Laizel's Point of view
"Hoy, Chance!" sigaw ko nang makita ang pogi kong pinsan na si Chance, tinignan niya lang ako na parang hinihintay niya akong magpatuloy sa pagsasalita. "Wala 'man lang welcome? Parang hindi ka natuwa na nakauwi na ako dito sa pilipinas, ah. Grabe ka, sarap magtampo sayo,"
"Welcome," walang emosyon na babasa sa kanyang mukha nang banggitin niya iyon. Langya, nawala lang ako ng ilang taon, nag-iba na siya. "Tss.. Nakakainis ka, Chance. Kesa matuwa ako, mas lalo akong nainis sayo," nanliliit ang mata na sabi ko sa kanya, he look at me. "Nagbago ka na," sabi ko sabay pout. Ewan ko pero trip kong magpaawa sa kanya na parang nagtatampo ako.
"I'm just tired, Lai," sabi niya at umakyat na ito sa second floor nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Nakataas ang kilay na nakatingin pa din ako sa direksyon niya kahit tuluyan na siyang naka-akyat sa taas. Hindi ko alam pero hindi ako sanay na ganon si Chance, hindi naman kasi ganun ang treatment niya sa'kin.
"Pagod lang si Kuya, Ate Lai," rinig kong sabi ni Zelle bago ito umupo sa tabi ko, tinaasan ko siya ng kilay. "Nasaan na boyfriend mo?" tanong ko dito.
"Umuwi na," sagot niya kaya napatango na lang ako. Hindi ko inaasahang pag-uwi ko, may boyfriend na ang pinsan kong si Madelaine. Dalagang dalaga na nga talaga siya.
Dumating si Tita na may dala-dalang cake, inilapag nito ang cake sa mesa at sunod na dumating ang bunsong kapatid ni Maddie na si Vince, ang dala naman nito ay juice at tatlong baso. "Kain lang, Lai," sabi ni Tita, ngumiti ako at tumango kay Tita. "Maiwan ko muna kayo," sabi ni Tita at naglakad pabalik sa kusina.
Napalingon ako kay Vince nang umupo ito sa tabi ko, tahimik ito at hindi ako pinapansin. Hindi niya ba ako naalala? Siguro nga, hindi dahil maliit pa lang siya nung andito pa ako sa pilipinas nakatira. "Vince, say Hi to your ate Laizel," sabi ni Madelaine sa kanya kaya naman nilingon niya ito at tinanguan.
Tinignan ako nito. "Hi, Ate Laizel," sabi niya sabay kaway sa akin. Kumaway ako palabik at nginitian siya. "Hi, Vince. Ang laki mo na, ah. Unang kita ko sayo, ganito ka palang kaliit, oh," sabi ko at minessure kung gaano siya kaliit noon.
"Ang cute mo pa dati, ngayon ang gwapo-gwapo mo na. Mana ka sa kuya Cloud at Kuya Chance mo," Nginitian lang ako nito, hindi ko alam kung nahihiya siya sa akin o ano.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa TV dahil medyo naiilang na din ako, hindi na kasi ako masyadong close kay Vince. Si Madelaine naman, ang tahi-tahimik. Hindi naman siya ganito dati, dahil ang ingay ingay kaya ni Maddie noon. Nasigaw pa yan kapag alam na may natutulog, tinanong namin sila nila kuya Cloud niya, sinagot ba naman kami ng trip niya lang. Ang galing diba? Buti na lang hindi nabadtrip si Chance, pagod pa naman din yon nung araw na 'yun.
Cloud's Point of view
Hindi na ako nagulat nang makita ko ang pinsan kong si Laizel na nakaupo sa sala, tinext na din kasi ako ni Mommy na nakauwi na nga daw si Laizel galing sa ibang bansa.
Pagpasok ko pa lang sa pinto ay napatingin na agad sa akin ito, hindi ko siya pinansin at aakyat na sana nang sumigaw siya. "Hoy, Chance!" tinignan ko lang siya, hinihintay ko siyang magoatuloy sa pagsasalita.
"Wala man lang welcome? Parang hindi ka natuwa na nakauwi na ako dito sa pilipinas, ah. Grabe ka, sarap magtampo sayo," sabi niya sabay nag pout pa. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya, gaya ng dati. "Welcome," walang emosyon na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero masyado akong naubusan ng enerhiya ngayong araw dahil sobrang init sa pinagshootingan namin.
"Tsk! Nakakainis ka, Chance. Kesa matuwa ako, mas lalo akong nainis sayo," nanliliit ang mata niya nang sabihin iyon.
I look at her. "Nagbago ka na," sabi niya sabay nagpout pa. Trip netong babaeng 'toh?
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfic"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...