Chapter 32

65.8K 2.3K 1.3K
                                    

Dedicated to Celine Balono

Chapter 32

"Anong nangyari? Bakit tayo tumigil?"

Napakamot si Terrence sa batok sa aking tanong. Napahampas na lang sa noo si Audrey. Sinubukan ulit ni Terrence na paandarin ang sasakyan pero ayaw talagang umandar.

Katabi ko si Dave na mahimbing na namang natutulog sa balikat ko.

Sumunod sa kaniya si Ally, hindi ko alam kung nakakahalata na ba siya sa amin kung palagi na lang ganito sa 'kin si Dave. Si Zion naman ay tahimik lamang na nagtitipa sa phone nito.

Iniiwasan niya pa rin ako. Kahit pagtingin sa 'kin ay hindi niya magawa. Kailangan ko siyang makausap kasi hindi ako sanay na ganito, na mayroong umiiwas sa 'kin. Nasanay na rin kasi ako sa presensiya niya.

"Nasiraan tayo! Ang malas naman, oh!" Nagpapadyak pa si Audrey sa inis.

Natigilan naman kami ni Ally. Ngayon na kasi kami pupunta sa beach. Maaga pa kaming umalis para lang maiwasan ang traffic. Pero hindi namin inaasahan na ganito pa ang mangyayari.

"Anong gagawin natin? Mukhang malayo pa ang resort." Nilingon namin si Ally nang magsalita ito.

"Hindi ko rin alam. Wala tayong choice, kailangan nating humanap ng talyer para mapaayos ang sasakyan." Tugon ni Audrey.

"Saan tayo makakahanap? Bukid itong dinaanan natin. Mukhang mahihirapan tayong humanap ng talyer."

Malakas na napabuntong-hininga si Audrey sa sinabi ko. Gumalaw naman si Dave na mukhang nakaramdam na sa nangyayari.

Marahan niyang pinisil ang kamay ko. Hindi niya talaga bitiwan iyon kahit na ang himbing ng kaniyang tulog. Tinakpan ko na lamang ito ng aking bag para hindi nila makita.

"Ikaw, Zion? Wala ka bang naiisip na gawin?" Tinaasan ni Audrey ng kilay ang lalaking iyon.

"Ano pa nga ba? Edi simulan na nating maglakad papunta sa resort nang maaga tayong makapunta roon."

Napahampas kami sa aming noo. Lumabas na si Audrey para puntahan si Terrence na sinusuri na ang makina, sumunod na rin iyong dalawa.

"Dave..." Marahan kong tinapik ang kaniyang pisngi.

Agad naman siyang mumulat. Nagkusot pa ng kaniyang mga mata. Lumabas na kami ng sasakyan para tingnan kung anong nangyari.

Umuusok iyong makina. "Anong gagawin natin?" tanong ni Audrey.

"Hindi ito aandar hangga't hindi natin nadadala sa talyer para maipaayos." Naiiling pa si Terrence.

Nakatakip na kami sa aming mga ilong dahil sa usok. Nanatili naman sa likuran ko si Dave na tahimik lamang na pinagmamasdan iyong makina.

"Tingnan lang namin ang likuran ng sasakyan, baka mayroon ding sira."

Bigla na lang akong hinila ni Dave palayo sa lugar iyon. Nilingon ko sila, nakangisi si Audrey, habang si Ally naman ay habol ang tingin sa amin.

Nagtama naman ang tingin namin ni Zion pero agad din itong umiwas.

"Baliw ka ba? Bakit mo ak–" Bigla niya na lang akong niyakap.

Mukhang mayroon na akong ideya kung bakit niya ako dinala rito. Gusto niya lang pala akong yakapin. Imposibleng makita nila kami rito kasi busy sila sa unahan.

How sweet of him. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti.

"Ang clingy mo..." I chuckled.

Inangat ko ang aking mukha para magtama ang tingin naming dalawa. "Maybe?"

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon