"Kumain na ba kayo?" Tanong ni mommy
"Opo tita" Magalang na sabi ni Ira at ngumiti sya
"May lakad pa ba kayo? Baka pwede kayo sumama samin kung gusto nyo" Nakangiting sabi ni daddy
"Sige po Tito wala naman po" Sagot agad ni Ira
Knowing my friend kahit anong gala sabihin mo dito g agad. Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyunan namin na manood ng sine.
Humiwalay samin sila mommy ng upuan para daw solo nila kaya pumayag na ko kasi kasama ko naman sila Ira.
"Ang lamig naman kung alam ko lang manonood dapat nagdala ako ng jacket" Bulong ko at kasabay non ang pagyakap ko sa sarili ko
Maya maya ay may naglagay ng jacket sa balikat ko at nilingon ko kung sino gumawa non.
"Nilalamig ka kaya nilagyan ka wag kang mag isip ng kung ano ano dyan" Masungit nyang sabi at inirapan ko sya
"Ehem" Sabi naman ni Ira na nasa tabi ko
Nakapokus parin sya sa pinapanood pero mukha atang may powers sya kasi kahit nanonood nakita pa nya yon. Pagkatapos namin manood ay lumabas na kami agad.
"Grabe Tita ang ganda ng palabas" Nakangiting sabi ni Ira at biglang syang tumingin saming dalawa ni Tristan
"Buti naman ay nagenjoy kayo sana maulit pa to sa susunod" Sagot naman ni mommy at tumago si Ira
"Opo naman Tita sana po maulit ulit. Parang bonding na din namin ni Elisha to" Magalang nyang sabi kay mommy
"O sya, aalis na kami at baka naabala namin ang lakad nyo ng kasama mo" pagpapanapos na sabi ni mommy
Humalik sa pisngi ni mommy si Ira tsaka sya lumapit sakin at niyakap pa nya ako.
"Goodbye" Mahina kong sabi
" Hindi mo kailangan mag goodbye kasi I am sure that we will see each other soon kahit sa ayaw ko at sa ayaw mo" Malamig na sabi ni Tristan at naglakad na sya palayo samin
I am stunned sa sinabi nya kasi hindi ko alam kung para saan yun. Sobrang clueless ko sa sinabi nya pero di ko nalang yun binigyan ng pansin. Pagkaalis nila ay nagpatuloy nalang kami sa paglilibot hanggang sa di na namin namalayan ang oras.
"Elisha, kung may desisyon kaming gagawin ng daddy mo palagi mong tatandaan na para sayo yun kasi mahal ka namin" Random naman na sabi ni mommy at napatulala ako
Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon bakit ang hirap nilang intindihin.
"Ano po bang nangyayari? Naguguluhan na ko sa mga mangyayari" Naiinis kong sabi sakanila at tumahimik naman agad sila
"Basta kapag naayos na namin. Ipapaliwanag namin sayo pangako yan" Sabat naman ni daddy at ngumiti sya sakin
Umuwi na rin kami kasi napagod na kami kakalibot at nawala na rin mood ko para mag ikot ikot. Pagkadating sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko para manood nalang ng movie.
"Elisha" Bungad na sabi ni daddy sakin
"Bakit po?" Sabi ko gamit ang pagod kong boses
"Pasensya ka na ha 18 ka na pero hindi mo dapat naeexperience ang mabigat na problema na ito" Sabi ni Daddy at ngumiti sya sakin
"Dy, okay lang noh wag na malungkot araw araw nalang kayong malungkot" Nakanguso kong sabi sakanya at niyakap nya ako
"Pwede ba akong sumama?" Singit na sabi ni mommy na nakatayo sa pinto ng kwarto ko
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Genç KurguScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...