Chapter 38

64.3K 2.1K 1.4K
                                    

Dedicated to Raina Gwen Cabael

Chapter 38

"Pa, kahit na wala ka na sa piling namin, na hindi mo na ako magagawa pang samahan sa pag-akyat ng stage. Tutuparin ko pa rin ang pangarap ko na balang araw, magiging isang engineer din ako na katulad mo..."

Hindi ko pa rin matanggap na bangkay na niya ang iniuwi sa amin, na wala na pala ang inspirasyon ko para maabot ko ang mga pangarap ko. Pero kailangan ko pa rin na magpatuloy, kasi naniniwala siya na kaya ko.

Kaya kong tuparin ang pangarap ko kahit na wala na siya sa tabi ko.

"Sieana!"

Napahawak ako sa dibdib nang marinig ang boses ni Audrey. Nakapasok na pala siya sa kwarto ko nang hindi ko man lang namamalayan.

"Kailangan mo ba talagang gawin iyon? Alam ba ni Tita?"

I shook my head. "Hindi niya na kailangang malaman pa. Saka madali lang naman ang gagawin ko, magtitimpla lang ako ng iba't-ibang klase ng milktea. Mabuti na lang, umaga ang schedule natin sa lahat ng subject. Hindi na ako mahihirapan pa i-balance ang oras ko."

She sighed. "Ikaw ang bahala... Basta ba hindi mo mapapabayaan ang pag-aaral."

I nodded. Buo na talaga ang desisyon ko na mag part-time job. Ayaw kong umasa sa padala ni Mama kahit na pinapadalhan naman kami ng gastusin ng boss ni Papa.

Alam ni Dave ang tungkol sa bagay na iyon. Tumutol pa siya noong una pero sa huli wala na rin siyang nagawa kundi ang samahan akong mag-apply sa isang milktea shop.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba busy ka ngayon?"

He kissed my forehead. Umupo siya sa tabi ko at agad na sinandal ang ulo sa aking balikat. Napangiti ako nang hinawakan niya ang kamay ko at nilaro iyon.

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. Sinabi pa naman niya na busy siya ngayon kasi pinahirapan na naman sila ng kanilang prof. Marami itong pinapagawang requirements. Mas marami pa ang gawain nila kaysa sa amin.

"Nakausap ko si Dad."

My eyes lips parted. "Talaga? Okay na kayo?"

He sighed. "Hindi ko alam, sinabi niya na magkita raw kami pero pinatayan ko lang ito ng tawag."

I held his hand. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang tampo niya sa kaniyang ama. Hindi pa rin sila nagkakaharap na dalawa.

"Can I sleep here tonight?"

I raised my brow. Ngumisi naman ang loko.

"Hindi puwede! Hindi ba't marami ka pang gagawin? Paano mo matatapos ang mga iyon kung dito ka matutulog?"

"Bukas ko na lang gagawin, mas priority ko ang girlfriend ko..."

Mahina kong hinampas ang balikat niya. "Ang landi mo, future engineer..."

He chuckled. "At least, sa 'yo lang..."

Napailing na lang ako. Hindi na niya ako hinayaan pang makaimik kasi siniil na niya ako ng halik na mabilis ko namang tinugunan.

Hindi ko akalain na tatagal ang relasyon namin ng isang taon. Bawat araw, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Pinaparamdam niya rin sa 'kin kung gaano niya ako kamahal.

Sobrang swerte ko na maranasan na mahalin ng isang tulad niya.

"I love you, Sieana..." He kissed my forehead.

Hinigpitan ko naman ang yakap sa kaniya. Of course, pareho pa kaming nakabalot ng kasuotan. Hindi pa namin ginagawa ang bagay na iyon.

Hanggang make out lang kaming dalawa. Sanay na rin ako sa kalandian niyang tinataglay. Akala ko pa naman inosente siyang tao, nagkamali pala ako sa pinaniniwalaan ko.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon