Chapter 13: Announcement

6 1 0
                                    

Zelle's Point of view

Sa harapan ako nakatingin habang nagsasalita ang teacher namin. "Malapit na ang sport feast, kaya kailangan na natin magkaroon ng panlaban para sa pageant. Kayo na ang bahala pumili, sana ang piliin niyo, hindi lang maganda. We need a girl who have a Beauty and a Brain,"

"Ohh," sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko, habang ako ay tumango lang. Wala ako sa mood at hindi rin ako excited para sa event na mangyayari sa school namin. Diniscuss ni Miss ang tungkol sa pageant na magaganap next month. Hindi ko magawang makinig dahil hindi naman ako interestado.

Tumunog ang bell kaya nagpaalam na ang teacher namin. Tumayo si Zaire at lumapit sa akin, nakangiting umupo ito sa tabi ko. "Ikaw na lang kaya?" kumunot ang noo dahil sa sinabi nito. "Ikaw na lang ipanglalaban namin," malaki ang ngiti nito, agad akong umiling sa kanya. "No," sabi ko sabay iling. "Ayoko. Hindi pwede na ako ang lalaban, bakit hindi na lang ikaw?" sabi ko sabay taas ko ng kilay sa'kanya.

"Gaga, hindi nga ako pwede," sagot niya, kumunot ang noo ko. "Bakit naman?" tanong ko sa kanya. "Kasi ako yung pinanlaban dati," sabi ko niya kaya tumango ako. "Kaya ikaw na lang,"

"No, humanap kayo ng iba. Wag ako!" sabi ko at tinalikuran siya. "Guys!" sigaw ni Zaire kaya nagsitinginanang mga kaklase namin sa kanya pati ako ay napalingon at napatingin sa kanya. Parang may nararamdaman akong kakaiba, may binabalak siyang masama.

"Si Madelaine na lang pambato natin, agree ba kayo?" nakangiting sabi nito.

"An-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang sumagot ang mga kaklase ko.

"Yes!" Sabay-sabay na sigaw nilang lahat, kaya ayun ang naging dahilan kung bakit naging maingay ang room namin.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" nakakunot ang noo'ng sabi ko. "Hindi ako ipanglalaban niyo,"

"No," umiling si Zaire na president namin sa room. "Ikaw ang sasabak sa pageant, sa ayaw at sa gusto mo," napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

'Bestfriend ko ba talaga 'to? Hindi ko alam kung bakit naging bestfriend ko itong babaeng ito. Minsan hindi ko na lang alam kung bestfriend ba talaga ang turing niya sa akin o ano' sabi ko sa isip.

"They all agree, wala ka nang magagawa," sabi niya at nginitian ako na parang nang-aasar pa. Tumango na lang ako, wala naman na akong magagawa para magbago isip nila. Halata namang gustong gusto nilang ako yung lumaban, kung hindi sana hindi sila umagree 'di ba? Edi sana hindi sila pumayag na ako ang lumaban o magrerepresent ng section namin.

Nilingon ko si Kean sa likuran ko nang kalabitin ako, ngumiti siya at nagthumbs up. Halatang support rin siya sa pagiging representative ko ng section A sa pageant namin na magaganap dito sa school. Lumapit siya at bumulong sa'kin. "Kaya mo 'yan, Elle. I believe in you," napangiti ako dahil do'n.

Next Day

Nananahimik ako dahil medyo labag pa rin sa kalooban ko ang pagiging representative ng section namin, ano ba kasi ang nakain nila at ako ang pinangbato nila.

"So, final na 'yan?" tanong ni Miss sa amin, tumango ang lahat maliban sa'kin. "So, si Ms. Villanova na ang magiging representative natin for the pageant," nagsihiyawan ang mga kaklase ko dahil do'n.

Tumingin sa'kin si Ma'am. "Okay lang naman sayo 'diba, Ms. Villanova?" ngumiti ako at tumango. Wala na akong magagawa kundi sumang-ayon na lang, ayoko rin namang sumama ang loob sa akin ni Ma'am. "Okay then, we need to find your escort. May naisip na ba kayong pwedeng maging escort ni Ms. Villanova?" pagkatapos sabihin ni Miss iyon ay nagsitaas ng kamay ang mga kaklase ko.

"Ma'am! Ma'am!" sigaw ng kaklase ko, nilingon siya ni Ma'am at sinensyasan na pumili ng escort. "Si Mr. Fuenterio po, Ma'am" tumango si Miss at tumingin sa mga kaklase ko.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon