Zelle's Point of view
Walang emosyong nakatingin ako sa phone ko, naghihintay ako ng tawag mula kay Akiro.
'Nakalimutan niya bang Birthday ko ngayon? O sadyang busy lang talaga siya ngayong kaarawan ko kaya hindi man lang niya ako mabati,' Tanong ko sa sarili.
"Wala pa rin?" tanong ng pinsan ko sa'kin, nagkagat labi ako at umiling sa kanya. Ilang minuto na akong naghihintay sa tawag niya pero bakit wala pa din. "Baka busy,"
"He's too busy? If mahal niya si Maddie, gagawa at gagawa siya ng paraan para batiin siya. Wag iyang sabihin na nakalimutan niya birthday ng girlfriend niya," sabi ni Zekiel na parang may galit sa bawat pagbitaw ng mga salita.
"Bak-" hindi natapos ang sasabihin ni Ken nang takpan ni Zaire ang bibig nito. Nag-aalalang tinignan ako ni Zaire pero andoon pa din ang gulat niya, napakunot ang noo ko. "Maddie, hindi ko sinisira yung birthday mo pero kailangan mong makita 'toh," sabi niya sabay bigay sa'kin ng phone. Napatakip ako sa bibig ko at dahan-dahang tumulo ang luha ko. "Aki," agad kong ibinalik ang phone ni Zaire sa'kanya.
"Maddie.." tawag ng pinsan ko sa atensyon ko. "We're here for you,"
Kinuha ko ang phone ko, tumutulo pa rin ang luha ko na binuksan ang twitter account ko at sinearch ang pangalan ni Akiro. Napahagulgol ako nang makita ang picture nilang dalawa. "Aki... B-Bakit? Bakit sa birthday ko pa? B-Bakit?" sunod-sunod kong tanong.
"Stop looking at this picture," kaagad na inagaw ni Zekiel ang phone ko. he look at me. "Nasasaktan ka na, Elle. Bakit tititigan mo pa yung bagay na nakakasakit sayo!" tumutulo ang luha na tinignan ko siya. "Ayokong nakikita kang umiiyak, kasi nasasaktan din ako,"
"Zeki, bakit ganon? Anong bang kulang ko? Mas maganda ba siya sa'kin? Mas sexy? Mas magaling? Zeki, bakit nagawa niya sa'kin yon?" sunod-sunod na tanong ko, hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit. "Shh. Walang kulang sayo," bulong niya sa tenga ko habang hinihimas himas ang likod ko.
"Pero bakit gano'n?" out of nowhere na tanong ko.
"Zelle," tawag sa akin ni Ken na ikinalingon ko sa'kanya. "Gusto mo ba sugudin ko 'yon sa California? Isasama ko si Kean, papatikimin lang namin ng suntok. Diretsyo hospital nga lang siya," dagdag niya pa, hindi ko magawang ngumiti sa sinabi niya. "Ngiti ka na bespren, hindi ko kayang nakikita kang ganyan," sabi niya sabay pout. Mas lalong hindi tumigil sa pagtulo ang luha ko, masyado akong nasasaktan ngayong araw.
"Ano bang mali sa'kin?" tanong ko sa kanilang lahat. May pag-aalala sa kanilang mga mata, mukha akong mahina ngayon.
Napatingin ako kay Zeki nang hawakan niya ang kamay ko. "Walang mali sayo," hinawakan niya ang mukha ko at pinipilit akong tumingin nang diretsyo sa mata niya. "You're perfect for me, Elle. Kung alam mo lang,"
"Gusto kong uminom, pwede ba?" tanong ko sa kanya, tumango ito.
"Ken, kuha ka ng beer sa ref," utos ni Zeki kay Ken na agad namang tumayo at pumunta malapit sa ref, mayamaya lang ay bumalik itong may dala dalang beer. Kumuha si Zeki at binuksan ito, na agad rin niyang inabot sa'kin. Matipid na ngumiti ako sa'kanya.
Wala akong ginawa kundi tanungin sila kung ano bang mali ko, kung ano bang kulang ko. Ilang minuto na din akong umiiyak, bakit ba parang hindi maubos ubos luha ko. Gusto kong umiyak hanggang wala na akong luha na mailabas.
Ramdam ko na ang pagka-lasing ko, kinuha ko ang phone ko nang marinig itong mag ring. Sinagot ko ang tawag nang hindi man lang tinitignan ang caller's ID, masyado akong lasing para tignan pa 'yon.
['Babe, Happy Birthday. Sorry late greet, masyado lang naging busy. Pero kahit nalate ako nang bati sayo, itatatak mo pa din sa puso't isipan mo na mahal na mahal kita. I love you. Saranghae,'] sabi niya nang sagutin ko ang tawag. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili gumawa ng ingay, ayokong malaman niyang umiiyak ako.
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfiction"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...