Zelle's POV
After 2 years
Hindi ko inakalang makakapagmove on din ako sa kanya, at magiging handa na buksan muli ang puso ko para sa isang tao na walang ibang ginawa kundi magstay sa tabi ko at patuloy akong mahalin kahit 'man noon ay hindi ko napapansin ang pagmamahal niya sa akin.
"Let's go, Love?" inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko, nakangiting tinanggap ko iyon. Saan kami pupunta? Kung ang hula niyo ay uuwi na kami sa pilipinas ay tama kayo, dahil oo uuwi na kaming dalawa sa pinas, matagal din kaming nawala. "Kinakabahan ka ba?" tanong niya nang makita ang kaba sa aking mata, I smile bitterly. Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ang mukha ko, he kiss my forehead. "Wag kang kabahan, andito naman ako. Kasama mo ako," ngumiti ako at tumango sa kanya.
****
Nandito na kami sa pinas, maraming nagbago dahil mas pinaganda pero ang tanong, nagbago rin kaya ang mga kaibigan ko? Sana hindi.
Gumuhit sa aking labi ang isang magandang ngiti nang makita ko ang pamilya ko. I wave at them, they wave back. Tinuro ko kay Zeki ang family ko, napangiti ito nang makita na ang mga ito. "Let's go, Love," hinawakan ko ang kamay niya sabay hila palapit kila Mommy.
"Welcome Back!" sabi nila sabay buklat ng isang banner, napangiti lang ako. "How's Canada?" tanong ni Mommy sa amin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, ganon rin kay Daddy, si Zeki naman nagmano kila Mommy.
I smile. "Okay lang po, Mommy. Masaya,"
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Kuya Chance nang mapansin kong nakangiti. "Congrats to the both of you," he smile at me.
"Thank you, kuya,"
"Oh, congrats nga pala sa inyo," my mommy said, nilingon ko si Mommy at nginitian. "Buti umamin na 'tong si Zekiel, tapos ngayon kayo na. Congratulations, we're happy to the both of you,"
Ngumiti at yumuko si Zeki sa family ko. "Thank you po!"
"Thank you, Fam," I smile. "By the way, can we go to Zekiel's place? Gusto lang po kasi naming dalawa na magsasama yung pamilya niya at pamilya ko po," ganon nalang ang gulat ko nang ngumiti at pumalakpak ang mommy ko. "That's a great idea. Matagal ko na ring hindi nakita ang parents ni Zekiel, simula nung tumira sila sa ibang bansa," napangiti nalang kaming dalawa ni Zeki.
Wala masyadong nagbago, masayang masaya talaga para sa amin ni Zeki ang pamilya ko. Suportadong suportado ito, kulang nalang ipakasal kaming dalawa sa isa't isa sa madaling panahon. Umalis na agad kami para pumunta sa bahay nila Zeki, doon ko na 'din iiwan yung gamit ko dahil do'n na ako pinapatira.
May balak na ba kaming magpakasal ni Zeki? Yes, meron pero syempre kailangan muna naming magplano. Hindi naman pwedeng ikasal nalang kami basta basta. Napangiti ako nang makarating na kami sa bahay nila Zeki, agad kaming sinalubong ni Tito at Tita. Pinagmasdan ko ang aking magulang at ang magulang ni Zeki maglakad papasok ng kanilang tahanan. Hindi pa din nawawala ang closeness ng aming mga magulang kahit ilang taon na ang lumipas nang hindi nakita at nakausap ang isa't isa.
Chance's Point of view
Mukhang ikakasal na ang kapatid ko, pero ito ako ngayon, single. Hindi ko alam kung bakit ba kasi napili kong maging playboy noon at ito ako ngayon, single pa rin at naghihintay sa nag iisang babaeng minahal ko ngunit iniwan ako dahil sa kagagawan ko. Kung hindi ko lang siya sinaktan at niloko noon, edi sana masaya na ako ngayon at may sariling pamilya na.
Tinabihan ko si Zekiel at inakbayan, ramdam kong tumingin siya sa akin ngunit umiwas din. "Ingatan mo yung kapatid ko, ah? Prinsesa ng Villanova 'yan, wag mo sanang hayaan na masaktan siya. Alam mo naman nangyari sa kanya noon dahil kay Akiro, pero alam ko din namang hindi mo hahayaan na maramdaman at maranasan niya iyon ulit," tumingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfiction"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...