Kabanata 13

141 7 0
                                    

Pagkapasok ko sa bahay ay bigla nalang ako natakot.

"Anong nangyari sayo iha?" Tanong sakin ni manang

"Kasi po bago ako pumasok sa bahay may nakita akong lalaki sa isang damuhan tapos parang nakatingin sya sa bahay natin" Nakatulala kong sabi sakanya

"Ipahinga mo lang yan iha baka pagod ka lang tapos mamaya kapag nagutom ka may pagkain na nakahanda para sayo" Paalala naman sakin ni manang kaya naman tumango ako sakanya

Pagkaakyat ko sa kwarto ay pinatay ko muna ang cellphone ko kasi ayoko muna may makausap na iba.

"Anak okay ka lang? I heard from manang masama daw pakiramdam mo" Sabi sakin ni daddy

"Okay lang po ako medyo napagod lang" Sagot ko sakanya kaya tumango nalang sya

"Sige, magpahinga ka nalang muna basta kapag may kailangan ka baba ka nalang o kaya katukin mo kami sa kwarto" Concern nyang sabi at ngumiti ako sakanya

Wala akong ginawa buong araw kundi manood lang ng tv o kaya matulog kasi pre occupied talaga ako sa nakita ko. Kinabukasan sakto walang pasok. I open my phone and saw many messages from Tristan and his cousins.

"Natalie bumaba ka na dyan nakalimutan mo kumain kagabi baka nalipasan ka na ng gutom" Sabi sakin ni manang kaya naman tumango ako sakanya

"Sige po susunod ako mag aayos lang ako ng sarili ko" Nakangiti kong sabi sakanya at lumabas na sya

Nagsuot lang ako ng sando at short para mas kumportable ako kapag lumabas.

"Good morning " Bati ko sakanila at humalik pa ko sa pisngi ng magulang ko

"You don't have school today?" Tanong sakin ni daddy

"Wala po akong pasok ng 1 month para daw po pahinga sa technically parang sembreak" pagkwekwento ko sakanila

"That's good atleast you can have more time with yourself because lately I saw you doing your requirements" Sabi ni mommy sakin

"Basta. Kahit anong grade makuha mo. We are proud of you" Vocal na sabi ni daddy

Natouched ako sobra. Kasi syempre may ibang mga magulang na icocompare yung anak nila sa ibang tao or kaya idodown nila kasi mataas expectations nila and when their child don't reach their expectations, they will show their disappointment.

"Natalie nag order ka ba ng pagkain? Hinahanap ka nung nagdedeliver sa labas" Curious na tanong sakin ni manang

"Huh? Hindi po ako nagpadeliver pero check ko" Sabi ko at tumayo na tsaka ako lumabas

Nakita ko na nakatayo si Tristan at may dalang pagkain.

"Good Morning" Bati nya sakin at medyo nahiya ako

"Good Morning din" Nakangiti kong sabi sakanya

"Bakit ayaw mong lumapit sakin?" Tanong nya sakin

"Hindi pa kasi ako naliligo. Naghilamos lang ako" Honest kong sabi sakanya at hinila nya ako papunta sakanya

"You smell good and you are now my favorite scent baby" Bulong nya sakin at namula ako

"Nag abala ka pa sa pagkain" Sabi ko sakanya at hinaplos nya buhok ko

"Okay lang basta ikaw" Mahina nyang sabi at kumindat pa sya

"Ehem. Pasok kayo sa loob" Pagsisingit ni daddy at nakita ko si Tristan na parang natameme

"Good Morning po sir" Bati ni Tristan at tinanguan lang sya ni daddy

Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso kami sa dining kasi sinundan lang naman namin si daddy at di pa ako kumakain.

"Good morning po ma'am" Bati ni Tristan kay mommy at nginitian lang sya nito

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Daddy sakanya

"Tristan Jace Arden po" Magalang nyang sagot

"Anong pakay mo dito?" Strict na tanong na sabi ni daddy

"Gusto ko lang po magpaalam na liligawan ko po ang anak nyo" Vocal na sabi ni Tristan

Hindi ko expected yun kasi wala naman sa usapan namin yun at hinawakan nya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

"Basta okay sa anak ko go lang" Sagot naman ni daddy at ngumiti ako sakanya

"Basta hindi mo susukuan yung anak ko okay lang" Pagpapatuloy ni mommy

"Thank you po maaasahan nyo po ako" Magalang na sabi ni Tristan

Pagkatapos ng pag uusap nila na yun ay nagkwekwentuhan nalang sila ng kung ano ano at sumasagot lang ako kapag kailangan. Medyo nagtagal pa sya bago mag tanghali nagdesisyon sya na umalis na.

"Sige po. Mauuna na po ako nagpapasama po si mama sa mall para mamasyal" Pagpapaalam ni Tristan

"Sige iho, Ingat ka pauwi" Sabi ni papa at sabay kaming tumayo ni Tristan

"Hatid ko lang po sa gate" Sabi ko at tumango silang dalawa

Pagkarating namin sa gate ay huminto kami at humarap sya sakin.

"Alam mo ba bakit ako nagpaalam sa magulang mo para manligaw?" Tanong nya sakin

"Kasi required?" Panghuhula ko

"Oo pero para din maipakita ko na seryoso ako sayo at mas maganda yung habang nililigawan kita, nililigawan ko rin parents mo para maging boto sila sakin" Seryoso nyang sabi at ngumiti pa sya sakin

"Sige na umuwi ka na tsupi daming sabi nito" Pag iiba ko at tinulak ko sya

"Aminin mo na. Kinikilig ka. Bye na" Natatawa nyang sabi at hinalikan nya ako sa noo

Hinintay ko sya na makaalis bago ulit pumasok sa loob ng bahay at nakipag bonding ulit sa magulang ko.

"Anak may papakita ako sayo" Sabi sakin ni Daddy

"Ano po yun?" Tanong ko sakanya at tumayo sya

Sinundan ko sya at tumungo kami sa office nya. Pagkarating namin dun ay may kinuha syang mga folder at nilagay ito sa harapan ko.

"Ayan lahat ng properties na meron tayo. Lahat yan ipapangalan ko sayo" Panimula ni Daddy sakin

"Bakit hindi nalang natin ito ibenta para matapos na po yung utang?" Tanong ko sakanya

"Kasi ipinama sakin yan ni mama at may sentimental value sakin yan kaya hindi ko pwedeng ibenta yan" Seryosong sabi ni mommy na kakapasok palang

"Kaya sayo ko ipapangalan yan para safe" Sabi naman ni daddy

"Sige po"  Sagot ko nalang at kinuha ko ang mga folder

Pumunta na ako sa kwarto at nilagay yun sa lock box ko para walang makakagalaw tsaka ko ulit sya ibinalik sa hidden space kung saan hindi madaling hanapin.

Hihiga na sana ako sa kama para makapagpahinga pero nakita ko ang isang note na nasa tabi ng lampshade ko. Kaya binasa ko sya at kumunot ang noo ko sa nabasa ko bigla akong kinabahan.

Pagsisihan mo din yung mga desisyon na ginawa mo.

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon