Zelle's Point of view
Napakunot ang noo ko nang makarating sa room na nagkukumpulan ang mga kaklase ko. "Anong meron?" tanong ko nang makalapit sa kanila. Nanlalaki pa ang mata nilang napalingon sa'kin, akala mo nakakita ng multo. "Bakit parang gulat na gulat kayo?" nakakunot ang noo'ng tanong ko.
"We thought you're Akiro," sagot sa akin ng kaklase kong babae, tumaas ang kilay ko dahil do'n. "Bakit? Ano meron? At kung si Akiro nga ako, ano naman?" sunod-sunod na tanong ko.
"You didn't know?!" gulat na tanong sa akin ng isa pang kaklase ko.
"Yung alin?" magkasalubong ang kilay na tanong ko.
"Grabe, Madelaine. 6 months na nangliligaw sayo si Akiro pero hindi mo pa din alam?" sabi ni Zaire sa'kin kaya kinurot ko. "Bakit hindi niyo na lang kaya sabihin sa'kin, hindi yung pag-iisipin niyo pa ako kung ano yung meron kay Akiro," nakataas ang kilay na sabi ko sa mga 'toh.
Para kasing mga tanga, hindi na lang sabihin.
Hinila ako ni Zaire paupo sa bakanteng upuan at diretsyo nila akong tinignan sa mata. "So, you didn't know..." sabi niya sabay tingin sa ibang direksyon.
"Ano nga?" taas kilay kong tanong.
"Next week," kumunot ang noo ko. "Anong meron sa next week," tanong ko dito kaya inarapan niya ako. "Wag ka nga muna magsalita, patapusin mo muna ako para hindi ka tanong nang tanong d'yan," nakataas ang kilay na sabi niya kaya napangiti na lang ako at nakinig sa'kanya. "So, ito na nga. Next week ang birthday ni Akiro, we'll suprise him on his birthday. At ikaw!" sabi nito sabay turo sa'kin. "Hindi ka pwedeng mawala sa araw na 'yon," tumango ako.
Malulungkot panigurado si Akiro kung wala ako sa birthday niya. According to him, I'm special to him. "Kay-" hindi natuloy ang sasabihin ni Zaire nang may magsalita. "Anong pinag-uusapan niyo d'yan? Bakit hindi ako nainform?" agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Akiro.
Siniko ako ni Zaire kaya naman napatingin ako sa kanya, ininguso niya si Akiro. Binalik ko ang atensyon ko kay Akiro at ngumiwi iling sa'kanya. "Wala naman, pinaguusapan lang naman kung gaano ka-tanga si Zaire," pagpapalusot ko. Tumango ito at naglakad palapit sa upuan niya. Bumalik na ang mga kaklase namin sa kaniya-kaniyang upuan na parang walang nangyari. Hindi pwedeng mahalata ni Akiro na may binabalak kami.
Umupo na ako sa upuang katabi ni Akiro, magkatabi pa din kami ng upuan dahil hindi pa din kami pinapalipat ng upuan ni Ma'am dahil wala naman daw nagdadaldalan sa tuwing may discussion. Nakatingin lang ako sa pinto, hindi nagtagal ay dumating na ang prof namin at agad rin naman itong nagturo. Wala nang bati-bati dahil baka raw makulangan kami sa time.
****
"Ano kayang ireregalo ko sa'kanya?" mahinang tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa laptop. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang magugustuhan ni Akiro.
"Hoy! Ba't parang ang lalim ng iniisip mo, ano ba 'yon?" tanong ni Zaire sa akin pagkatapos niya akong batuhin ng unan. Nasa higaan ko kasi siya nakaupo habang ako nasa study table ko. "Iniisip ko lang kung anong pwedeng iregalo kay Aki," sagot ko sa kanya nang hindi man lang siya nililingon.
"Alam ko na!" muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang sumigaw siya. "Hindi kaya?" nilingon ko siya at nakita kong nakahawak siya sa baba niya. "Bakit hindi mo na lang siya sagutin sa birthday niya?" sabi niya sabay kindat sa akin.
Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko naisip 'yon? "Matalino ka rin pala minsa," nakangising sabi ko rito, sinamaan niya ako ng tingin dahil do'n. "Napakasama mo!" sabi niya sabay crossed arms at pinanliitan pa ako ng mata. "Sama lang, grabe ka naman sa napakasama," sabi ko sabay tawa, inirapan niya lang ako at hindi na pinansin.
Akiro's short Point of view
Pagkadating ko ng room ay napakunot ang noo ko nang makita ang mga kaklase ko na nagkukumpulan. Anong meron?
"Anong pinag-uusapan niyo d'yan? Bakit hindi ako nainform?" agad silang napalingon nang magsalita ako. Nakakunot pa din ang noo kong nakatingin sa kanila, naguguluhan ako sa kanila yawa.
Nahuli kong siniko ni Zaire si Madealine kaya napatingin ito sa kanya, ininguso ako ni Zaire kaya naman napataas ako ng kilay. Tumingin sa'kin si Madelaine at ngumiwi. "Wala naman, pinaguusapan lang naman kung gaano katanga si Zaire," tumango ako dito at nagpatungo na sa upuan ko. Bumalik na ang mga kaklase ko sa kaniya-kaniyang upuan na parang walang nangyari kanina nung wala pa ako.
Maya-maya lang ay umupo na si Madealine sa tabi ko, kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin lang ito sa pinto. Hindi nagtagal dumating na ang prof namin at agad rin itong nagturo. Wala nang bati bati dahil baka daw makulangan kami sa time.
Oo nga pala, birthday ko na next week. Sana naman makasama ko ang buong pamilya ko o kapag hindi, makasama ko lang si Madelaine okay na ako. Masaya na ako sa kaarawan ko.
****
Kakapasok ko lang ng bahay pero sinalubong na agad ako ng bunso kong kapatid na si Akaine. "Kuya!" sabi niya sabay fistbump.
"Yow, Kai!" simpleng sabi ko.
"Malapit na birthday mo, kuya. Anong balak mo?" tanong niya na akala mo'y matanda. Psh, hindi ko alam kung ako ba talaga ang kuya dito, o siya. "Kuya, sagot ka naman d'yan. Para kang biglang napipi. Eh, tinatanong lang naman kita,"
Ngumiti ako. "Gusto ko lang macompleto kayo sa birthday ko, yon lang. Ayon lang gusto ko sa kaarawan ko," nawala ang ngiti sa kanyang labi. Ginulo ko ang buhok niya, napatingin siya sa akin. "Wag kang mag-alala sa'kin, Kai," seryosong sabi ko dito. Wala siyang nagawa kundi tumango na lang.
Zelle's Point of view
Kumakain kami ng dinner ng family ko, hindi ko alam kung bakit ang tahimik nila. Naninibago ako, dati kasi nag-uusap pa kami pero ngayon? Tahimik lang kaming kumakain.
"Mommy," napatingin sa akin si Mommy nang tawagin ko ito. "Birthday po pala ni Akiro next week, kaya baka po late na po ako makauwi,"
"Okay, basta mag-iingat, ah?" nakangiting sabi ni Mommy kaya ngumiti ako at tumango.
"Ikaw lang?" napalingon ako kay Kuya Chance nang tanungin niya iyon.
Umiling ako. "No, kuya. Kasama ko yung buong section 1. Isusurprise lang namin si Akiro sa birthday niya," sagot ko. Tumango lang ito at nagpatuloy na sa pagkain, habang si Kuya Cloud naman ay parang walang pakialam. Napatingin ako kay Vince nang mapansing nakangiti siya sa'kin, parang nang-aasar pa.
"Kakausapin ko si Ken na ihatid ka dito pauwi," napalingon ako kay Kuya Chance dahil do'n.
"Po?" nanlalaki ang mata na tanong ko dito. "Sinisigurado ko lang kaligtasan mo, Madelaine Zelle. Dahil nag-iisa kang babaeng kapatid namin, we can't afford to lose you," seryoso na sabi nito. Tumango ako at nanahimik na lang, ayoko nang magtanong ng kung ano pa kay Kuya.
"Ate," tawag ni Vince sa atensyon ko. Tinignan ko ito at pinagkunutan ng noo. "Can I come?" he ask, umiling ako kaya nagpout siya. "No," sabi ko at nginitian siya. "It's an teenager party, hindi ka allowed na sumama. You can greet your Kuya Kiro, if you want," seryosong sabi ko at ngumiti sa'kanya.
"Why can't I come?" he ask.
"Vince Cedric Villanova," usal ni Daddy sa buong pangalan ng bunso kong kapatid. "No is a No. Ayokong pipilitin mo si Ate mong isama ka kahit sinabi naman na niyang bawal. Kapag malaki ka na, papayagan ka naming sumama sa ate mo," seryoso at strikto na sabi ni Daddy sa kapatid ko. Walang nagawa ito kundi makinig at tumango.
"Sorry, Vince," I pout and I smile at him. "Maybe soon, you can," tumango ito.
BINABASA MO ANG
A DIFFERENT WORLD (Completed)
Fanfiction"I used to love you but you're an Idol and I'm just your Fan" **** I am Madelaine Zelle Villanova, a girl who fell in love with a boy, a boy who has a simple life before. He's Akiro Zion Fuenterio, he is not a famous boy when I first met him, he's...