Zelle's Point of view
Napatingin agad si Mommy sa'kin nang bumaba akong nakapangbihis na panglakad. "Saan ka pupunta, Zelle?" tanong nito.
"Mommy, sasamahan ko pala si Akiro sa Audition niya. To help him boost his confidence," sagot ko at nginitian siya. Tumango naman ito sa akin, lumapit ako palapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Alis na po ako, Mommy,"
"Mag-iingat ka," sabi niya bago pa man ako makalabas sa pinto, nginitian ko siya at tinanguan. Nagpunta na agad ako kung nasaan si Akiro, sabay daw kasi kaming pupunta sa lugar kung saan yung audition.
****
Naiinip na ako dahil halos dalawang minuto na ako nanonood ng auditions. Maraming magagaling pero hindi pa rin pumapasa ang banda nila.
Nanlaki ang mata ko. Binalot ng katahimik ang buong auditorium, ang tanging naririnig ko lang ay ang makapanindig-balahibong boses ng lalaking kumakanta sa harap. Unti-uti akong tumingala para tignan kungsino ang kumakanta. "Akiro," mahinang usal ko sa pangalan niya.
Hindi ko namalayang nalaglag na pala ang bibig ko na tinitignan siya. Damang dama mo ang kanyang emosyon, bawat banggit niya sa lyrics. Naniniwala akong makukuha sila bilang banda na gagawin nilang sikat.
Bakit ganyan ka, Aki? :<
Aki, ayokong kiligin pero tae bakit ayan yung kinanta mo? Sa lahat nang pwede mong kantahin ayan pa talagang kanta na nagpapakilig din sa'kin.
Akiro's Point of view
Nilapitan ko kaagad si Maddie pagkatapos kong magperform para sa audition, medyo kinakabahan pa ako pero okay lang.
"Do you like my performance?" tanong ko sa kanya nang tumayo ako sa harapan niya, ngumiti ito sa akin at tumango. "I do,"
"Nagpropropose ba ako para sumagot ka d'yan ng I Do?" He chuckle, hinampas ko siya sa braso na lalo niyang ikinatawa. "Joke lang, eh,"
"Ewan ko sayo, Mr. Fuenterio," she roll her eyes. Hinawakan ko ang kamay niya at ipinagintertwined ang mga daliri namin. "Let's go, asawa ko," sabi ko at hinila siya.
Tinignan ko ang mukha niya at palihim akong tumawa nang makita ang nangangamatis niyang pisngi. "Babe, ako lang 'toh. Wag ka masyadong kiligin diyan,"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Naku, Mr. Fuenterio. Kanina mo pa ako inaasar. Baka gusto mo akong tigilan, di ba?" sabi niya at nginitian ako. "Baka pwede mo na akong tigilan sa kaasar mo d'yan at baka batukan pa kita,"
"Naku, Mrs. Fuenterio. Inis agad, inaasar lang naman kita,"mas lalong nagkulay kamatis ang kaniyang pisngi. Hindi na siya nagsalita pa at sumunod sa akin sa paglalakad, ipupunta ko lang naman siya sa lugar kung saan gustong gusto niya, sa ice cream parlor.
Pumasok na kami sa loob, tahimik pa rin ang babaeng mahal ko, kinikilig pa rin ata sa sinabi ko kanina. "Dito ka lang, order lang ako," tumingin sa akin ito at tumango. Tinalikuran ko siya at naglakad na papuntang counter.
"Good afternoon, Sir. Can I take your order?" nakangiti na tanong niya. "Two mint chocolate ice cream please," sabi ko at ngumiti dito. "Okay, Sir," sabi nito at umalis para Iprepare ang order ko, maya maya lang ay bumalik na ito dala-dala ang inorder ko. "300 sir," sabi nito sabay abot sa akin ng tray. Inabot ko sa kanya ang bayad bago kinuha ang tray. "Thank you, Sir," nakangiti na sabi nito. Ngumiti lang din ako at tumango, tinignan ko si Zelle na hawak hawak ang kanyang cellphone.
Naglakad na ako palapit sa kanya at inilapag ang ice cream sa harapan niya.
Napakunot ang noo niya at napatingin sa akin. "You ordered the same thing?"
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfic"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...