Zelle's Point of view
Agad kong tinawagan si Akiro dahil gustong gusto ko siyang makasama ngayon, ngayon pa lang namimiss ko na siya. Paano pa kaya kapag nakaalis na siya? Hindi ko alam mangyayari sa'kin.
['Hello, Babe']
'Babe, can you go here? I just want to be with you, Aki'
['Sorry, but I can't. I'm going somewhere with my bandmates']
'Ha? Saan naman?'
['Sa building kung saan kami nag-audition, pipirmahan na namin yung contract'] rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya kaya napatango na lang ako.
'Okay. Mag-iingat ka, ah,'
['Sorry talaga, Babe. Gustuhin ko man puntahan ka pero hindi pwede kasi kailangan ko talagang sumama kila Tyler papuntang building namin']
Ngumiti ako kahit alam kong hindi naman niya nakikita 'yon. 'No, okay lang' 'yon. Basta mag-iingat ka,'
['Bye na Babe, tinatawag na nila ako. I love you']
'Bye, I love you' sabi ko at ibinababa na ang tawag.
****
Pagkaonline ko pa lang ay bumungad na sa akin ang chat ni Zaire.
Zaire: Kasama mo ngayon si Akiro?
Madelaine: No, busy siya ngayon. May pupuntahan daw sila nung ka-bandmates niya, isisign na raw nila yung contract
Zaire: Oh, bakit parang malungkot ka? Di ba, dapat maging masaya ka kasi isisign na ni Akiro yung contract. Unti-unti na niyang natutupad yung pangarap niya, tapos kasama ka pa niya.
Madelaine: Hindi ako malungkot, Zaire. Sadyang natatakot lang kasi baka bigla na lang siyang mawala sa akin, baka dumating yung araw na dahil sa nawalan na kami nang time sa isa't isa, maiisipan nalang naming maghiwalay. Ayokong mangyari 'yon, Zai. Mahal na mahal ko si Aki, at hindi ko makakaya na mawala siya sa akin.
Zaire: Bakit ka naman matatakot, mahal na mahal ko no'n, Mads. Lahat gagawin niya para hindi ka mawala sa kanya, lahat nga ginawa niya para mapasagot ka eh. Tska wag kang mag-isip ng negative d'yan, sinasaktan mo lang sarili mo. Mahal ka non, kaya impossibleng iiwan ka niya, alam ko na gagawin niya rin ang lahat para magkaroon time sayo.
Madelaine: Alam ko, pero paano kung dumating yung araw na bigla na lang siyang mawala sa akin dahil inutusan siya ng manager na hiwalayan ako? Zaire, ang hirap. Alam mo kung bakit? Kasi siya in the future, sikat na. Eh, ako? Ito, nobody. Ordinary, mukhang fan lang.
Zaire: Ano ka ba, Mads. Ikaw yung girlfriend ni Akiro, kaya hindi ka nobody. Ikaw yung babaeng nagmamay-ari sa puso ni Aki dahil ikaw yung mahal niya. Oo, hindi lang ikaw yung babae sa buhay niya at mahal niya dahil syempre lola niya, mama at ate niya mahal niya. Pero Mads, mahal na mahal ka nung tao kaya impossibleng hindi ka niya ipaglalaban kapag sinabi ng manager niya na hiwalayan ka. You're supporting him, bago pa siya maging sikat. Okay?
Madelaine: Tama ka naman pero hindi ko pa din talaga mapigilan na hindi mag-isip na kung anong mangyayari between sa amin, he's going to be famous. Eh ako? Hindi ko nga alam kung maabot ko yung pangarap ko
Zaire: Hello? Nasaan na yung Madelaine Zelle Villanova na kilala ko? Yung palaban, yung gagawin nag lahat para matupad yung pangarap niya at hinding hindi sumusuko hanggat hindi niya natutupad o nagagawa yung gusto niya. Nasaan na 'yon? Yung babaeng iyon ang gusto kong makausap at hindi ikaw, na puro negatives yung nasa isip, yung parang wala nang tiwala sa sarili. Impostor ka ata eh, kasi hindi naman ganyan yung Madelaine na kilala ko.
Madelaine: Ano bang pinagsasabi mo, Zaire?
Zaire: Ang sinasabi ko lang, nagbago ka. Hindi na ikaw yung lahat gagawin para matupad yung pangarap niya, yung hindi sumusuko kahit ano mang mangyari sa kanya, o sa paligid niya. Hindi ikaw yung kilala kong Madelaine, yung naging bestfriend ko. Hindi ikaw yon, kaya please be positive. Think positive. Gusto kong makita ulit yung dati kong bestfriend
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfiction"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...