Zaire's Point of view
Inaayusan ko ngayon si Maddie dahil mamaya na ang pageant, si Akiro naman nasa labas dahil kailangan niyang hintayin ang parents ni Maddie sa labas ng room. Ano kayang magiging reaksyon nito kapag nakilala niya ang magulang ng babaeng nililigawan niya?
"Kinakabahan ako, Zai," sabi bigla ni Maddie na may kabang nakaukit sa kanyang mukha. "What if I do something worse?"
Nginitian ko siya at nagthumbs-up."Wag ka ngang ganyan, chill ka lang. Kaya mo 'yan, Mads. Ikaw pa ba?" nginitian niya lang ako, alam kong wala na siyang masabi pa basta kinakabahan siya.
Nang matapos kong ayusan si Madelaine ay iniwan ko siya sa loob, kinalabit ko si Akiro na nasa labas ng pinto at sinenyasang bantayan si Maddie dahil sigurado akong gagawin ang lahat ni Stacey para matalo si Maddie, o mapahiya sa maraming tao.
"Teka, saan ka pupunta?" tanong nito sa akin, nilingon ko siya at sinagot. "Susunduin parents ni Maddie sa harap ng school?" patanong na sagot ko, tumango siya at umiwas ng tingin.
Napatingin siya bigla sa akin nang magsalita ako. "Ikaw nalang pala," sabi ko sabay tulak sa kanya, kumunot ang noo niya sa sinabi ko at napaturo sa kanyang sarili. "Ako?" tanong niya, batid sa boses niya na kinakabahan pa siya, ngumiti ako at tumango. Tinulak ko na siya para umalis dahil baka mainip na sila Tita kakahintay, hindi kasi nila alam kung saan dapat magstay ang mga manonood mamaya sa Pageant.
Pumasok na ulit ako sa loob, nilingon ako ni Madelaine at pinagkunutan ng noo. "Akala ko ba susunduin mo sila Mommy?" tanong niya habang papalapit ako sa'kanya, ngumiti ako. "Wag mong sabihing si Akiro ang sumundo kila Mommy," tumango ako sa sinabi niya.
"Zaire!" pasigaw na banggit niya sa pangalan ko.
"Wag kang mag-alala, magugustuhan nila Tita si Akiro para sayo," I wink at her.
She rolled her eyes. "Whatever!"
"Basta, Maddie. Goodluck sa pageant," nginitian niya ako. "Kaya mo yan. Ikaw pa ba?"
Akiro's Point of view
Hindi ko alam kung anong trip ni Zaire at nagbago ang isip niya na siya ang susundo sa parents ni Maddie. P*ta, mamaya manigas ako sa harapan ng magulang ni Madelaine. Nakakahiya.
Tumitingin ako sa paligid habang naglalakad, hinahanap ko ang parents ni Madelaine. Nang makita ko ito ay hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ito. Napalingon ang Mom ni Madelaine nang mapansing lumapit ako. "Do you need anything, Hijo?" nakangiting tanong nito sa akin.
"Uhm, kayo po ba yung magulang ni Ms. Madelaine Villanova?" Tanong ko habang nakamot sa batok, ngumiti ito at tumango. "Yes, we're the parents of Madelaine. And you are?" Huminga ako nang malalim bago sumagot. "I'm a friend of Madelaine po," tumango tango ito, kaya mas nadagdagan ang pagkabog ng dibdib ko.
"Where's our Daughter?" Mrs. Villanova ask. "Nasa dressing room po, nagreready," sabi ko sabay ngiti, tumango ito. "Samahan ko na po kayo papuntang Auditorium," sabi ko sabay turo sa kanila ng daan. Nilingon ko ang nakatinging lalaki sa'kin, kaya naman napalunok ako. Hindi ko na ito pinansin at sinamahan na sila papuntang Auditorium.
****
"Salamat, Hijo," sabi ng Mommy ni Madelaine sa akin. Ngumiti ako at tumango upang bigay galang dito. "Ano palang pangalan mo, Hijo?"
"Akiro po," sagot ko at ngumiti.
"You're courting my sister, right?" tanong bigla ng isang lalaki sa akin, napalingon ako dito. Mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba, matalim ang tingin nito sa akin.
"Yes," sagot ko, tumango lang ito at hindi na nagsalita. Napunta ang atensyon sa akin ng mommy ni Madelaine dahil do'n. "So, ikaw pala ang mangliligaw ng prinsesa namin?" tanong ng mommy ni Madelaine sa akin, ramdam ko ang pagkapula ng tenga ko.
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfiction"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...