Chapter 23: Dinner

2 0 0
                                    

Zelle's Point of view

"My parents wants me to have a dinner with them, but.." napakunot ang noo niya, ngumiti ako. "Kasama ka raw dapat," ilang beses niyang ipinikit at idinilat ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa narinig niya.

Dahan-dahan niyang itinuro ang sarili. "A-Ako?" nauutal na tanong niya dahil sa kabang nararamdaman niya, ngumiti ako at tumango. "What time, Zelle? Anong susuotin ko? Kailangan bang nakasuit ako?" bigla akong tumawa kaya naman napakunot ang noo niya. "Bakit mo ako tinatawanan? Nagtatanong lang naman ako," usal niya na parang magtatampo na.

"Anong suit ka, d'yan?" sabi ko sabay tawa. "Mag t-shirt at short ka nga lang, okay na. Korean look, Aki," sabi ko sabay pisil sa pisngi niya. "Ang cute mo siguro no'n,"

"Mas cute ka," bawi niya sabay ngiti, pinisil pa nito ang pisngi ko. Ramdam ko ang pagkapula ng pisngi ko. "Pero Zelle, anong oras ba?" tanong niya.

"8 pm," nakangiting sagot ko sa tanong nito sabay batok sa'kanya, tinignan niya ako at pinagsingkitan ng mata. Nag peace sign ako habang tumatawa. "Ang cute mo, love you,"

Natigilan siya na akala mo may narinig na kung ano man. "Ano ulit sabi mo?"

"Yung alin?" pagkukunwari ko.

"Yung huling sinabi mo,"

Kumunot ang noo ko. "Yung ang cute mo?" mabilis siyang umiling. "Eh, ano?" hindi niya ako sinagot at tinitigan lang ako.

Lumapit ako sa kanya at bumulong sa tenga niya. "Love you," nanlaki ang mata niya nang ibulong ko iyon, tumatawang lumayo ako at itinuro siya. "Namumula! Kinikilig 'yan?" nakangising sabi ko. Tumayo na ako at kumaway sa kaniya, iniwan ko itong nakatulala. Hindi pa siguro nagpaprocess sa utak niya yung sinabi ko.

Naglakad na ako papuntang parking lot dahil andoon ang kotse namin at si manong driver, tinatamad kasi akong I-text si Manong na puntahan na lang ako dito sa harap ng school.

Mamaya maya lang ay nakarating na ako sa parking lot, tumitingin tingin pa ako sa paligid ko at agad na lumapit sa sasakyan nang makita ko 'yon. Nakangiting kumatok ako, bumaba ang bintana at nanlaki ang mata ni Manong nang makita ako. "Ma'am, bakit hindi niyo po ako itinext, o tinawagan 'man lang po. Edi, sana po hindi na po kayo pumunta dito sa parking lot," sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at pinigilan siya nang tangkain niyang bumaba ng sasakyan. "Kaya ko na po, Manong," sabi ko sabay bukas ng pinto at pumasok sa loob ng sasakyan.

"Ma'am sa susunod po, sabihan niyo po ako," sabi ni Manong kaya wala akong nagawa kundi tumango na lang. Alam ko namang hindi siya papagalitan ng parents ko kapag nalaman ito pero tumango na lang ako dahil alam kong nag-aalala lang si Manong sa'kin dahil baka may mangyaring masama sa akin at malagot pa siya sa magulang ko. "Ma'am, saan na po ba tayo? Uuwi na po ba?" tanong niya sabay tingin sa'kin.

Ngumiti ako at tumango. "Opo, kuya," tinanguan ako nito at pinaandar ang makina, sinenyasan pa ako ni Manong na magseatbelt bago niya ipinaharurot patakbo ang sasakyan.

Tahimik lang akong nakasilip sa bintana habang nasa byahe kami, iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni Akiro kapag napansin niyang nawala na ako sa tabi niya. Kailangan ko na kasing umuwi dahil magreready pa ako para sa dinner namin kasama ang parents ko.

Hindi nga ako makapaniwala na sariling magulang ko ang magsasabi sa akin na magdinner kasama si Akiro. Akiro is not my boyfriend, but he's my suitor.

FLASHBACK

"Madelaine," tawag ni Mommy sa pangalan ko kaya nilingon ko siya. "Tell Akiro to have a dinner with us later," natigilan pa ako at ilang segundo pa ang lumipas bago magprocess ang lahat ng sinabi ni Mommy sa'kin.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon