Kabanata 37

159 7 0
                                    

Madaling araw palang nagising na ko agad kasi sabi nila mas maganda daw umalis pag maaga kasi walang traffic.

"Good morning" Masayang bati ni Ysabell

"Hindi naman halatang excited ka ha" Pang aasar ko sakanya

"Syempre naman nagdala ako ng pang swimming alam mo na bakla malay mo" Kindat nyang sabi sakin at inilingan ko nalang sya

Maya maya ay dumating din si Tristan na naka sakay sa sarili nyang kotse syempre at nagulat ako dahil kasama si Macy.

"Hi Goodmorning" Masayang bati ni Macy

"Walang good sa morning kung ikaw kasama" Bulong na sabi ni Ysabell

"Bakit ka nga pala kasama?" Curious kong tanong sakanya

"Masaba ba?" Mataray nyang sagot sakin at umiling ako

"Curious lang" Nakangiti kong sabi

"It is not your business" Sabi nya at umirap pa

"Aba't" Naiinis na sabi ni Ysabell

"Tara na umalis na tayo" Inis kong sabi

Naglakad na ko at bago ako makapasok ay biglang may nagsalita.

"Sabay ka na sakin" Pag aalok ni Tristan at tinignan ko sya

"No thanks" Malamig kong sabi sakanya at pumasok na ko

Pumwesto ako sa parte na alam ko ay di ako maiinitan kung sakali at para din maging komportable ako.

"Sabihin mo sakin kung gusto mong kumain may dala ako" Bilin sakin ni Ysabell

"Yes mami" Nakangiti kong sabi sakanya

Nakatingin lang ako sa window at maya maya ay nakatulog din ako sa sobrang antok ko.

"Rise and Shine" Boses agad ni Ysabell ang narinig ko

"Ang sweet mo talaga boses mo ang una at huli kong narinig" Natatawa kong sabi sakanya

"Heh. Bahala ka dyan kanina ka pa namin hinihintay bumaba ka na" Sabi nya at nauna na syang bumaba sakin

Pagkababa ko ay namangha agad ako sa nakita ko sobrang ganda ng resort at masasabi mo na inaalagaan talaga ito ng mabuti.

"So ang pinareserve ko na room ay 5 yung isa solo ni Natalie tas yung 3 bahala na kayo kung paano maghahati" Pag iinform samin ni Ysabell

"Paano to sila Tristan?" Tanong ng isang staff namin

"Meron po ako villa kaya okay lang po atsaka kunin ko po si Natalie" Sabi nya at ngumiti

Di ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Paano ako?" Nakangusong sabi ni Macy

"Dun ka sa kwarto ni Natalie" Mabilis naman nasagot ng binata

"Hindi na. Kayo nalang sa villa okay lang ako mag isa" Sabi ko nalang para matapos na tong useless na usapan

Wala na silang nagawa kung hindi pumasok na sa sari sarili nilang room para magpahinga ng kaunti para mamaya sa shooting.

"1.2.3" Sabi sakin ng cameraman at pumwesto na ko ng maayos

Maraming shot pa ang kinuha namin para sulit ang punta.

"Gusto mo mag swimming?" Tanong sakin Ysabell

"Ayoko. Wala ako sa mood mag swimming siguro magpapahinga nalang ako sa loob ng room ko" Pagpapaalam ko

Naglakad na ko papunta sa room at mukha akong exhausted tignan. Bigla nalang nalutang utak ko pati nga sarili ko sumama ewan ko kung bakit siguro ganito talaga kapag pagod.

Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay may biglang humarang sakin.

"Kasalanan mo to sana hindi ka na bumalik. Sana hindi ka na nagpakita. Sana kung nasaan ka man nakatira dati nung umalis ka dun ka nalang" Galit na sabi ni Macy at napatulala ako sa sinabi nya

Hindi nya alam kung anong pinagdaanan ko kaya wala syang karapatan na sabihin yun. Pagkapasok ko sa kwarto ay nagkulong na agad ako.

"Baby are you hungry?" Sabi ni Tristan at kumatok sya sa pintuan

"Iwanan mo ko please. I don't want anyone to come near me" Sagot ko sakanya at wala na kong narinig na ingay

"Kapag kailangan mo ng masasandalan nandito lang ako 24/7" Malambing nyang sabi sakin

Nilagay ko nalang ang dalawang kamay ko sa tuhod ko.

"Miss ko na kayo. Kahit ilang taon na lumipas sobrang sakit parin nung nangyari. Ang hirap mag isa pero sana proud kayo sakin kung nasaan man kayo" Nakangiti kong sabi at yumuko na ko sa tuhod ko

Kung ano ano ang pumapasok sa utak ko hindi ko alam kung bakit pero tuwing naaalala ko yung nangyari sakanya palagi nalang akong umiiyak at parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Nung malapit na maggabi ay tinawag na ako sa kwarto para kumain.

"Bakit ka nakasalamin?" Tanong ni Ysabell sakin

"Kasi ano. Malaki ang eyebags ko kasi kulang ako sa tulog" Pagrarason ko at tumango sya

Buti nalang hindi ko kailangan magpaliwanag ng mahaba para sakanya. Maya maya ay dumating si Macy pero di ko alam bat di nya kasama si Tristan.

"Asaan si Tristan?" Curious na tanong ng manager ko

"May kinikita lang na client yung boyfriend ko" Nakangiti nyang sabi at nagulat ang mga kasama namin

"Wow boyfriend mo sya? Ang swerte mo naman sakanya" Di mapigilan na sabi ng isang staff namin at sunod sunod na ang sinasabi nila

"Syempre naman family friend namin ang pamilya nya you know kapag magkasundo talaga and perfect match kami kasi attorney sya tas engineer pa ko" Pangmamalaki nyang sabi at hindi ko nalang inintindi yun

"Sana hindi nalang bumalik yung ex girlfriend nya. Kasi ang tanga nya para iwanan ang isang Tristan. Nasa kanya na ang lahat pero iniwan parin sya grabe" Opinyon na sabi ng isa nyang staff

"Don't judge people malay nyo may rason kung bakit talaga sya iniwan" Pagtatanggol nyang sabi

Kumain nalang ako ng mapayapa na walang gulo at kahit ano pa man.

"Okay kalang Natalie bakit ang tamlay mo?" Tanong sakin ni Ysabell

"Hoy kung ano ano napapansin mo sakin okay lang ako" Natatawa kong sabi sakanya at nagthumbs up ako sakanya

Nasanay na kong maging okay kahit masakit simula nung nawala ang magulang ko.

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon