Chapter 44: Comeback To Me

5 0 0
                                    

Akiro's Point of view

"Para awa mo na, Zelle. Wag mo akong iwan, please," hinawakan ko ang kaniyang kamay at lumuhod sa harapan niya. She smile at me, pero yung ngiting 'yon ay kakaiba. "Umuwi ka pa talaga dito, para lang pilitin akong wag kang iwan. Akiro, tama na. Sinabi ko naman na sayo na ayoko na, di ba? Hindi mo ba maintindihan' yon?" pilit na inaalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya ngunit mas hinigpitan ko pa ito. "Zelle, please. Wag mo akong iwan, oh. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag nawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita, alam mo naman 'yon, di ba? Di ba, Zelle?" diretsyo ko siyang tinignan sa mata. "Magsalita ka naman, eh,"

"Akiro, please," nangingilid ang luhang sabi niya at pilit na kumakawala sa aking kamay. "Hayaan mo na ako. Itigil mo na 'tong kalokohang ito, Akiro,"

"Kalokohan?" tinaasan ko siya ng kilay. "Kalokohan lang ba para sayo ang lahat nang ito, Zelle? Hindi nga kita kayang mawala, ayaw nga kitang mawala. Hindi mo ba maintindihan 'yon?!"

Napanganga siya. "Wow, ah. Ikaw nga 'tong hindi makaintindi na ayoko na," binawi niya ang kamay at diretsyo akong tinignan sa mata. "Sinabing ayoko na nga. Hindi na tayo magbabalikan pa, Akiro. Hindi ko na kaya pang masaktan, hindi ko na kayang magtiis, hindi ko na kayang lumaban na parang ako lang namaan 'tong lumalaban para sa atin,"

"Zelle, please," pilit kong hinahawakan ang kaniyang kamay.

"Wag na wag mo na akong guguluhin ulit," titig na titig na utos nito at kinagat ang ipangbabang labi bago ngumiti sa akin. "Doon ka na sa kaniya, mas bagay kayong dalawa," tumatango-tangong sabi niya. Tinalikuran niya ako at naglakad palayo. Nakatulalang iniwan niya ako, at hindi magawang ipasok sa kokote ang lahat ng binitawan niyang salita. Hindi ko kaya, hindi ko alam ang mangyayari sa'kin kapag tuluyan siyang mawala.

****

"Babe, balik ka na, oh" tumutulo ang luha'ng sabi habang tumutugtog ang musikang paborito niya, nagbabaka sakaling maramdaman ko muli ang pagmamahal niya. "Bumalik ka na, please. Zelle, parang awa mo na. Wag mo akong iwan, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako kung hindi kita naipaglaban, masyado akong napangunahan ng takot. Bumalik ka na, oh," sabi ko sabay sabunot sa sarili ko. "Bakit kasi ang tanga-tanga mo, Akiro? Kung alam mo lang na mangyayari 'toh. Edi, sana hindi ka na tumuloy. Edi, sana hindi siya nawala. Napaka-gago mo, napaka-tanga mo. Hindi ka dapat nagpakalasing no'ng araw na 'yon, edi, sana walang nawala sayo," tinakpan ko ang sariling mukha gamit ang aking mga kamay.

Nag angat ako ng tingin at napunta sa aking telepono, kinuha ko iyon at walang pagdadalawang isip na idinial ang number ni Ken. Ilang beses itong nag ring bago sagutin.

['Napatawag ka?'] bungad niya.

'Ken, si Maddie? Pakiusap naman ako, oh. Gustong gusto ko siya makausap, Ken,'

['Pasensya na, pre. Kaibigan kita, pero kaibigan ko rin si Maddie. Hindi ka niya rin gustong makausap, hayaan mo muna siya, kailangan niyang mapag-isa,']

'Nandito naman ako, hindi na niya kailangang mapag-isa. Ken, sabihin mo kahit ilang minuto lang, pagbigyan na niya ako. Gusto ko lang marinig ulit yung boses niya bago ako bumalik ng California, please,'

['Akiro, ikaw yung iniiyakan niya. Ikaw yong dahilan kung bakit siya umiiiyak. Hindi ka niya gustong makausap, at ayoko ring makausap mo siya, lalo mo lang siyang masasaktan. Bumalik ka ng California kung gusto mo, pero hindi ko talaga magagawang ipakausap siya sa'yo. Nasasaktan siya, Akiro. Sana naman maintindihan mo kung bakit ayaw niya, at kung bakit ayaw kong makausap mo siya,']

'Naiintindihan ko. Hindi na ako mangunglit, pasensya na sa abala,' sabi ko at ibinaba ang tawag.

Ibinato ko ang aking telepono, pinanood ko itong bumagsak sa sahig. Sinambunutan ang sarili habang namumula ang tenga. "Napaka bobo mo naman, Akiro. Kung hindi mo lang siya sinaktan, kakausapin ka niya. Kung hindi mo lang siya nasaktan, sana kayo pa,"

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon