Chapter 14: Transformation

5 1 0
                                    

Zelle's Point of view

Nandito kami sa salon, sa loob ng mall. Kasama ko sina Zaire, Akiro, Ken at Kean para tuloy body guard namin yung tatlo ni Zaire. Pinicturan pa ako kanina ni Zaire para daw may before and after pic ako, parang ewan lang.

Inaayusan ako ni Ateng taga-salon, sinunod niya ang mga sinasabi ni Zaire na gawin sa buhok ko. Medyo kinakabahan pa ako dahil baka hindi bagay sa akin o pangit ang kakalabasan.

Mamaya ang natapos na ang pag-aayos ni Ateng taga-salon sa buhok ko, humarap ako sa salamin at hindi makapaniwala nang makita ang sarili ko. "Ako ba 'toh?" tanong ko, tumawa silang lahat at tumango. "Ang ganda mo, sis!" sabi ni Zaire sa akin kaya ngumiti ako, tumingin ito kay Kean na nakatitig sa akin. "Malusaw bestfriend ko," biro niya dito, namumula na inalis niya ang pagkakatitig sa'kin.

"You look gorgeous, Elle," sabi ni Kean sa akin. Hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala siya, ngumiti ako. "Thanks,"

"Oy, bawal PDA!" singgit bigla ni Zaire, natawa kaming dalawa ni Kean dahil do'n. Tinaasan ko siya ng kilay at tinanong. "Anong PDA do'n?"

"Wala," natatawang sagot nito. Nagulat ako nang hilain niya ako palabas, lumingon siya at kumaway sa nag-ayos sa akin, kila Zaire talaga yung salon. Sumunod sa amin yung tatlong bodyguard namin, charot. Yung tatlo palang kasama namin na lalaki.

Hinayaan kong dalhin ako ni Zaire kung saan, tumigil kami sa harap ng bilihan ng eyeglasses at contact lense.

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang sa kanya. Alam ko namang kahit anong sabihin ko, hindi ko siya mapipigilan. At isa pa, siya, si ken, kean, Akiro at ang mga kuya ko ang gagastos ng mga kailangan ko sa transformation ko at wag na ako umangal.

"Miss, anong bagay na kulay ng contact lense sa kanya?" tanong nito sa babaeng nasa harapan namin sabay turo sa'kin. Lumapit yung babae sa akin at diretsyo akong tinignan, ngumiti ito bago nagsalita. "Gray, Ma'am. Bagay po sa kanya yung gray,"

tumango at pumalakpak pa ang kaibigan ko. "Sige po, kayo na po bahala sa kanya," sabi ni Zaire sabay tulak sa akin.

Nilingon ako nung babae at nginitian, itinuro niya ang daan tska naglakad sa kung saan. Ngumiti ako bago sumunod sa kanya. Inasikaso niya ako, sinasagot ko lang ang mga tanong na tinatanong niya.

Ilang minuto ang lumipas bago kami matapos, lumabas na kami sa kwartong iyon at lumapit sa cashier yung babae. Nanlaki pa ang mata nilang apat na akala mo nakakita nang multo. Tinakpan ni Zaire ang bunganga niyang nakabukas at naglakad palapit sa'kin. "Ang ganda mo, Bes. Bagay na bagay sayo," sabi niya at pumalakpak pa.

Binayaran na ni Akiro yung contact lense ko, pagkatapos niya ay lumapit siya sa akin at inabot ang isang paperbag. Itinaas ko pa ang kilay ko bago ko iyon tinanggap, sinilip ko pa yun bago ibinalik ang atensyon ko sa kanya. "Thanks," nakangiting sbai ko, tinanguan niya lang ako. Tinalikuran ko na siya at lumapit ako kila Ken, parang nang-aasar na tinignan ako ni Ken ay sinuntok ko ito sa braso, sinamaan niya ako nang tingin. "Problema mo? Nagsuot ka lang ng contact lense, naging ganyan ka na," nagkukunwaring nasasaktan na sabi niya. I rolled my eyes. "OA mo!" he chuckled. "Sinuntok lang naman kita, kasi halata sayong natatawa ka pero pinipigilan mo lang!"

"Tama ka," sabi niya sabay ngisi, sinamaan ko ito nang tingin dahil do'n. "Joke lang! Ito naman hindi mabiro."

"Tama na 'yan!" sabi ni Kean at hinawakan ang kamay ko dahilan para lingunin ko siya. "Tara na," hindi ko na lang siya pinansin at hinayaang hawak ang kamay ko habang naglalakad kami. Umuwi na kami sa bahay namin dahil nagbilin si Mom na doon sila kakain, sinamahan daw kasi ako at sila pa ang nagbayad ng mga kailangan ko para sa pageant. Sinabi ko kila Kean na wag na pero dahil makulit sila at pinagpipilitan nilang sila na ay wala na akong nagawa kundi tumango na lang.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon