po kayo ng book, like n'yo po ang fb page ng Talking Pages para sa announcement about TOH. Mabibili po ang book sa Shopee nila.

Thank you sa support & enjoy reading!

SPECIAL CHAPTER

"Sieana..." He gently kissed my forehead.

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nanatili pa rin na nakapikit ang mga mata ko. Bumaba ang halik niya sa tungki ng ilong ko. Hanggang sa maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa tiyan ko.

Bigla na lang nagwala si baby nang maramdaman ang haplos ng kanyang ama. Ilang beses siyang sumipa mula sa sinapupunan ko. Alam kong excited na siya na mayakap kaming dalawa ng Papa niya.

Ganoon din si Dave na palaging kinausap ang anak namin. Kaunting buwan na lang ay makakasama na namin siya. Ngayon pa lang na pinagbubuntis ko ang anak namin ay sobrang maalaga na si Dave. Paano pa kaya kung kasama na namin siya?

Malamang na ibubuhos ni Dave ang buong atensyon niya para sa anak namin. Isa lang ang masasabi ko, sobrang swerte ko na si Dave ang asawa ko. Na makakasama ko habambuhay. Wala na akong mahihiling pa.

"Gising na si baby, pero si Mommy, nagtutulog-tulugan pa rin," pagpaparinig niya sa 'kin.

I pouted. "Inaantok pa 'ko..."

Inalalayan niya akong sumandal sa headboard ng kama. Nahihirapan na akong kumilos sa laki ng tiyan ko. Idagdag pa na sobrang galaw ni baby sa loob ng sinapupunan ko. Ramdam ko na ang kabigatan niya.

Mabilis na tuloy akong mapagod. Kaunting galaw ko lang, parang pinasan ko na agad ang buong mundo sa sobrang hingal ko.

"Need mo mag-walk," hinaplos niya ang buhok ko. "Lalabas na si baby, kaya dapat ready si Mommy," dugtong niya pa.

Umipod ako papalapit sa kanya at binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Marahan niyang hinaplos ang likuran ko. "Hindi ka naman mawawala sa tabi namin, 'di ba?"

Para akong batang naglalambing sa kanya. Nang magbuntis ako'y napapansin ko na mas lalo akong nagiging clingy kay Dave. Isa siya sa pinaglilinhan ko. Hindi na ako magtataka kung siya pa ang mas kamukha ng anak namin.

"Ba't naman ako mawawala sa tabi n'yo?" He cupped my face. "Hindi ko kayo iiwan, Sieana..."

Niyakap niya ako. "Pangako..." Dave whispered.

Bago pa humapdi ang init ng araw ay nagpasya na kaming maglakad-lakad. Nakayapos lang ako sa braso niya habang naglalakad kaming dalawa. Nahihirapan na akong humakbang sa sobrang bigat ng tiyan ko.

Pero kailangan kong magtiis lalo na't 'yon ang payo ng Doctor. Para hindi ako mahirapan sa panganganak. Si Dave pa ang mas kabado sa aming dalawa. Hindi niya tuloy ako maiwan-iwan. Palagi siyang absent sa trabaho para lang bantayan ako.

"Pagod ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Dave.

I nodded. "Upo muna tayo."

Nagtungo kami sa bench na malapit sa amin. Agad niyang inabot sa 'kin ang tumbler na dala niya. Hinihingal na agad ako kahit na hindi pa naman gaanong kalayo ang nilakad namin. Mahihirapan talaga ako kung wala si Dave sa tabi ko.

"Naimbitahan mo na ba sila?" I asked him.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan niya naman ako at marahang hinalikan ang buhok ko. "Opo, pupunta sila mamaya para sa gender reveal ni baby..."

Napangiti ako. "Feel ko, may mag-aaway mamaya."

He chuckled. "Kailan ba nagkasundo ang dalawang 'yon? Noong unang makilala namin si Audrey, nasuntok na niya agad si Zion sa sobrang kadaldalan nito."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon