Zaire's Point of view
Hindi ko alam kung anong naisip ni Ma'am at ganitong task ang pinapagawa. Hindi ko alam kung maiinis ako o maiiyak.
Nakatitig pa rin ako sa bakanteng upuan ni Ken, nasaan na ba yung lalaki na iyon. Hindi ko alam kung late lang siya, o wala talaga siyang balak pumasok. Hindi kaya dahil sa nangyari kahapon? Kaya naisipan niyang wag munang pumasok?
"Kasi naman Zaire, eh," napalakas na sabi ko, kaya naman nagsitingan sa akin ang mga nasa paligid ko.
"Ms. Harrison," nangamatis ang aking pisngi nang marinig ko ang pagtawag ni Ma'am sa apelyido ko. "Do you have a problem?" she ask while raising her eyebrow.
Kinagat ko ang labi ko at umiling. "No po, ma'am," Tumango lang siya sa akin bilang sagot.
Pagtalikod ni Miss sa akin ay ang pagdating naman ni Ken. Tinignan siya ni Miss at pinagtaasan ng kilay. "Why are you late, Mr. Reese?" tanong sa kanya nito. "First time kang ma-late sa klase ko,"
Hindi talaga nalalate si Ken, hindi ko lang alam kung bakit nalate siya ngayon sa favourite subject niya. Dalawang late na ang nasa record niya, magka-iba nga lang na subject. Honestly, ayaw talagang pumasok ni Ken ng late, kilalang kilala ko siya. Tutok na tuktok din ito sa pag-aaral, he's a dean lister kagaya ni Madelaine.
"Nagka-emergency lang po," nakayukong sagot nito. "Sorry, Ma'am. It won't happen again,"
Tinanguan siya ni Ma'am. "Go to your respective seat," tumango si Ken kay Ma'am at naglakad palapit sa kaniyang upuan. Tinignan pa ako ni Ken kaya agad akong nag iwas ng tingin.
"So class," panimula ni Ma'am, tumingin ang lahat kabilang na ako. "What would you choose? The one who loves you or the one you loves?" tanong niya sa amin, natahimik ako at napapikit.
'Bakit sa lahat nang pwedeng itanong ni Ma'am ay iyon pa? Nanadya ba ang tadhana?" tanong ko sa sarili.
"Mr. Reese," tawag ni Ma'am kay Ken kaya agad itong tumayo. "Anong pipiliin mo?"
"Wala po, Ma'am," sagot nito sa'kanya, napakunot ang noo ni Ma'am dahil sa sagot niyang 'yun. "Why, Mr. Reese?" Ma'am asked. "Would you mind explaining it?" tanong ni Miss at ngumiti sa kanya.
" I didn't choose because I know that the girl I love, loves me too. So I didn't choose a side, Ma'am," He answered. Inalis ko na ang pagkakatingin kay Ken nang marinig ang sagot niya at kay Ma'am itinuon ang aking atensyon. Ngumiti si Ma'am at tinanguan siya, parang na-impress pa ito sa sagot niya. At ako naman? Hindi alam kung makakaramdam nang inis, o maiiyak dahil sagot niyang 'yun.
Isa-isang tinawag ang mga kaklase ko at tinanong ng parehong tanong kagaya no'ng kay Ken. Hindi ko alam kung ano ang naisip ni Ma'am at ayon pa ang naisipang maging topic namin ngayon. Lesson pa ba ito, o ano?
Nang matapos na ang time ay nagpaalam na si Ma'am sa amin. Nag-ayos na ako ng gamit at lumabas ng room nang hindi hinihintay si Madelaine. Tahimik at walang pakialam ako sa paligid na naglalakad papuntang court. Doon na lang ako tatambay dahil alam kong may tao do'n dahil nagprapractice ang Blue Waves para sa next sport feast. Nagpapalakas sila at nagpapagaling dahil makakalaban nila ang iba't ibang teams galing sa ibang school.
Nang makarating ako sa court ay agad akong pumasok at naglakad sa gilid papuntang bleachers. Tumitingin-tingin rin ako sa paligid dahil baka may bolang lumipad sa'kin, ayokong magkabukol 'noh. Mahirap na.
Nakita ko ang kapatid ni Madelaine na si Cloud, tinignan ko ito hanggang sa mapalingon ito sa akin at ngunitian ako. Agad akong umiwas ng tingin nang maramdaman ang pangangamatis nito. Naging crush ko kasi noon ang kuya ni Madelaine at si Cloud 'yon. Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan, siguro dahil gwapo siya, mabait, protective, gentleman, mabango pa rin kahit naligo na ito sa sariling pawis.
Nagsimula na ang practice pero nagtataka ako dahil hindi ko makita ang isang tao na dapat ay nandito rin.
"Nasaan na ba si Ken? Bakit wala siya ngayon dito? Bakit hindi siya kasama sa practice ngayon? Hindi ba siya nasabihan o sadyang nakalimutan niya lang?'Napa-iling ako. 'Bakit ko ba siya iniisip? Dapat nga hindi ko siya iniisip,'
Natapos nang magpractice ang Blue Waves. Pinagmasdan ko ang paligid at napunta na lang bigla ang tingin ko sa isang lalaki na palapit sa akin. Nang makalapit na ito ay agad niya akong nginitian. "Hinahanap mo si Ken?" tanong niya kaya agad na kumunot ang aking noo.
"Ano bang pinagsasabi mo, Nikolai?" tinaas ko ang aking kilay. "Hindi ba pwedeng pinagmamasdan ko lang 'yong paligid?"
"Defensive ka masyado, Zai," sabi nito sabay tawa, I rolled my eyes. "Ang taray mo pagdating sa akin, alam mo ba 'yun? Buti na lang nalaman kong gusto mo si Ken at baka isipin kong may pagtingin ka sa akin," rinig kong sabi niya, nandidiri ko siyang tinignan. "Ako magkakagusto sayo?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. "Asa ka!"
"Ang taray mo talaga, Zai," iling nito.
"Don't call me Zai, hindi tayo close,"taas kilay kong sabi. "Mataray na kung mataray, sayo lang naman ako nagtataray dahil ang kulit mo,"
"Tsk!" singal niya.
Tumayo ako at kinuha ang gamit ko, walang sinabing umalis ako sa harap niya.
Ayokong magistay pa doon at baka masaktan ko lang yung lalaking 'yon kapag napuno ako. Napaka-kulit, nakakainis!
Natigilan ako sa paglalakad nang makasulubong ko si Ken, saglit ko itong tignan at umiwas na ng tingin. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi siya pinansin, ngunit hindi ko pa siya nalalagpasan ay hinawakan na niya ang braso ko kaya napalingon ako at napaharap sa kanya.
Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago nag-angat ng tingin sa kaniya. "Anong kailangan mo?" mahinahong tanong ko, ayokong mabuhos sa kanya ang inis ko sa kaibigan niyang si Nikolai.
"Iniiwasan mo ba ako?" kunot noo'ng tanong nito.
"Pake mo?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Eh, kung gusto kitang iwasan, anong magagawa mo? Wala, di'ba? So tigilan mo nga ako, Ken,"
"Hindi kita maintindihan,"
"Kailan mo pa ba ako naintindihan, Ken? Sabihin mo nga kailan para malaman ko. Baka meron kasi, hindi ko lang alam," sarkastikong sabi ko, kumunot ang noo niya dahil do'n. "Hindi ka ganyan dati,"
"Then?" nakataas ang kilay na sabi ko. "Hindi ka makasagot?" tumango-tango ako. "Kung hindi. Edi, bitawan mo ang braso ko," sabi ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa braso ko na ikinakunot ng noo ko. "Ano bang problema mo, Ken?"
"Ikaw." Titig na titig ito. "Ikaw ang problema ko,"
"At bakit ako?" nakataas ang kilay kong tanong. "Ano bang ginagawa ko sayo? Wala naman, di ba. Kaya tigil0tigilan mo nga ako sa sinasabi mong ako ang problema mo," sabay bawi sa aking braso.
"Ikaw ang problema ko, Zaire. Kung hindi mo lang ginawa sa akin 'toh. Edi, sana hindi ako nagkakaganito," napasapo ito sa kaniyang noo.
"Ano bang ginawa ko sa'yo?" kumukulo ang dugo'ng tanong sa kaniya. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa'kin. Edi, sana tapos na toh kanina pa. Pinapahaba mo pa, eh. Hindi mo na lang sabihin kung anong dahilan at ako ang problema mo,"
"Gusto mo ako 'di ba?" natigilan ako sa tanong nito. "Sagutin mo ako, Zaire. Gusto mo ako, di ba?"
"Oo, gusto kita!" nangilid ang luha'ng sagot ko. "Anong problema do'n? Wala naman 'di ba. Ni hindi ko nga tinanong sayo kung sino yung babaeng tinutukoy mo kanina nung sinagot mo yong tanong ni Ma'am, eh. Tapos ako? Tinatanong mo ako gusto kita. Oo, gusto kita, masaya ka na?" Nanlaki ang aking mata nang hilain niya ako papalapit sa kaniya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, nararamdaman ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. "Nagseselos ka sa sarili mo?" kumunot ang noo ko. "Bakit hindi ka makapagsalita?"
"A-Anong sinabi mo?" nautal na tanong ko.
Hindi ko siya naiintindihan, ano bang sinasabi niyang nagseselos ako sa sarili ko?
Natigilan ako nang magprocess sa utak ko ang sinabi niya. "G-Gusto mo ako?" nauutal pa ring tanong ko.
Tumango siya "Gusto kita." naramdaman ko ang pisngi ko na parang naging kamatis. "Ba't namumula ka?" natatawang tanong niya, hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Bakit nananakit ka?" tanong niya sabay kunot noo.
"I hate you!" sabi ko sabay bawi ng braso ko at iniwan siyang mag-isang nakatayo doon.
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfiction"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...