Chapter 14

78K 3K 1.1K
                                    

Dedicated to Ashley Pugao

Chapter 14

"Bakit hindi pa rin umuuwi si Ally?"

She shrugged her shoulders. Hindi na ako mapakali mula sa kinauupuan ko. Parang wala lang kay Audrey na hindi pa rin umuuwi si Ally.

Hindi ito sumabay sa amin kanina kasi sinabi niyang mayroon pa siyang exam. Malapit na mag 6 PM pero hindi pa rin ito dumarating.

Malakas na rin ang buhos ng ulan. Sana lang ay mayroon siyang dalang payong para hindi siya mabasa at magkasakit.

"Paano kung may nangyari nang mas--"

"Huwag ka ngang nega. Madalas talaga iyong gabihin lalo na kapag mayroon silang exam. Mamaya lang ay uuwi na iyon."

Kahit na sinabi niya iyon, hindi pa rin mawala ang kaba sa puso ko. Paano kung nakita niya kaming dalawa ni Dave kanina? At nasaktan siya nang dahil sa 'kin?

Bakit ko nga ba iniisip iyon? Wala namang malisya iyon, magkaibigan lang naman kami ni Dave. Pero syempre hindi niya pa rin maiiwasan na masaktan kahit na wala naman iyong malisya.

"Hindi mo pa sinasabi kung anong ginawa ninyo ng lalaking iyon. Hinatid ka pa talaga kanina sa room."

Ngumisi siya. "Tumambay lang kami."

Tinaasan niya ako ng kilay. Sumubo pa siya ng chips na kanina niya pang kinakain.

"Talaga? Saan naman? Talagang kayong dalawa lang, ha."

Sinundot niya pa ang bewang ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Wala lamang iyon."

Iniwas ko na ang tingin sa kaniya. Muling pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

Bakit ko ba ginawa iyon? Bakit ko pinunasan ang pawis niya? Paano kung iba na ang isipin niya nang dahil doon? Bakit kasi hindi ako nag-iisip bago gawin ang isang bagay?

Mabuti na lang hindi namin siya kasabay kanina. Naiwan sa school iyong dalawa para mag-practice ng basketball. Si Terrence ang naghatid sa amin dito gamit ang sasakyan ni Dave.

"Oh, nariyan na pala si Ally."

Nilingon ko si Ally na kasalukuyang pinapagpagan ang sarili. Mukhang nabasa ng ulan. Sana lang ay hindi siya magkasakit.

"Sorry girls, ngayon lang ako nakauwi. Sobrang lakas ng buhos ng ulan. Mabuti na lang nandoon pa iyong dalawa kaya mayroon akong kasabay."

Ibig sabihin... kasama niya si Dave?

"Tanginang ulan iyan! Napaligo tuloy ako nang wala sa oras." Biglang sumulpot si Zion na basang-basa sa ulan.

Namilog ang mga mata ko nang bigla nitong alisin ang suot na pang-itaas. Mukhang hindi niya pa rin kami napapansin.

"Napaghahalataan ang hindi naliligo." Nakangisi pa si Audrey.

Napahawak naman sa dibdib si Zion. Mukhang nagulat sa biglaang pag-imik ni Audrey.

"Ako? Hindi naliligo?! Tangina! Yakapin pa kita nang maamoy mo kung gaano ako kabango."

"No need. Wala ka namang abs."

Napaawang ang bibig ni Zion sa narinig. Ipinatong pa ni Audrey ang mga binti sa ibabaw ng lamesa habang panay ang subo ng chips.

"Anong walang abs? Hindi mo ba nakikita ang mga ito?" Tinuro pa nito ang tiyan.

Umiwas naman ako ng tingin. Si Ally naman ay umakyat na para maligo lalo na't sobrang nabasa rin ito ng ulan.

"Huh? Alin diyan? Wala naman, e. Huwag ka ngang assuming, wala ka namang abs. Taba lang lahat iyan." Binato ni Audrey ito ng unan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon