"Tuloy ba tayo?" Tanong ni Tristan sakin
Kakaalis lang kasi ni bakla kaya kaming dalawa ang naiwan dito.
"Baka may magalit. Ayoko ng away" honest kong sabi sakanya at ngumiti sya sakin
"Tara na" Pag aaya nya at hinila na nya ang kamay ko
"Bat ba ang hilig nyong hilahin kamay ko kawawa naman. My poor hands palagi nalang nasasaktan" Malungkot kong sabi
"Okay ka lang ba? Mukha kang sabog" Pang aasar nya sakin at sinamaan ko sya ng tingin
"Pwede na" Maikli kong sagot sakanya at wala na ulit kumibo
Maya maya ay nakarating kami sa isang malaking field at lumbas sya ng kotse kaya sumunod ako sakanaya. May kinuha sya sa likod ng kotse nya isang sapin at telescope.
"Tara na" Aya nya sakin
Sumunod naman agad ako sakanya at naglatag na agad sya para pag upuan namin.
"I want to know your story" Panimula nya
"Ang boring ng buhay ko tas gusto mo pa pakinggan" Natatawa kong sabi
"Okay lang basta ikaw" Sabi nya
"Simpleng babae lang ko. Only child. Si mama nagtratrabaho si Papa naman nasa bahay nalang kasi napagbintangan syang magnanakaw" Kwento ko sakanya habang nakatingin sa langit
"Sa kompanya?" Tanong nya
"Oo tapos 2 million daw nawala pero naniniwala ako na hindi sya gumawa nun" Malungkot kong sabi sakanya at hinagod nya ang likod ko
"Bakit hindi nyo nalang bayaran yung 2 million?" Tanong nya sakin
"Wala kaming ganon na kalaki na pera kaya di namin mabayaran" Pagsasagot ko sa tanong nya
"Ako naman what you see is what you get. Lumaki ako na tinuruan na maging independent sa maagang edad" Pagkwekwento nya at nilagay ko ang aking dalawang kamay sa tuhod
"May sarili ka ng pera?" Tanong ko sakanya
"Oo. Ano palang kukunin mong course?" Change topic nya
"Architecture" Sabi ko sakanya
"That's good. Gusto ko sana mag doctor but I am not sure" Mahina nyang sabi at tumingin nalang sya sa langit
"If you are tired, I can be your shoulder. If you want to cry, I can be your pillow. I can be your anything" Malambing nyang sabi
"Ang landi mo naman may girlfriend ka na nga tas gumaganyan ka sakin" Pagpapaalala ko sakanya
"Kilala mo ba kung sino?" Tanong nya sakin
"Hindi" Mabilis kong sabi sakanya
"Hindi rin nya alam na girlfriend ko sya kasi hindi pa nya alam na may feelings ako sakanya" Pagkwekwento nya sakin
Ang swerte naman ng magiging jowa nito . Oo na crush ko na sya ewan siguro ganon talaga marupok lang talaga.
"Bakit hindi mo sabihin baka gusto ka rin nya?" Tanong ko sakanya
"Hinihintay ko pa yung tamang panahon atsaka hindi naman kailangan magmadali kasi kung para talaga sya sakin mangyayari yun" Sabi nya sakin
"Tama mas maganda yung unexpected love in an unexpected time" nakangiti kong sabi sakanya
Saktong sakto pagkatingin ko sa sky ay may dumaang shooting star.
Sana matapos na yung problema namin para bumalik na kami sa dati na tahimik.
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
JugendliteraturScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...