Chapter 8: Unexpected News

12 2 0
                                    

Zaire's Point of view

Nakapulupot ang braso ni Zaire sa braso ni Madelaine, nakangiti siya dito habang nagpupuppy eyes.

Makikipag-chismisan lang naman ako sa kaniya, curious kasi ako kung anong nangyari sa kanila nung dumating si Kean.

"May nangyari ba?" tanong ko. "Kung meron, ano yun? Dali!"

"Wala," she roll her eyes. "Napakachismosa mo talalaga, 'eh noh!" sabi niya sabay taas niya ng kilay.

"Alam mo? ang taray mo! Nagtatanong lang, eh," sabi ko sabay irap.

Ganito talaga kami sa isa't isa, ganitong paraan namin pinaparamdam na mahal namin ang isa't isa. Ang galing noh? HAHAHAH.

"Ano nga kasi, Mads?" pangungulit ko.

"Sinabi ni Kuya Cloud na pinagalitan ako, not knowing na may sinabi yung professor natin about them," kwento niya. "Andoon si Mommy, ayon napagalitan kaming apat. Sa harapan pa ni Kean, nakakahiya!"

"Speaking of Kean," panimula ko. "He's going to transfer here," sabi ko upang mapatingin siya sa akin na nanlalaki ang mata.

"Seryoso ka ba d'yan?"

Tumango ako. "At hindi lang pala iyon,"

Napakunot ang noo niya. "Ano pa?"

"Uuwi na dito sa pilipinas yung nakakatandang kapatid ko na si Kuya Zekiel. So, be ready!! " I smile at her. "Be ready for his homecoming," I winked.

"Zaire!" sigaw niya pero hindi ko ito pinansin. Natutuwa akong makita si Madelaine na parang mababaliw na sa mga nangyayari ngayon.

Zelle's Point of view

Nakatulala si Zelle habang paulit-ulit na nagpla-play sa utak niya ang sinabi sa kaniya ng bestfriend niyang si Zaire.

Bakit kasi sunod-sunod pa sila kailangang dumating? Hindi ba pwede after a month or year? Whaa!!! naiistress na ako! Hindi ko na alam gagawin ko!

"Zelle," nilingon ko si Zaire.

"Ano?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"May sasabihin pa pala ako,"

"Ano 'yun?"

"Si Laizel-" naputol ang kanyang sasabihin nang magsalita ako.

"Wag mong sabihin na uuwi rin 'yan!" taas kilay kong sabi sabay turo dito.

She smile. "Tama ka, uuwi rin si Laizel," napasapo ako sa noo nang marinig ang sinabi niya. "Sasabihin ko sana sayo kanina kasabay nung kila Kuya pero nakalimutan ko," babatukan ko sana siya pero agad siyang lumayo sa akin at nagpeace sign. "Sorry na,"

"Mababaliw ako nang wala sa oras, Zaire!" umuusok ang ilong kong sabi. "Bakit kailangang sunod sunod pa talaga umuwi ang mga mokong na 'yun," sabi ko sabay tingin sa kanya, naghihintay sa sagot niya, ngunit nagkibit balikat lang ito. "Seryoso, mababaliw talaga ako!"

"Pwede naman," sabi niya dahilan para manlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. "Pwede ka naman mabaliw kay Akiro," dugtong niya.

Kinuha ko ang bote na nasa gilid ko at agad iyong binato sa kanya, sapul. Sinamaan niya ako ng tingin habang nakahawak sa bandang natamaan siya. "Salamat, ah?" Sarkastikong sabi niya.

"Welcome!" sabi ko at nginitian siya.

"Potang*na mo, Madelaine!" she curse.

I laugh.

"Bestfriend talaga kita, 'eh noh?"

"Ay, hindi! Hindi mo ako bestfriend!" sabi ko at ngumiti.

Sinamaan nito ako ng tingin.
"Alam mo?"

"Hindi ko pa alam," pamimilosopo ko.

"Ang sarap mo-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang magsalita ako.

"Alam kong masarap ako, napansin mo pala yo'n? Salamat!" sabi ko at ngumisi. "Buti nga pinaalala mo. Nakalimutan ko kasi, eh," pang-aasar ko pa dito.

"Tsk!" tumayo siya at naglakad papalayo sa akin.

Ken's Point of view

Napalingon si Ken sa gilid niya nang padabog na umupo ang isang babae sa tabi niya.

"Badtrip?" tanong ko dito.

"Oo," sagot niya at nag-cross arms. "Bakit bawal? Sabihin mong bawal, kukutusan kita d'yan," taas kilay niyang sabi.

"Ang taray mo," sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano? Mataray ako?" umiling ako. "Wag mo akong ginaganyan ngayon, Ken. Badtrip ako, baka bugbugin kita,"

"Tsk! Para namang kaya mo ako," singal ko. "Pandak!"

"Sinong pandak?!" pasigaw na tanong niya. "Porket, matangkad ka sa akin, ganyan ka na? Kinakampihan mo ba si Maddie?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Anong kinakampihan ko si Maddie? Pinagsasabi mo, pandak?"

"Pinagplanuhan niyong awayin ako ngayon, noh? Kasi may surprise kayo sa akin dalawa," sabi nito at ngumiti.

"Imagine pa!" usal ko. "Asa pa! Kaya ka nasasaktan, eh."

"T*ngina mo!" she curse. "Hindi ka talaga matino kausap!"

"Paano ako titino? kung kausap ko hindi matino, baliw!" bawi ko.

"Argh!" sambunot niya sa sarili niya. Sinamaan niya pa ako ng tingin bago siya tumayo at naglakad palayo.

"Pikon." bulong ko.

Maya-maya lang ay may umakbay kay Ken na nagpalingon sa kaniya.

"Andito ka na naman," reklamo ko sa lalaking nasa tabi ko ngayon.

"Tang*na mo, pre!" he curse. "Ano palang ginawa mo kay Zaire? Nakasalubong ko, mukhang badtrip."

"Inasar ko." walang emosyong sagot ko.

"Bully ka talaga!" tinignan ko siya dahil doon.

"Umalis ka na lang kung wala kang sasabihing maganda, Nikolai." sinamaan siya nang tingin.

"Bakit mo kasi ginano'n si Zaire?" kumunot ang noo ko. "Kawawa kaya,"

"Ang sabihin mo, gusto mo," walang paligoy-ligoy na sabi ko sa kanya. "Tama ako 'di ba?"

"Sige, lakasan mo pa boses mo. T*ngina!" usal niya dahilan para mapangisi ako. "Pag ayon nakarating kay Zaire, lagot ka talaga sa akin!"

"Hindi mo nga ako matalo sa ML," asar ko.

Napailing siya. "Ang yabang mo talaga, Ken Sean Lim!"

Ngumisi ako. "Ako pa ba?"

A DIFFERENT WORLD (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon