Chapter 1

244K 4.9K 1.5K
                                    

Chapter 1

Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang litrato naming dalawa ni David. He made me feel so special, kaya lubos na nahulog ang loob ko sa kanya.

Halos isang taon niya rin akong niligawan at ipinaramdam niya sa 'kin na ako lang ang babae sa buhay niya.

Pero nagkamali ako, kasi hindi ko akalain na niloloko na niya pala ako. Hinahanap niya sa iba ang bagay na hindi ko magawang maibigay sa kanya.

Sinabi ko sa kanya na ibibigay ko ang sarili ko sa kanya kapag ikinasal na kami pero anong ginawa niya? Humanap siya ng iba para lang ma satisfied ang kanyang needs.

Sa loob ng dalawang taon naming relasyon ay nabulag ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko man lang napansin na ginagago na niya pala ako.

Marami rin ang nagsasabi sa 'kin na niloloko na ako ng boyfriend ko pero hindi ako naniwala kasi alam kong sobrang mahal niya ako para magawa ang bagay na 'yon.

Palagi kaming magkasama, hatid at sundo niya rin ako pero nagawa niya pa rin ako na lokohin.

Lumapit mismo sa 'kin ang babae niya na kaibigan ko at sinabing may relasyon nga silang dalawa. Sobra akong nasaktan na halos ubusin ko na ang buhok ng babaeng 'yon.

Kaibigan ko siya pero tinaraydor niya ako, nilang dalawa ng gagong 'yon! Sinamantala nila ako at pinagmukhang tanga.

"Sigurado ka na ba na anak na aalis ka? Pwede bang huwag ka na lang tumuloy?" naluluhang ani ni Mama at niyakap ako.

"Napag-usapan na natin 'to, 'di ba, Mama? Gusto ko pong maging independent kasi hindi naman po pwedeng aasa na lang po ako sa inyo. Saka ako po ang panganay, nararapat lang na tumayo ako sa sarili kong mga paa."

Hinaplos ko ang kanyang likuran habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Maging ako ay naiiyak na rin pero hindi na talaga mababago pa ang isip ko.

Gusto kong lumayo sa lugar na 'to kasi sobrang nasasaktan ako. Alam kong anumang oras ay pupunta na naman dito ang gagong 'yon para makipagbalikan sa 'kin.

Hindi ko na hahayaan pa na bumalik siya sa buhay ko.

"Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo anak, dahil ba kay David kaya mo gustong lumayo?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang nababakas sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala.

"Mama naman! Wala po siyang kinalaman dito. Gusto ko lang pong matuto na mamuhay nang mag-isa, saka sayang naman po ang scholar ko sa University kung hindi po ako papasok doon."

Mas lalo pang nalungkot si Mama sa sinabi ko. Halos tatlong beses na rin akong lumuwas sa Manila para kumuha ng scholar sa University na papasukan ko at mabuti na lang ay natanggap ako.

Matataas kasi ang mga grado ko. Mabuti na lang talaga na hindi naapektuhan ang pag-aaral ko nang dahil sa gagong nanakit sa 'kin.

Ayokong sabihin kay Mama na si David nga ang dahilan kung bakit gusto kong lumayo rito. Ikinatatakot ko na sobrang magalit siya at sugurin niya ang lalaking 'yon. Mahina pa naman ang resistensiya ni Mama at baka atakihin pa ito.

Mabuti na nga lang na nakatira dito ang bunsong kapatid ni Mama kaya okay lang na umalis ako kasi mayroong namang magbabantay sa kanila.

"Mukhang hindi na talaga kita mapipigilan pa, basta mag-iingat ka sa Manila, ha? Ibang-iba ang lugar na 'yon kaysa rito sa bukid na kinalakihan mo."

Tama nga si Mama, ibang-iba ang Manila kaysa rito sa probinsya ng Batangas. Pakiramdam ko ay mahihirapan akong mag-adjust pero hindi pa rin talaga magbabago ang isip ko na umalis.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon