Chapter 26: Birthday Celebration

6 0 0
                                    

Zelle's Point of view

Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil isusurprise namin siya ngayong ka-arawan niya. Sabi ni Tita, tulog na tulog daw si Akiro sa kwarto nito. Nagbabantay naman sa hagdan ang bunsong kapatid ni Akiro na si Akaine, dahil mamaya bumaba si Akiro at masira ang surprise namin sa'kanya.

"Naku, Hija. Matutuwa 'yon sa surprise niyo," nakangiti na usal ng mama ni Akiro, I smiled. "Sana nga po, Tita," sabi ko. Andito na din ang mga kaklase namin, nasa theater room nga lang siya nag-aayos.

20 minutes later....

Makarinig kami ng tunog na may bumababa sa theater room ay agad na pinatay ni Geo ang ilaw. "Ma!" rinig naming sigaw nito. "Bakit naman namamatay yung ilaw dito, birthday ko po Mama. Birthday na birthday ko, pinagtitripan niyo'ko," usal pa niyo. "Bakit niyo ba kasi ako pinapapunta dito sa theater room," reklamo niya.

Mamaya maya lang ay bumukas ang ilaw. "Happy Birthday Akiro!" sigaw naming lahat, nanlalaki ang mata nito nang makita niya kaming lahat sa harapan niya. Naglakad ako palapit dito na dala ang cake niya. "Happy Birthday, Aki!" sabi ko at nginitian siya. Tinitigan niya ako na parang hindi pa din siya makapaniwala sa nangyayari ngayon, masyado ata siyang nasurpresa sa kaarawan niya. He looked at me, so I smiled at him. "Make a wish!" sabi ko matapos kong sindihan ang kandila. Pumikit siya, pinagmasdan ko siya. Ang gwapo niya talaga. "Sana sagutin na ako ng babaeng mahal ko," he wish.

"Your dreams will come true," bulong ko ba siguraro akong hindi niya narinig 'yon dahil kung narinig niya iyon ay masisira ang magandang regalo ko sa' kanya.

"Happy birthday ulit, Aki," bati ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang hilain niya ako palapit sa'kanya at mahigpit akong niyakap. "Thank you!" he smiled at me and he kiss me on my fore head.

"Magligo ka na!" sigaw ko sa kanya sabay ngiti. Ngumiti siya at tumango, nagpaalam muna siya sa amin bago pumunta ulit sa itaas. Pinakababa kasi ang theater room nila, medyo nakakatakot nga kung mag-isa ka lang dito at biglang namatay ang ilaw mo.

Natawa ako nag makita ang bunsong kapatid ni Akiro na nakatingin sa'kin, naalala ko kasi yung unang punta ko dito.

FLASBACK.

Pagpasok ko pa lang ng bahay ay agad akong sinalubong ng bunsong kapatid ni Akiro at yumakap sa binti ko. Ibinaba ko ang tingin sa kanya. "Ate ang ganda niyo po," nakangiti na sabi nito. Ginulo-gulo ko ang kanyang buhok, wala eh ang cute lang kasi niya.

"Kuya!" bumitaw na ito sa pagkakayakap sa binti ko at tumakbo palapit kay Akiro. "Kuya, sino siya?" tanong nito sabay turo sa'kin, napatingin ako kay Akiro dahil do'n.

Nginitian ako ni Akiro bago itinuon ang kanyang atensyon sa kapatid niya. "She's Madelaine, your ate," pakilala nito kaya ngumiti ako at kumaway sa kapatid niya. Naglakad sila palapit sa'kin at itinuro ni Akiro sa kapatid niya. "Zelle, this is Akian. My little brother," kumaway ako dito pagkatapos niyang ipakilala sa'kin ito.

Ganun na lang ang gulat ko nang tumakbo siya palapit sa'kin at niyakap ang binti ko. "Akin na siya Kuya!" binelatan niya ang kuya niya, napataas ang kilay ni Akiro dahil sa sinabi ng kapatid niya. "Crush ko na si Ate Madelaine, hanap ka nalang ng bago kuya. Akin na lang siya ate," sabi ni Akian na ikinatawa ko.

"No, she's mine Akian. And she's your ate," magkasalubong ang kilay ni Akiro na sinabi iyon sa kapatid niya.

"No!" sigaw sa kanya ng kapatid niya na ikinatawa ko.

Seryoso, pinag-agawan nila akong dalawa?

"Akian," nakita kong pinanliitan ng mata ni Akiro ang bunsong kapatid niya. "She's mine, Kuya!" bawi ng kapatid niya.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon