Chapter 1: First Encounter

32 3 0
                                    

Zelle's Point of View

Hinila ako ni Zaire papunta doon sa harap kung saan may magpe-perform.

Alam kong may balak si Zaire kaya gusto ko na siya pigilan kung ano mang binabalak niya.

"Zaire, dito nalang tayo." pamimilit ko. "Wag na do'n sa harapan, please?"

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paghila sa akin papunta doon sa harap.

"Zaire, alis na tayo dito." Aya ko pero panay ang iling niya.

"Hindi nga." sagot niya sa akin na parang naiinis na.

"Bakit ba kasi pinilit mo akong pumunta dito at manood?" nakakunot na tanong ni Zelle sa kaibigan niya. "Saka madaming tao dito mamaya, baka mahimatay pa'ko,"

Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy pa rin sa paglalakad papunta sa unahan.

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating kami malapit sa stage, nakahanap naman siya agad ng upuan.

Hinila niya ako papunta sa table at umupo sa upuan kaya naman umupo na rin ako. Pinagmasdan ko ang paligid, at tama nga siya, mas maganda dito sa harapan dahil makikita mo talaga kung sino ang nagpeperform sa stage.

Sa pagtakbo ng oras, mas duma-rami ang mga dumadating na tao para manood. Mamaya maya lang ay nagsi-tili at sigawan ang mga tao.

I look at the stage and I saw a group of guys who is going to perform.

"Sis!" I look at Zaire. "Sh*t, nakatingin siya sayo!" sabi niya dahilan para tignan ko ang lalaking tinitignan niya.

Tama siya, nakatingin nga ito sa akin.

Makapal ang buhok nito, may iilang buhok ang nakaharang sa kaniyang mukha, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi.

Let's say, he's almost perfect.

"Siguro type ka niya."

I roll my eyes.

"Bakit naman nagtataray ka d'yan?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Type?" patanong na sabi ko at napa-iling. "Hindi 'yan, siguro sa akin lang napunta yung tingin niya. At saka impossibleng type niya ako. Ano 'yon, Love at first sight?"

"Pwede din," she smile teasingly. "Bagay nga kayo, eh." sabi niya dahilan para mapatingin ako sa'kanya bigla.

Napakunot ang noo ko at napa-turo sa sarili.

"Kami?"

Tumango siya. "Oo, bagay kayong dalawa."

Nginitian ko siya. "Masyado siyang gwapo para sa akin,"

"Hindi ako gusto nung lalaking 'yun, I'm sure." itinuro ko ang aking mukha. "Sino naman magkakagusto dito sa mukhang 'toh, Zaire?"

"Siya!" Wala pang isang segundong sagot niya. "Siya ang magkakagusto sayo." dagdag niya pa, tumayo siya at hinila ako sa gilid, kung saan makikita ko talaga sila.

"Imp-" hindi ko natapos yung sasabihin ko nang magsimula na silang tumugtog.

'I saw you from the crowd,

I can't take my eyes from you

I couldn't understand my heart beating'

Napatitig siya dito.

"Nakakainlove yung bosses niya." bulong ko.

Nang marealize ko ang nasabi ko ay mahina kong sinampal ang aking pisngi. "Ano bang sinasabi mo Maddie. Umayos ka nga!"

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon