Chapter 15: Welcome Home

5 0 0
                                    

Zelle's Point of view

Nasa byahe kami nina Zaire at Tita, niyaya kasi nila akong sumama sa gala nila. Nakakahiya naman kung tatanggi ako, di ba? Kumunot ang noo ko nang malamang pamilyar ang dinadaanan namin.

Papuntang Airport 'toh ah? Sa Airport ba kami pupunta? Niloko ba nila ako?

Hindi ako nagkamali. Sa harap ng airport tumigil ang sasakyan na sasakyan namin, bumukas ang pinto ng sasakyan at bumungad si Tito. Hinawakan ni Zaire ang kamay ko at hinila palabas ng van. Hinintay namin sila Tita at sabay-sabay na pumasok sa loob.

Walang emosyong nakatayo ako sa gilid, ano ba kasing meron at andito kami ngayon sila Tita sa Airport. At isinama pa talaga ako. Iisipin ko sanang pupunta kami nang ibang bansa pero wala naman kaming dalang maleta.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa Kuya kong nakatayo sa gilid ko. Oo, kasama yung kuya ko. Ipinasama siya ni Mommy sa'kin.

Mukha ba akong mawawala?

"May hinihintay," walang emosyong sagot nito, parang napilitan lang siyang sumama dito, pinilit ata siya ni Mommy. "Sino ba hinihintay natin dito?" nakangusong tanong ko, nagkibit-balikat lang ito.

Ano ba kasi talagang ginagawa namin dito? Wala naman akong alam na darating ngayong araw.

"Hinihintay siya," sabat bigla ni Zaire, nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo.

"He's here!" sigaw niya sabay turo sa kung saan. Sinundan ko kung saan siya nakaturo at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino 'yon. Nakatitig lang ako dito habang naglalakad ito palapit sa amin. Niyakap niya si Zaire at sila tita, pagkatapos no'n ay tinignan niya ako at naglakad papalapit sa'kin.

He smiled at me, pinanood ko siyang tanggalin ang sumbrero niya. "You look good," Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko at alam kong nagiging kamatis na ito sa pagkapula. Nginitian niya ako. "Missed me?"

Gusto kong sagutin ang tanong niya pero hindi ko magawa, parang kahit anong gawin ko ay walang nalabas sa bibig ko. Ganun na ba ako kagulat na makita siya ulit? Makita ang isang lalaki na minsan ko na ring ginusto noon?

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya, niyakap niya ako. Alam kong nakangiti siya kahit hindi ko nakikita, nararamdaman ko. "Ba't parang naging pipi ka bigla?" bulong niya sa tenga ko.

Parang naging kamatis ang pisngi ko dahil do'n, may nararamdaman rin akong paro-paro sa aking t'yan na nagsisiliparan. Anong nangyayari sa akin?

"Wala ka bang sasabihin? Mananahimik ka nalang ba talaga? Matagal tayong nagkahiwalay pero ni kahit isa wala kang sinasabi sa'kin, kahit I miss you lang Elle," sabi niya sa akin at nagpout. "Nakakatampo ka na,"

Humawala na siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking mukha, hinalikan niya ang noo ko. Ilang beses ko pa akong kumurap bago nabalik sa katinuan, masyado akong nagulat sa nangyari ngayon. Inangat ko ang ulo ko at tinitigan siya sa mata. "You're making me blushed, Elle. Simpleng titig mo lang, kinikilig na ako sayo," tumatawang usal niya kaya inalis ko ang pagkakatitig. Hinawakan niya ang mukha ko at diretsyo niya akong tinignan. "Did you missed me?" nakangiting tanong niya. Bumaba ang tingin ko sa mapula niyang labi, alam kong malambot i'yon. Kinagat ko ang labi ko bago inangat ang tingin sa kanya at tumango. "I missed you,"

"Tsk!" nilingon ko ang nakatatandang kapatid ko dahil do'n. Hanggang ngayon bitter pa rin talaga 'tong kuya ko. Porket walang jowa, kinareer na ang pagiging ampalaya.

"Bro," usal ni Zekiel at nakipagkamay dito.

Mamaya-maya lang ay umalis na si Kuya, uuwi na kasi siya sa bahay samantalang ako ay sasama kila Zekiel pauwi sa bahay nila. Ayaw pa ako ni Tita paalisin dahil kakain pa daw ako sa bahay nila, may pahanda nga dahil kakauwi lang ni Zekiel galing sa ibang bansa.

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon