Chapter 18: Can I Court You?

4 0 0
                                    

Zelle's Point of view

Practice na ulit namin kaya andito kami sa Auditorium, last na practice na namin ngayon dahil malapit na ang pageant. Ang mga lalaki naman bukas ang magpapractice, sila kasi ang magiging escort namin sa mismong pageant. "Okay, stop na," sabi ni Ma'am kaya tumigil na kami sa pagrampa. Tumabi ako pero ando'n pa rin ang tayo ko na parang model. "Lumapit kayo mga Candidates," lumapit kaming mga babae sa'kanya. "Last na practice niyo na 'toh, pero sana magpractice pa rin kayo kahit nasa bahay lang kayo. Ang nangibabaw sa inyong lahat ay walang iba, kundi si Madelaine,"

"Pasikat talaga," rinig kong sabi ni Stacey.

"May sinasabi ka, Ms. Buenavis?" tanong ni Ma'am sa kanya, nanlaki ang mata nito na napatingin kay Ma'am. "Wala po," nakayukong sabi ni Stacey kay Ma'am.

Ilang minuto ang lumipas ay umalis na rin kaming lahat sa Auditorium, kasama kong naglalakad sa Campus si Akiro. I'm at peace when I'm with him. Aaminin ko, naiinis ako noon sa'kanya ngunit unti-unti rin pala iyong nawala. "Madelaine," usal niya bigla sa pangalan ko, inilingon ko siya. "I like you," Ilang beses kong ipinikit at idinilat ang mata ko dahil sa narinig ko mula sa bibig niya. "I really like you,"

Natahimik ako, hindi ko magawang maibuka ang bibig ko dahil alam kong wala ring lalabas mula doon. Masyado pa akong gulat sa narinig ko mula sa kanya. Hinawakan niya ako sa balikat ko at iniharap sa kanya, diretsyo akong tumingin sa kanyang mata. "Let me court you," seryosong sabi niya.

"Pero Ak-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko.

"Liligawan kita," ngumiti siya. "Liliwagan kita, gustuhin mo man, o hindi. You can't stop me from courting you, Madelaine. You can't stop me from loving you," hindi ako nakapagsalita.

Natauhan ako nang mapansing nakatingin sa aming dalawa ang mga estudyanteng andito sa Campus at dahil sa lakas nang kabog ng dibdib ko ay tinalikuran ko siya at walang pasabing lumisan sa harapan niya. Ang bilis kong maglakad na para bang may humahabol sa'kin at kung ako'y mahabol ay dito na ang katapusan ng buhay ko.

Pagkarating ko sa room ay agad akong sinalubong ni Zaire, may pag-aalala sa mata nito dahil nakita niya akong ganito. "Ayos ka lang?" tanong niya at pilit akong pinapatingin sa kanyang mata. Hindi ko magawang sumagot. Pinaupo niya ako, tinignan niya si Ken na nakatingin sa aming dalawa. "Tubig, bilis," agad siyang inabutan nito ng tubig. Pinanood ko siyang buksan ang bote ng tubig na 'yun at iabot sa akin, wala sa katinuan pa ring kinuha ko 'yon. "Drink it," sabi niya na agad ko namang sinunod.

Wala akong alam kundi bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga katagang 'yn. Hindi ko alam kung anong meron kay Akiro at ganito na lang ang apekto sa'kin ng mga binitawan niyang salita. Ilang saglit lang ay kumalma na ako at naging normal na ang pagtibok ng puso ko.

"Are you okay?" tanong ni Zaire sa akin na may pag-aalala pa rin sa kanyang mata, nakangiting tumango ako sa kaniya."Sure ka?"

"Oo,"

***

Ang dami nang naitanong ni Zaire ngunit kahit isa ay wala akong sinagot, baka maging mabilis ang pagkalat nang nangyari kanina. "An-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang may tumayo sa harapan naming dalawa. Inangat ko ang tingin kay Akiro at hinintay siyang magsalita, ngunit inabot niya lang sa akin ang Paper bag. "Meet me at the park, tomorrow morning," sabi niya sabay alis sa harapan ko. Naiwan akong tulala.

Itinulak ako ni Zaire, napatingin ako sa'kanya. "Anong problema mo?"

"Ano 'yon?" sabi niya sabay turo kay Akiro na kakalabas lang ng room name. "Hoy, ano kasi 'yon?" sabi niya sabay tulak sa'kin.

"Wala," sabi ko at tumayo, kinuha ko na ang bag kong nakalapag sa upuan ko at walang pasabing lumabas na ng room.

"Mads, wait lang!" rinig kong sigaw ni Zaire mula sa room, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Wait lang, sabi!" sigaw niya pa. Tumigil ako nang hindi siya nililingon, nang makahabol na siya ay nagsimula na akong maglakad ulit. Tahimik na sinasabayan niya ako.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon