Kabanata 20

142 6 0
                                    

Kinabukasan nun ay sobrang namamaga yung mata ko kakaiyak tapos ang haggard pa ng mukha ko kaya napagdesisyunan ko na maglagay ng salamin.

"Nandyan na sundo mo" Sabi ni manang at tumango na ko

Pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sa harap ko ang boyfriend ko.

"Bakit ka nakasalamin?" Curious nyang tanong sakin

Kagabi ko pa talaga pinag isipan ang reason na sasabihin ko sakanya.

"Kasi late ako natulog kagabi tapos pagkagising ko kinusot ko mata ko tas ayun namula sya" Pag rereason out ko pero mukhang hindi sya naniniwala

"Okay but we will talk later" Seryoso nyang sabi at tumango nalang ako

"Bakit mo pala ako pinag dress?" Tanong ko sakanya

"Kagabi diba sabi ko sayo advance birthday celebration ni Mielle kasi balak namin mag out of town sa birthday nya" pagkwekwento nya sakin

"Okay po boss noted" Kindat kong sabi sakanya

"Matanda ka na ba? Kakasabi ko pa lang sayo. How about I call you lola baby?" Pang aasar nya sakin at sinamaan ko sya ng tingin

"Wag mo kong kakausapin sinasabi ko sayo masasapak kita" Pananakot ko sakanya pero tinawanan nya lang ako

Pinaandar na nya ang kotse at habang nasa daan kami ay nakahawak sya sa kamay ko at bumibitaw lang sya kapag mag papalit ng gear.

"We're here" Sabi nya sakin

"Maraming tao?" Tanong ko sakanya

"What do you think?" Balik nyang sabi sakin

"Syempre marami okay dito na lang ako sa kotse mo balikan mo nalang ako" Utos ko sakanya

"Hindi. Sasama ka sakin. Tara na" Sabi nya at lumabas na sya pagkatapos ay pinagbuksan nya ako ng pinto

Pagkalabas namin ay pinalibot nya ang kamay nya sa bewang ko.

"Ready?" Tanong nya sakin at tumango ako

Pagkapasok namin ay ang ganda ng mansyon nila Mielle. Feeling ko nga underdress ako.

"Relax. I'm here. I won't leave you" bulong nya sakin at hinigpitan nya ang paghahawak sakin

"Ayan nanaman po sila ang dikit nanaman opo" Biglang sabi ni Marcus habang naglalakad silang magpipinsan na sabay sabay

Hinanap ko si Mielle at nakita ko sya sa gilid ni Licelle kaya nilapitan ko sya.

"Happy Birthday babe. I love you" Masaya kong bati sakanya at niyakap ko sya

"I love you too" Sagot nya sakin at kumawit ako sa braso nya

Nilapitan naman nila Kayden si Tristan

"Pre iniwan ka na" Natatawang sabi ni Kayden

"Kawawa ka naman" Gatong ni Liam

"Sira ulo kayo wala lang kayong lovelife" Singhal na sabi ni Tristan sakanila at tumahimik sila

"Pasmado bibig mo" Sagot sakanya ni Marcus at natawa kami sakanila

Sinamahan ako nila Ira na umupo sa table nila at umalis na sila para sa birthday greetings para kay Mielle.

"Malapit na dumating ang araw. Ihanda mo na puso mo" bulong ng isang boses at pagkalingon ko ay wala naman akong nakita

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon