Zelle's Point of View
Nakaupo ako dito sa loob ng classroom, nagsi-kalat ang mga kapwa kong estudyante dahil wala pa yung magiging advicer namin this school year.
'Balita ko may transferee'
'Ay, oo! lalaki nga daw yung transferre,e'
'Sana dito sa section siya ilagay'
'Nako, sinabi mo pa'
'Sabi nila gwapo daw yung lalaki'
'Iniimagine ko pa lang pero kinikilig na ako'
Tumabi bigla sa akin ang bestfriend ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ahh, alam ko na, dadaldalin lang ako kasi narinig niya yung mga pinag-uusapan ng mga kaklase namin.
"Hoy, bes. May bago daw na student," sabi niya sa'kin at ngumiti, tinaasan ko siya nang kilay "So?"
"Ang taray naman ne'to!" reklamo niya.
Napailing ako. "I'm not interested." I smile at her.
"I'm not interested," sabi niya at nagmake face. "Kapag nalaman kong interestado ka pala doon sa transferee na 'yon, ililibre mo ako ng lunch."
I look at her because of what she said. "Alam mo, wala ka nang inisip kundi libre. Kakapusta mo lang kahapon, pupusta ka na naman,"
Medyo lumapit siya sa akin, ngumiti pa siya bago nagsalita. "Feel ko kasi bagay kayo."
"Ewan. Ko. Sayo." sabi ko at inilayo ang mukha ko sa mukha niya. "Nababaliw ka na naman."
"Hoy Maddie! Grabe ka naman sa akin." sabi niya tska nag-pout.
Nagpapa-awa na naman sa akin.
Nang dumating ang prof namin ay nagsi-balikan silang lahat sa kani-kanilang upuan.
"Good afternoon class!" bati niya, tumayo silang lahat at bumati pabalik. "Good afternoon Ma'am!"
"Sit down." she said and look at us. "I'm Eya Salvador and I'm going to be your advicer this school year."
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas ito. "Nandito na pala ang bagong kaklase niyo." rinig naming sabi ni Ma'am Eya.
Natigilan akonang makita kung sino ito. Kilala ko siya.
Napatingin ito sa gawi ko at gano'n din ang gulat niya nang makita ako.
'Nakatingin siya kay Maddie' rinig kong sabi nung isa kong kaklase.
'Maganda naman kasi si Maddie kahit nakasalamin, kaya kahit sino mapapatingin talaga sa kanya' rinig kong sagot sa kanya nung kaibigan niya.
"Mr. Fuenterio, come here," sabi ni Ma'am sa kanya at itinuro ang tabi niya, inalis na niya ang tingin sa akin at naglakad papunta sa tabi ni Ma'am. "Introduce yourself."
He nod.
He look at us and he smile. "Hi! I'm Akiro Zion Fuenterio."
"Pwede ka nang umupo sa tabi ni Ms. Villanova," rinig kong sabi ni Ma'am dahilan para mapatingin ako sa lalaki at sunod akong napatingin sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. "Mabait 'yan si Ms. Villanova, wag kang mag-alala," Ibinalik ko ang tingin sa harapan dahil doon.
'Mukha ba akong hindi mabait? Hindi naman ako nangangagat' sabi ko sa isip.
He smile at me, naglakad siya papalapit sa akin at umupo sa bakanteng upuan. Humarap siya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
He offered his hand. "I'm Akiro. Nice to meet you again." tinignan ko pa ito bago tinanggap.
I smile. "Nice to meet you again." sabi ko.
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfiction"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...