Akiro's Point of view
"Hindi pa 'din ba kayo nagbabalikan?" napalingon ako sa pinto ng opisina ko nang pumasok ang babaeng sumira ng buhay ko, kabisadong kabisado ko ang tono ng boses niya.
Kunot noo'ng tinignan ko siya, she raise an eyebrow. "Alam kong alam mo ang tinutukoy ko, Mr. Akiro Zion Fuenterio,"
Tinaasan ko siya ng kilay, kita ko ang pagkakangisi nito. "Hindi mo pa ba nababalitaan?" automatikong kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Engaged na siya. Masaya ka na?" nawala ang ngisi sa kanyang labi, tahimik siya animo'y hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Check her IG," I said without looking at her, agad na kinuha niya ang phone niya sa bag niya at chineck ang IG ni Maddie, dahan-dahan siyang napatingin sa akin pagkatapos no'n at magsasalita sana nang pigilan ko siya. "Don't. You don't need to explain anything, wala akong gustong marinig galing sayo Margarette," madiin kong ibinigas ang pangalan niya.
"I didn't mea-" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang pabagsak kong inilapag ang makapal na folder sa mesa, I glare at her. "I said, I don't want to hear anything from you. Can't you understand that?!" nanlilisik ang mata na tinignan ko siya. "GET. OUT. NOW!" sigaw ko habang nakaturo bukas na pinto.
"O-Okay," nauutal na sabi niya at naglakad palapit ng pinto. "Faster!" sigaw ko, dali-dali itong lumabas ng opisina ko.
Sinambunutan ko ang aking sarili dahil sa galit na nararamdaman ko, hindi ko pa din matanggap na hindi na talaga kami magkakabalikan pa, pero paano kung isa lang pala iyong palabas para hindi ko na kailan man lapitan si Maddie? Pero impossible.
Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking opisina, nakita ko ang pagod na si Kieron. "Anong nangyari sayo?" nakataas ang kilay na tanong ko dito. "May nangyari lang sa bahay, Lead. Inaway ako ng asawa ko dahil hindi ko maihatid ang anak naming si Kristen dahil balita ko ay pinapatawag mo ako," sabi niya, sinamaan ko siya nang tingin. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may kailangan kang gawin. Edi, sana si Tyler ang inutusan ko!" sigaw ko dito, ito ay napayuko. "Pasensya na, Kieron. Masyado lang mainit ang ulo ko,"
"Dahil ba kay Margarette?" tanong niya na ikinalingon ko. "Nakita ko kasi siya na galing dito, masama ang mukha. Nag away ba kayo?" hindi ako umimik. "Nag-away nga kayo. Mamaya, Lead. Kayo rin ang magkatuluyan sa huli," sinamaan nang tingin, kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at ibabato sana sa'kanya nang humarurot ito nang takbo palabas ng aking opisina. Napa-iling nalang ako.
Ilang taon na rin ang lumipas, hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng isang kompanya ang Blue Waves. Blues Entertainment, ang kompanya na pag-aari ko. Kasama ko pa 'din sila Tyler dahil nagbabanda pa din kami hanggang ngayon. Ang saya ng buhay nila dahil ngayon ay may mga sari-sarili na itong nga pamilya, ako nalang ang naiwang single pucha, broken pa.
"Lead!" halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses na 'yon. Sinamaan ko nang tingin ang lalaking nasa harapan ko ngayon na hinihimas-himas ang kanyang batok habang nahihiyang nakatingin sa akin. "Sorry, Lead," iniyuko niya ang kanyang ulo.
"Kumatok ka naman, Tyler. At pwede ba, wag kang sumigaw nalang bigla d'yan," napangiwi siya. "Nakakagulat,"napakamot siya sa kanyang batok, tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ba kailan mo?"
Ngumiwi siya. "Lead, next year nalang daw yung meet niyo nung may-ari ng Zeiron Designs. May inaasikaso pa raw kasi, mukhang ikakasal na ata yung may-ari, Sir," tumango tango ako sa kanya, hindi ako nagsalita hanggang matapos siyang magsalita. "Itutuloy pa ba natin, o hahanap nalang tayo ng iba?"
Agad akong umiling sa tanong niya. "Sabihin mo na pumapayag akong next year nalang, hindi naman tayo nagmamadali, matagal pa natin kailangan ang designs nila," tumango ito, sinenyasan ko na itong lumabas kaya tumango ito at agad na umalis sa opisina ko. Magkakaibigan kaming lahat ngunit pantay ang pagtrato ko sa kanila, pantay sa mga ibang nagtatrabaho dito. Hindi ko alam kung bakit hindi kaming apat mapaghiwalay.
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfic"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...