"Happy Birthday baby" Bati sakin ni mommy pagkamulat ko ng mata ko
"Thank you mommy" Sagot ko sakanya at ngumiti ako sakanya
"Anong plano mo ngayong araw?" Tanong nya sakin bigla
Nilagay ko ang kamay ko sa baba ko at umaktong parang nagiisip ng pwedeng gawin habang si mommy ay hinihintay ako.
"Let's visit dad later and we can all eat together tas if you want to invite mama sa lunch pagluto nalang natin sila what do you think" Pagbibigay ko ng idea sa kanya at ngumiti ako sakanya
"That's a great idea" Masayang sabi ni mommy
Kaya ayon nga ang ginawa namin nagayos muna ako at pagkababa ko ay binati ako ng mga kasamabahay kaya nagpasalamat ako sakanila.
"Ma'am may delivery ka po" Sabi sakin ni manang at kumunot ang noo ko pero lumabas parin ako
Nagulat ako dahil nung kinuha ko na ang delivery ay ang dami may flower, mga favorite kong mga chocolates tapos may clothes pa.
"Kanino galing yan?" Tanong ni mommy pagkapasok ko mg bahay
"Wala nakalagay na note" Sagot ko sakanya at tumango nalang sya
Pagkatapos namin magluto ay saktong dumating sila mama at mga pinsan ko.
"Happy Birthday ate" Bati sakin ni Summer at hinalikan ako sa pisngi
Ganon din ang ginawa ng iba kong pinsan at ako ang lumapit kay mama para humalik sa pisngi nya.
"Happy Birthday. Ang tanda mo na" Natatawang sabi ni Mama at ngumiti ako
"Nako Ma. Oo nga gusto ko nalang nga maging bata yan" Sabi ni mommy at napangiti ako sa sinabi nya
Mahal na mahal talaga ako nyan kaya yan ganyan. Wala syang choice etong maganda kasi na to ang anak nya.
"Tara kain na tayo" Pag aaya ko at nauna na ang mga bata na umupo sa hapag kainan
Pagkaupo namin ay syempre hindi mawawala ang pakikipag kwentuhan kumbaga dito kami nakakapag sabi ng mga kwento kasi sabay sabay and focus lang sayo yung kausap mo.
"Kamusta na pala pag momodelling mo?" Tanong sakin ni mama
"Nanghingi po muna ako ng ilang araw na break kasi si mommy wala syang pasok para sasamahan ko sya" Sagot ko sakanya at tumango sya
"Maganda yan" Sabi nya sakin
Nabaling na ang usapan sa ibang topic kaya kumain nalang ako.
"Ate when can I see Kuya Tristan? He promised me that we will play" Tanong sakin ni Kenshee
Natahimik si mommy ganon din ako di ko alam kung anong sasabihin sakanya dahil may mga bagay sya na hindi nya maiintindihan.
"Hindi ko pa alam eh" Sagot ko nalang sakanya at tumango nalang sya
Based sa impression ni mama alam kong alam nya ang nangyari dahil palagi silang magkausap ni mommy. Pagkatapos namin kumain ay nag stay muna sila muna ng ilang oras bago nila napagdesisyunan na umuwi na.
"Elisha punta na tayo sa daddy mo" Sabi ni mommy at ngumiti ako
"Magbibihis lang po ako" Sagot ko sakanya at tumango lang sya sakin
Nagsuot ako ng pantalon at croptop dahil trip ko lang syang suotin. Matagal ko na kasi syang hindi nasusuot.
Pagkarating namin dun ay wala masyadong tao kaya okay rin. Maya maya ay pinalabas na si daddy at ngumiti sya agad samin.
"I miss you" Bulong nyang sabi kay mommy habang yakap nya ito
I am so touched. Gusto kong maiyak sa scenario nila at ilang minuto pa silang nagbulungan kaya inayos ko nalang ang pagkain.
"Architect, Happy Birthday" Bati ni daddy sakin at ngumiti ako
"Thank you daddy. I love you" Sagot ko sakanya at hinalikan ko sya sa pisngi
Kumain na kami habang nagkwekwento si daddy sa mga ganap nya dito. Minsan naman ay tumatawa ako at nagbibigay ng opinyon kapag kakailanganin pagkakain namin ay nagtuloy tuloy pa rin ang kwentuhan.
"Daddy may nagpadala sakin ng flower, chocolate and branded na damit" Pagkwenkwento ko sakanya
"Baka galing sakanya" Sagot nya at natigilan ako sa sinabi nya
Alam ko kung sino yung sinasabi nya sakin na "sakanya" kasi isa lang naman naging boyfriend ko.
"Oo nga noh di ko naisip baka nga sakanya" Gatong naman ni mommy at wala naman akong naging tugon dun
Nagmessage din sakin sila Ira pero di ko binabasa kasi sariwa pa yung sakit na nararamdaman ko ngayon kaya wag muna.
"Hindi magandang nagtatanim ng sama ng loob" Sabi sakin ni daddy at umiwas ako ng tingin
"Hindi po ako nagtatanom ng sama ng loob. Nasaktan lang po kaya ganito" Sagot ko agad sakanya
"Matutong magpatawad kasi wala namang taong perpekto" Mahinahon nyang sabi sakin
"Pero bakit nyo pa rin sya tinanggap kahit alam mong konektado sya sa ama nya?" Tanong ko sakanya
"Kasi unang tingin ko palang sayo alam kong sya na ang mapapangasawa mo at alam kong iba sya sa ama nya. Mahal na mahal ka nya nakikita ko sa mga mata nya yung say kapag magkasama kayo kasi ganon din ako sa mommy mo" Pagkwekwento nya sakin
"Kung bibigyan kayo ng isang pagkakataon na ulit ang lahat . Walang problema kung pagdadaanan mo ulit yun kasi naging masaya ka. Treasure the memories that you shared" Nakangiting sabi ni mommy
Nagstay kami doon hanggang sa matapos ang visiting time nila.
"Bye daddy. Bisitahin ka ulit namin dito" Sagot ko sakanya at ngumiti ako sakanya
"Be Happy" Sabi nya sakin at yumakap na ako sakanya
Ganon din ginawa nila mommy nagyakapan at ayan nanaman po sila nagbubulungan nanaman. Nakakainggit asan na ba yung kabulungan ko ay wala na pala ang saklap naman.
Pagkauwi namin ay nakangiti si mommy kaya pinabayaan ko nalang siguro ganyan talaga kapag in love.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay hinarang ni mommy ang daraanan ko at humarap sya sakin.
"Happy Birthday again. I hope you enjoyed your day my love" Sweet na sabi ni mommy at hinalikan ako sa noo
I don't need gifts for my birthday because seeing my favorite people happy is my happiness also
![](https://img.wattpad.com/cover/248216677-288-k346057.jpg)
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Teen FictionScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...