Chapter 31: Coming Home

3 0 0
                                    

Zelle's Point of view

Natutulog ako ng mahimbing nang biglang may kumalabog na dahilan para maalingpungatan ako, may kumalabog ulit kaya nagtalukbong ako ng kumot sa inis. "Ano ba! Alam na may natutulog tapos mag iingay!" sigaw ko.

Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis nang may kumalabog na naman, tumayo ako at nagmartsya paputang pintuan. Nakakunot ang noo na binuksan ko iyon, gano'n nalang nanlaki ang mata ko nang makita ang taong nasa harapan ko. "Zelle!" tili nito at niyakap ako nang mahigpit. "Kailangan ka pa dumating, Laizel?" Nanlalaki ang matang tanong ko sa kaniya.

"Kagabi pa, pupuntahan sana kita dito pero sabi ni Tita tulog ka na daw, eh. Kaya hindi na lang kita gising," nakangiting sagot niya, pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Wala masyadong nagbago sa kanya, ipinakulot niya lang ang buhok niya sa dulo at pinakulayan iyon, gano'n pa rin naman siya kaganda. "Ang ganda mo pa din," komento ko. "Eh, ikaw? You're gorgeous, buti naman nag ayos-ayos ka na at nag glow up ka na rin sa wakas. Hindi ko kasi alam kung anong trip mo at nagpapaka-nerd ka," sabi niya na akala mo siya ang nagluwal sa'kin. "Nga pala, sino yung gwapong lalaki na nasa baba?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko.

"You mean Akiro?" out of nowhere na tanong ko.

"Malay ko, nagtatanong nga ako kung sino yung lalaki sa baba kasi hindi ko alam pangalan niya 'di ba? Isip-isip din kapag may time, Mads," nakataas ang kilay na sabi niya kaya napangiwi ako at napakamot sa batok ko.

Oo nga pala, hindi niya kilala si Akiro. Ngayon lang naman niya nakita 'yon at hindi ko naman naikwento si Akiro sa kanya dahil hindi naman kami nakakapag-usap. Hindi ko alam kung bakit napakabusy netong babaeng toh nung nasa ibang bansa.

"Tara kaya sa baba," aya niya sabay hila sa akin pero nagpumiglas ako. Syempre hindi pa ako naliligo, tapos andoon pa si Akiro, nakakahiya naman sa kanya. "Ayoko bumaba, mamaya na," sagot ko sa kanya, napakunot ang noo niya.

"Bakit ayaw mo bumaba?" nagtataka na tanong niya. "Don't tell me boyfriend mo yung nasa baba," napatakip siya sa bibig niya nang tumango ako. "Weh? Type ko pa naman siya, boyfriend mo pala 'yon. Bakit hindi ko alam?" sabi niya at pinanlakihan pa ako ng mata.

"Syempre busy ka," sagot ko at pinanliitan siya ng mata. "Sa sobrang busy mo malapit ko nang isipin na ikaw na nagpapatakbo ng business nila Tita," sinamaan ko siya ng tingin nang batukan niya ako dahil sa sinabi ko. "OA mo!" sabi niya.

"Labas! Maliligo na ako," tinulak ko siya palabas.

Hindi naman na siya nagpumilit na mag istay dito, isinarado ko na ang pinto at pumunta sa CR. Hindi ko alam kung bakit andito si Akiro, wala namang siyang sinabi sa akin na pupunta siya dito sa bahay ah? Bakit parang palagi na lang ang gustong surpresahin nung lalaking 'yon, parang ewan. Gusto ko na tuloy mag-isip ng kung ano ano dahil lagi na lang siya pumupunta dito nang hindi nagsasabi.

Laizel's Point of view

Pagbaba ko ay agad akong umupo sa tabi ng lalaking kanina ko pa napapansin. Ang tahimik niya, ah. Wala rin atang pakialam sa akin dahil hindi 'man lang ako nilingon. Halos mapatalon ako nang tumingin ito sa akin. "What do you need?" umiling ako. "Why are you staring at me?" he raisedhis eyebrows.

"W-Wala," nautal na sagot ko sabay iwas ng tingin at layo sa kanya.

Ang sungit, hmp. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ng pinsan ko sa kanya, napaka-sungit. Bagay siyang maging abogado.

Kinuha ko ang magazine sa lamesa at binuklat ito, makapagbasa na nga lang.

"Tsk!" rinig kong singal niya. Pinakalma ko ang sarili dahil ayaw kong mainis sa lalaking kagaya niya, tska hello boyfriend kaya siya ng pinsan ko.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon