Chapter 25: Shopping

2 0 0
                                    

Zelle's Point of view

Hanggang ngayon, hindi pa din ako pinapansin ni Vince. Nagtatampo siguro kasi alam niyang hindi siya makakasama next week sa birthday ni Kuya Akiro niya dahil hindi pa siya pwede.

Nakita kong nakaupo ito sa living room kaya ngumiti ako at tinabihan siya. Alam kong naramdaman niya akong tumabi sa kanya pero hindi pa din niya ako pinansin.

"Vince," tawag ko sa atensyon niya, iniisnob pa din ako ng kapatid ko. "Vince, sorry na. Hindi kasi talaga pwede. Gusto mo sumama ka na lang sa akin papuntang mall?" nilingon niya ako at diretsyo akong tinignan sa mata, hinihintay niya akong magpatuloy sa pagsasalita. "Samahan mo si Ate na bumili ng regalo para kay Kuya Akiro mo," sabi ko sabay pa-cute sa kapatid ko. Alam kong hindi niya ako matitiis dahil mahal na mahal ako ne'tong kapatid ko na ito. Umakto pa itong nag-isip bago ngumiti sa akin at tumango.

"Bihis ka na, dali!" nakangiti na sabi ko sa kanya kaya naman agad itong tumango at nagtungo sa taas upang magbihis. Hindi ako makapaniwala na close na ang bunso kong kapatid kay Akiro.

Maya-maya lang ay bumaba na ang kapatid ko, nginitian niya ako. "Tara na?" tanong ko sa kanya nang makalapit na ito sa'kin. Tumango ito at humawak sa kamay ko. Close kami ng mga kapatid ko, lalong lalo na si Vince. Mabait, makulit, matampuhin ang batang 'toh.

Nakangiting lumabas kami ng bahay at lumapit sa kotseng gagamitin namin papuntang mall, pinagbuksan kami ng pinto ni Manang kaya ngumiti ako at yumuko dito. "Saan po tayo?" tanong sa akin ni Kuya driver na nasa kotse na bago pa kami sumakay. "Sa Mall po, Kuya," sabi ko, tumango ito. Pinagseatbelt ko ang kapatid ko tska ako nagseatbelt for safety purposes. Tumango na ako kay Kuya kaya pinaandar na niya ang makina ng kotse at pinaharurot ito paalis.

****

Hawak ko ang kamay ni Vince habang naglalakad kami dito sa loob ng mall, mukhang masaya na siya dahil kahit hindi daw siya makapunta sa birthday ng Kuya Akiro niya ay mabibigyan naman niya ito ng regalo.

"Ate, anong magandang iregalo kay Kuya?" tanong niya, saglit ko itong nilingon habang naglalakad kami. "Guitar? He's a musician, like kuya," sagot ko dito, nakita ko sa gilid ng mata ko na tumango ito.

Nang makita ni Vince ang isang shop ng mga instruments ay mabilis niya akong hinila papasok. "Ate ayun, oh. Maganda," sabi niya sabay turo sa gitara na kulay asul at itim. Tinignan ko ito at napatango ako. "Maganda nga," kumento ko.

"Ma'am?" lumapit ang isang lalaki na mukhang dito nagtatrabaho. "Kukunin niyo na po ba ito?" tanong nito kaya ngumiti ako at tumango. "Yes po," nakangiting sagot ko.

"Sige, wait lang po. Iready ko na po yung gitara at freebies," sabi nito sabay bitbit ng guitara sa isang room. Hahanap ito ng kagaya ng gusto kong bilhin.

Hinintay lang namin na bumalik na si Kuya. Mamaya maya lang ay napatalon ako sa gulat nang mapansing katabi ko na si Kuya. "Ma'am, punta na po tayo sa counter." tumango ako at sumunod dito. Hawak-hawak ko ang kamay ng kapatid ko kaya wala itong nagawa kundi maglakad at sumunod na lang. Binayaran ko na ang binili namin ni Vince, binigyan ko din sila ng tip dahil maayos ang service nila.Isinabit ko sa balikat ko ang gitara na binili namin, hawak hawak naman ni Vince ang paperbag na ang lamay ay mga accessories.

"Tara na, uwi na tayo," sabi ko sabay hawak sa kamay niya at naglakad na papuntang parking lot. Mahigpit kong hinawakan sa kamay si Vince dahil mamaya ay bigla na lang itong mawala sa tabi ko na parang bula, makulit pa ngang bata 'to.

Zaire's Point of view

Tahimik na naghihintay ako kay Madelaine, sabi kasi ni Tita na nagpunta si Madelaine sa mall kasama ang bunsong kapatid niya na si Vince para hindi na ito magtampo. Gustong gusto daw kasing sumama ni Vince sa surprise party para kay Akiro next week, pero hindi pwede dahil masyado pa siyang bata para sumama sa mga parties na puro matatanda, tska mabobored lang siya do'n noh.

Nakailip lang ako sa binata, saktong dumating naman sila Madelaine kaya agad akong tumakbo palapit ng pinto. Pagbukas ng pinto ay agad ko itong ginulat, napatalon ito pero agad din akong sinamaan ng tingin. "Masaya 'yon?" tanong niya na seryoso lang ang tingin sa'kin. Ngumiti ako at tumango sa'kanya, I saw her rolled her eyes. Ang Taray.

Tuluyan nang pumasok silang dalawa sa loob at parang tuta akong nakasunod kay Madelaine, napakunot ang noo ko nang mapansin ang dala dala niyang gitara. "Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa gitara na hawak hawak niya. "Gitara, malamang. Hindi ba obvious?" Nakataas ang kilay na tanong niya kaya inirapan ko siya. "Alam kong gitara pero para kanino 'yan?" Tanong ko sabay kunot ng noo.

Wag niyang sabihin na para kay Akiro 'yan?

"Sino bang may birthday next week? Walang iba kundi si Akiro," medyo pilosopo na sagot niya. Hindi ko alam kung anong nainom niya at naging ganito ang ugali ne'tong babaitang ito.

Nilingon ko ang bunsong kapatid ng maatitude kong bestfriend. "Anong nangyari d'yan sa ate mo? may problema ba yan?" nagkibit balikat lang ito at tumakbo papa-akyat, siguro guguluhin niya si Cloud. Sana nga guluhin niya, kanina pa kasi pa-epal. Lagi na lang akong inaasar tuwing nakikita ako, baka isipin kong may gusto siya sa'kin dahil ayaw niya akong tantanan. Kung meron nga, masyadong mahaba naman buhok ko. Parang trip ko tuloy magpagupit, ikaw kasi Zaire Ryn Harris eh, kung ano ano pinag-iisip mo.

Nilingon at sinamaan ako ng tingin ni Maddie matapos ko siyang batukan. "Hoy, kanina ka pa, Zaire Ryn. Anong problema mo, ha?" parang unti na lang ay hahampasin na niya ako. "Wala, trip lang kita," sabi ko sabay kindat.

"Epal," sabi niya sabay irap sa'kin. "Wews, binilhan niya ng gitara bebe Akiro niya. Inlove na inlove sis?" ngising sabi ko at sinundot-sundot pa ang taligiran niya. Malakas na hinampas niya ang kamay ko kaya napatigil ako. "Kapag inlove, inlove lang. Hindi yung mananakit ka pa," pangaasar ko pa, she rolled her eyes.

"Bahala ka sa buhay mo!" sabi niya sabay lakas papuntang taas, paniguradong pupunta iyon sa kwarto niya. Kinuha ko ang gitara sa gid at sumunod sa'kanya, sa lahat nang maiiwanan niya, yung regalo pa para sa bebe niya.

Zelle's Point of view

Ramdam kong sinundan ako ng madaldal at chismosa kong kaibigan paakyat sa kwarto. Umupo ako sa higaan at tumingin sa pinto, hinihintay na bumukas ito. Napangiwi ako nang bumukas ito at bumungad nag kaibigan kong hawak hawak ang gitara na ireregalo ko kay Akiro para sa birthday nito. Bob*, sa lahat nang pwedeng maiwan yung gitara pa.

"Hoy, buang, naiwan mo," sabi niya sabay abot sa'kin ng gitara, kinuha ko naman 'yon agad. "Salamat," sabi ko at nginitian siya. Nagpa-salamat na ako agad pagka-abot niya sa akin nung gitara, mamaya maging dragon pa at sabihing hindi ko siya pinapasalamatan.

Naglakad siya palapit at tahimik na umupo sa tabi ko, mukhang may gustong malaman 'tong babaitang ito. "Mads," tawag niya sa'kin gamit ang nickname ko. Nilingon ko siya at pinagkunutan ng kilay, hinihintay ko siyang magpatuloy sa pagsasalita. "Gustong gusto mo naman na si Akiro 'noh?" out of nowhere na tanong niya. Hindi ako nagsalita at tumango na lang, hindi ko alam pero siguro ayaw ko din mag-explain kung paano ko nasabing gustong gusto ko na si Akiro. "Really?" tanong niya, agad na tumango ako. "Awts. Kawawa naman pala ang kuya ko," rinig kong bulong niya.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit naman kawawa si Zeki?" nagkibit balikat lang siya.

Ayaw sabihin, hmp.

"Kung alam mo lang kung gaano ka ka-gusto ni Kuya," bulong ni Zaire na hindi ko maintindihan. Napailing na lang ako at kinalimutan na may binubulong siya kanina. Baka kausap niya lang sarili niya.

Tumayo ako at lumapit sa study table ko, nakapalumbaba akong iniisip kung paano ko sasabihin kay Akiro na sinasagot ko na siya, na pumapayag na akong maging girlfriend niya.

Ano kayang magiging reaksyon niya? Matutuwa kaya siya? Tatalon kaya siya sa tuwa? Magiging masaya kaya siya?

Napalingon ako kay Zaire nang batukan ako nito. "Problema mo?" nakataas ang kilay na tanong ko dito.

"Anong iniisip mo, ha? Si Akiro ba? Wag kang mag-alala, mahal ka no'n," sabi niya kaya napairap na lang ako. Napaka-epal, iniimagine ko nga kung anong magiging reaksyon ni Akiro kapag sinagot ko na ito. "Walang babae 'yon, wag kang mag-alala," dagdag niya pa.

Hindi ko ito pinansin at binuksan na lang ang laptop ko. It's time to think kung anong klaseng surprise ang inaano namin sa birthday ni Akiro. Saan kaya magandang place siya isurprise? Sa Parking lot? Love cafe? Bar? School? Gymnasium? Court? Hay, bahala na nga sila Zaire kung saan nila gusto basta alam ko na kung anong ireregalo ko kay Akiro. Ang matamis ko lang namang Oo ang ireregalo ko sa birthday niya.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon