Chapter 34: Good News

4 0 0
                                    

Zelle's POV

Nakatitig ako sa tumatakbo palapit sa akin na may mawalak na ngiti, nanlaki ang mata ko nang yakapin ako nito. Ilang saglit lang kumawala na ito sa pagkakayakap sa'kin. Nagtataka pa din ako sa kilos niya, hindi naman siya ganito dati ah, anong meron?

"Babe, tanggap kami!" sabi niya na may malawak na ngiti na nakaukit sa kanyang labi. "Babe, Hindi ka ba masaya?" tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko. Ilang saglit lang ay natauhan ako at napatingin kay Akiro nang magprocess sa utak ko ang sinabi niya, unti unti akong ngumiti. "I'm happy... I'm super happy for you, you made it." hinalikan ko siya sa pisngi. "I'm very proud of you, babe."

He smiled at me. "Thank you, Babe." Kahit masaya ako para sa kanya ay hindi pa din nawawala ang kabang nararamdaman ko. Natatakot ako na dahil sa pagbabanda niya ay bigla na lang siyang mawala sa'kin, ayokong mangyari 'yon.

"Tara, date tayo." sabi niya sabay hula sa akin. Nakakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Medyo may kirot akong nararamdaman sa puso ko, hindi ko alam kung makakayanan ko na magbago yung mundo naming dalawa. Ako na normal lang na namumuhay at siya ay magiging sikat na, hindi ako sigurado kung makakaya ko ba.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa loob ng cafe, hindi ko alam kung bakit paborito niya itong lugar. "Anong gusto mo?" tanong niya nang makaupo ako. "Red velvet cake and mint chocolate milk tea." nakangiting sagot ko sa kanya. Lulubusin ko na ang araw na kaming dalawa ang magkasama dahil baka dumating araw na hindi na ako ang kasama niya. "Wait lang babe, order lang ako." sabi niya at pumunta na sa counter.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at chinat ang bestfriend kong si Zaire.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Zelle [Me]: Zaire, can you go to my house? Mamaya pa namang 7 pm, pwedeng dun ka na din matulog. I need someone to talked, kailangan na kailangan lang talaga kita.

Zaire: Are you alright? Wala namang nangyari sayong masama noh? Sige pupunta ako sa inyo mamaya, I'll stay there.

Zelle [Me]: I'm fine, walang nangyari ng masama sa akin. I just need you to be at my house, at 7 pm. Nasa bahay na ako nu'n.

Zaire: Where are you right now?

Zelle [Me]: Cafe, I'm with Akiro. We're having a date

Zaire: Okay, ingat kayo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Itinago ko na ang phone ko nang dumating si Akiro na may dalang tray, inilagay na niya ang pagkain naming dalawa. Nakakunot ang noo na napatingin sa kanya. "You ordered the same thing?" I asked, medyo nagtataka at nagulat na inorder niya rin ang inorder ko.

"Yeah, is theirs a problem babe?" he asked, umiling agad ako. "I want to try yours, Babe. Tska baka mamiss kita, kaya kapag namiss kita kakain lang ako nito." sabi niya na nagpataas ng kilay ko. "What do you mean?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

"I'm going to other country, it's part of our contract. Mas mapapadali ang pagsikat namin kapag pumunta kaming ibang bansa." sagot niya nang makaupo siya sa harapan ko. Ilang beses kong ipinikit at idinilat ang aking mata na para bang masyado akong gulat sa sinabi niya at hindi pa makapaniwala.

"You're going to leave me here?" out of nowhere na tanong ko. Napatigil siya sa pagsubo ng cake at napatingin sa akin. "Hahayaan mo akong mag-isa?"

"If I can go with you, I will." he answered. "Kung pwede lang kitang isama, isasama kita." sabi niya. Hindi na ako nagsalita dahil baka mapunta pa sa kung saan ang usapan naming dalawa, ayokong mag-away kami dahil lang do'n. "Mads, this is my dream... I'm chasing my dreams." natauhan ako, dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. "I'm sorry for sounding like a selfish girl, hindi naman kita pipigil ang umalis. Nagulat lang talaga ako, hindi ko kasi inakalang malalayo ka sa'kin. Bago pa lang tayo, tapos I can't imagine na malalayo ka agad sa akin."

"I'm sorry..." he said.

I smiled at him. "Don't say sorry, Babe. Walang kasalanan, you're just chasing your dreams. And I'm going to support you... Cause that's your dream and I love you."

"I love you so much, Babe." he smiled. "Eat your cake and drink your milk tea, it's your favorite." tumango ako at inumpisahang kainin ang cake, ininom ko na din ang milk tea ko. Hindi na kami muling nag-usap ulit pagkatapos naming pag usapan iyon. Sa tingin ko, masyado pang masakit sa akin na mahiwalay sa'kanya. Ayoko pang mawala siya sa akin, natatakot ako.

Hindi nagtagal ay hinatid na ako ni Akiro pauwi, agad din siyang umalis dahil may kailangan pa daw siyang gawin. Naiintindihan ko siya, parang magiging masyadong masikip na ang schedule niya ngayong malapit na siyang maging sikat.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad kong nakita ang nakatingin sa akin na si Zaire. Oo nga pala, medyo late na akong nakauwi dahil pinilit ako ni Akiro na mag stay muna kami sa cafe. Gusto niyang makasama ako nang matagal, nilulubos na niya. "You're 20 minutes late." sabi niya at nginisian ako.

"Sorry, Zaire. Hindi ko naman plinano na mag stay nang matagal sa pinuntahan namin, pinilit lang talaga ako ni Akiro dahil nilulubos na niya." napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "What do you mean?" he asked.

"Uhmm... Let's talk about it to my room," tumango siya at sumunod pa-akyat sa kwarto ko.

Zaire's POV

Nag-aalalang tinignan ko si Zelle, mukhang may problema siya at hindi siya okay ngayon dahil doon. "Anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Akiro? Or may iba pang nangyari?" sunod sunod kong tanong dahil sa pag-aalala ko para sa kanya.

"He's going to leave me." ayon lang ang sinabi niya at hindi ko pa din maintindihan kung ano bang ibig sabihin niya. He's going to leave me? Sinong aalis? Sinong iiwan siya? Si Akiro ba? Ang lalaking kasintahan niya at mahal na mahal niya.

"Akiro?" pa-tanong na banggit ko sa pangalan ni Akiro, tumango siya kaya napaupo agad ako sa kanyang tabi. "Anong meron? Bakit daw siya aalis at iiwan ka? Break na ba kayo?"

Umiling siya. "Hindi kami nagbreak, Zai. He's going somewhere, na tanggap siya sa pinag Auditionan niya at kailangan niyang magstay sa ibang bansa."

"Paano yung pag-aaral niya?" sa lahat nang pwede kong itanong ay ayon pa talaga ang natanong ko sa'kanya.

"I don't know, baka ipagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa ibang bansa. Natatakot ako, Zai." sagot niya. Niyakap ko ka-agad siya dahil gusto kong maramdaman niyang andito lang ako, na hindi siya nag-iisa. "Natatakot akong maiwan.." bulong ko sa'kanya.

"Oo iiwan ka niya dito sa pilipinas, pero hindi yung iiwan ka talaga. He's going to come back, he's just chasing his dreams. You need to chase dreams too, Mads." ngumiti siya. Tumango ako dito at ngumiti. Baka tama siya, I also need to chase my dreams. Hindi lang si Akiro, kundi dapat ako din.

"Mahal na mahal mo talaga?" tumango ako sa tanong niyang yon. "Pero sana makita mo din yung pagmamahal ni Kuya Zeki sayo..." napatingin ako sa kanya nang bumulong siya. Napakunot ang noo ko. "Ano 'yon?" nanlaki ang mata niya at mabilis na umiling sa'kin, nginitian niya ako. Hindi ko mapigilang isipin si Akiro, hindi pa ako handa na mawala siya sa tabi ko. Masyado na akong na-attached sa kanya at hindi ko na ata kayang mahiwalay sa kanya, o mahiwalay siya sa'kin.

"He's going to be alright, Mads." I looked at her. "He's loyal to you, kung naiisip mo man na magloloko siya sayo, maling mali ka dahil mahal na mahal ka nung tao. Hindi ka niya ipagpapalit, ipaglalaban ka pa no'n. May tiwala ako sa kanya, Mads. Magtiwala ka din sana sa'kanya." she smiled at me, ngumiti ako at tumango sa sinabi niya.

She's right. Akiro really loved me so alam kong hindi niya magagawa na lokohin ako. If ever he's going to cheat on me, I'm going to make sure that he'll going to regret cheating on me.

"Ang tahimik mo, Mads." sabi niya na nakahilata na ngayon sa higaan ko. Hindi ko alam pero gusto ko pang magkwento sa kanya kaso nahihiya lang ako, Oo bestfriend ko siya pero medyo nahihiya pa din ako sa kanya. "Mag kwento ka pa kaya? Mamaya may hindi ka pa nakwekwento sa'kin," dagdag niya pa.

"Zai." sabi ko at nilingon siya. "Paano kung magkaroon si Akiro ng partner? Tapos hindi nagtagal mafall siya sa partner niyang 'yon. Paano na ako, Zai? Naiisip ko pa lang naiiyak na ako. Hindi pa ako ready na mawala siya sa'kin, sobrang masasaktan ako kapag dumating yung araw na mawala siya sa'kin. Baka hindi ko kayanin, Zai." nangigilid ang luha ko nang binibitawan ang mga salitang 'yon.

"Mads... Kahit may ibang babae man na umaligid kay Akiro, alam kong hinding hindi ka niya ipagpapalit. He loves you, so magtiwala ka lang sa'kanya." Zaire said.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon