Chapter 25

72.1K 2.8K 1.5K
                                    

Dedicated to Baby Jane Calanog

Chapter 25

Parang sasabog ang puso ko sa oras na ito. Nanatiling magkalapat ang mga labi naming dalawa. Wala akong kasiguraduhan kung isang panaginip na naman ito.

Isang panaginip na ayaw ko nang magising pa.

"Sieana..." Humiwalay na siya sa 'kin.

Iminulat ko na ang aking mga mata, nagtama ang tingin naming dalawa. Dinala niya ang isang palad niya sa aking pisngi at pinaglapat ang noo naming dalawa.

Gusto kong umimik pero hindi ko magawa. Pilit kong binabasa ang emosyon sa kaniyang mukha. Hindi ko maipaliwanag kung anong nasa isip niya sa oras na ito.

Totoo ba ang nangyari? Hindi na ba isang panaginip lamang ito? Gising ba ako sa mga oras na ito?

Pero mukhang totoo nga kasi nararamdaman ko pa rin ang kaniyang malambot na mga labi sa 'kin.

"Dave..." usal ko.

Natigilan ako nang sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Mas dumoble pa ang bilis ng kabog ng puso ko.

Natatakot ako na marinig niya iyon. Gusto kong lumayo sa kaniya at maghihiyaw kasi... kinikilig ako.

Hindi ko akalain na darating sa puntong mararamdaman ko iyon mula sa kaniya. Akala ko'y isang simple lamang siyang tao, na hindi magiging special sa buhay ko. Na bawat araw ay kukulo ang dugo ko kasi naiinis ako sa kaniya.

I was wrong... sa tuwing hahawakan niya ang aking kamay, sa tuwing matutulog siya sa balikat ko. Sa tuwing magtatama ang tingin naming dalawa. Iba na pala ang dala ng mga iyon para sa 'kin.

Isang kasiyahan na inaakala ko'y hindi ko na muli pang madarama... sa isang katulad niya na nakilala ko lang nang hindi inaasahan.

Hindi ko mapigilan na matakot sa nadaramang ito. Anong posibleng maging kapalit nito? Sakit? Ayoko nang masaktan pa. Ayoko nang muling lumuha.

Pero paano naman ang puso ko kung hindi ko mapagbibigyan? Hindi ba't mas masakit iyon? Mas lalo pa akong magdurusa kung ikukulong ko ang sarili ko na imposible nang mapigilan ko pa.

Bahala na. Sana maging masaya ako sa pipiliin kung desisyon.

"A-Ah, ano? Bumaba na tayo kasi ba-" he cut me off with a kiss.

My eyes widened. Hindi ko inaasahan na muli niyang aangkinin ang mga labi ko. Nakahawak pa siya sa aking batok para mas mapalapit ako sa kaniya.

Pumikit na lamang ako at dinama ang kaniyang halik. Naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang mga labi na sinabayan ko na rin.

Mabagal ang paraan ng kaniyang paghalik. First time niya ba ito? Ako ba ang first kiss niya?

Saka tama ba ito? Walang kami pero nagpapahalik ako sa kaniya? Ano ba itong pinapasok ko?

"Sieana! Kakain na tayo!"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Audrey. Mabilis akong lumayo sa kaniya. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko sa oras na ito.

He licked his lower lip while staring at me. Parang wala lamang sa kaniya na nasa labas si Audrey samantalang ako'y hindi na mapakali.

Sabagay, knowing him. Walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Inaalala lang naman niya'y ang kaniyang sarili.

Bakit kasi hindi ko agad naisip na nasa baba lamang ang mga iyon? Na posible kaming makita ritong magkasama. Ano na ang iisipin nila?

Kahit na wala naman kaming ginagawang masama.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon