Pagkaalis nya biglang tumahimik ang mga pinsan ni Adira.
"Pabayaan mo na yun si Tristan ganon lang talaga yun anyway enjoy nalang natin yung party" Masayang sabi ni Adira
Kinakausap naman ako ng mga pinsan ni Ira yun nga lang sila na nagpapakilala sa sarili nila dahil di ko pa sila kilala pero okay lang din naman.
"Elisha minsan sama ka samin kapag gagala" Pagaaya naman na sabi ni Mielle
"Sige basta wala akong gagawin sa araw na yon okay lang sakin" Nakangiti kong sabi sakanya
"Ang ganda mo talaga Elisha" Compliment naman na sabi ni Licelle
"Mas maganda ka kaya tignan at mas fresh" Balik na complement ko sakanya at ngumiti lang sya sakin
Maya maya ay may nagsalita na kaya nagulat ako kala ko kasi simpleng party lang na kainan ganon. Walang program pero nakalimutan ko na ganito pala kapag mga bigatin.
"Good evening, Thank you for coming to the welcome party of my eldest son, Tristan Jace Arden" Malalim na sabi ng nasa stage at nasa tabi nya ang anak nya
"Tara lapit tayo ng konti doon" Pag aaya sakin ni Licelle at humawak sya sa siko ko
Bawat daan namin ay napapatingin agad samin ang mga tao at automatiko na din sila na umaalis sa aming dinadaanan.
"Good Evening everyone, Thank you for coming here tonight but I will not make these long. Enjoy the rest of the night" Malalim nyang sabi at bumaba na din sya agad
Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa nawala na sya sa paningin ko pagkatapos non ay kumain na kami tapos sumayaw. Bandang mga 12 ng hating gabi nagkayayaan na umuwi.
"Thank you Isha naenjoy kami na kausap ka next time ulit" Masayang sabi ni Mielle at niyakap ako
"Welcome,kita nalang tayo next time" Nakangiting sabi ko at kumaway pa sakanila
Tumabi na agad ako kay Adira pagkatalikod nila.
"I'm glad that you enjoyed the night. Hintayin lang natin yung driver namin tas hatid ka na namin" Sabi nya at tumango nalang ako
Maya maya ay may pumarada sa harapan namin.
"Tara na pasok na tayo" Pag aaya nya sakin at nauna na akong pumasok
"Kuya alam nyo naman po kung saan bahay nila diba?" Tanong ni Ira
"Paano ko malalaman eto pa nga lang yung unang beses na mahahatid ko yan" Iritang sabi ni Tristan
Yes sya maghahatid sakin di ko alam kung bakit. Asan kaya yung driver nila Ira. Buti nalang at sumama tong kaibigan ko, kung hindi sobrang awkward dito.
"Asan yung driver ko?" Tanong ni Ira na parang naririnig nya ang sinasabi ko sa utak ko
"Pinagpahinga na ni tita kasi masama daw pakiramdam" Pagpapaliwanag naman ni Tristan at tumango nalang ang pinsan nya
Agad naman nya inistart ang kotse at umalis na agad kami. Habang nasa daanan ay napansin ko na tama ang dinadaanan nya tas wala pa kaming sinasabi na address.
"Ace paano mo nalaman kung saan daanan ng bahay nila?" Curious na tanong ni Ira
"Sinabi sakin ng driver mo" Malamig nyang sagot at tumahimik na ulit
"Kala ko ba hindi mo alam or walang sinabi? Ang gulo mong kausap" Sagot sakanya ni Ira
"Wag ka nalang maingay" Masungit na sabi ni Tristan
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na din ako sa bahay namin at naunang lumabas si Ira pagkatapos ay ako na.
"Bye thank you sa pagpunta ngayon" Nakangiti nyang sabi at hinalikan nya ako sa pisngi
"Nako wala yun anytime" Sagot ko naman sakanya at kumaway na
Pagkapasok ko ng bahay ay himala dahil hindi ko sila naabutan na nag aaway kasi sa mga oras na ganito nagsisimula na sila.
Umakyat na agad ako sa kwarto para makapagpahinga na dahil kanina pa parang bumabagsak na mata ko kaya di na ko nag abala na magpalit ng damit.
Kinabukasan ay nag ayos na agad ako at bumaba dahil weekend ngayon ay madalas naman kami umalis.
"Good morning" Masaya kong bati sakanila at ngumiti naman sila sakin
"Kamusta ang gala kahapon?" Bungad na tanong ni mommy
"Ang saya po" Agad ko namang sabi sakanila at mgumiti nalang sila sakin
Hindi sila strict sakin kasi sabi nila alam ko na daw yung tama at mali and gusto din nila ako matuto kaya pinapabayaan nila ako pero minsan naman ay di nila ako pinapayagan kapag di sila sure sa pupuntahan ko and I am okay with that.
"Gusto nyo mag mall?" Aya ko sakanila at nagkatinginan sila
"Nako wag na anak magastos alam mo namang nagtitipid tayo kasi magbabayad pa tayo sa utang" Pagpapaliwanag ni mommy
"Pwede po ba akong magtanong ng tungkol dyan?" Tanong ko sakanila
"Sige lang tutal deserve mo din naman malaman at ayaw naming maglihim saiyo" Sagot naman agad ni mommy
"Diba napagbintangan lang si daddy na kumuha ng pera kasi sya yung huling may hawak?" Tanong ko sakanila
"Oo pero dahil malakas ang connections nila kaya naniwala silang ako ang may gawa pero paano mo nalaman yan?" Balik na tanong sakin ni daddy
"Kasi narinig ko kayong nagsigawan ni mommy nung isang araw" Honest kong sabi at umiwas sila ng tingin sakin
"Sorry kung kailangan mo pang marinig yun hindi mo dapat iniintindi yung mga ganong mga bagay enjoy mo lang" Sabi ni Daddy at ngumiti pa sakin
"Intindihin mo nalang yung studies mo diba gusto mo pa maging bussiness woman" Masayang sabi ni mommy
"Opo naman tas bibili ko kayo ng bahay tas ipapangalan ko sainyo kasi gusto ko kayo muna bago ako" Sabi ko sakanila
"Sige hihintayin ko yan" Nakangiting sabi ni Daddy
"Tara na mall na tayo" Aya ko sakanila ulit
"Diba sabi ko sayo" Mabilis na sabi ni mommy
"Sagot ko na po meron naman po akong naipon bawal tumanggi gusto ko naman kayo maging masaya" Pagpapaliwanag ko sakanila at wala na din silang sinabi
Hinintay ko sila habang nag aayos sila habang nanonood ng tv sa may sala.
"Tara na?" Tanong ni mommy at mabilis akong tumayo
Mabilis lang ang naging byahe namin papuntang mall kasi malapit lang naman yung pinuntahan namin. Pagkapasok namin sa mall ay maya maya ay tumigil si mommy kaya napatigil din kami.
"Bakit ka po tumigil?" Curious kong tanong sakanya
"Saan ba tayo una pupunta? Alam mo naman matanda na kami ng daddy mo" Sabi nya at kumindat pa sya sakin
"Ikaw lang yun dinamay mo pa ako" Sabat naman ni Daddy at sinamaan sya ng tingin ni mommy
"Kain nalang muna tayo" Natatawa kong sabi at nauna na kong naglakad sakanila
Ready akong maging third wheel forever basta sila makikita ko. Pagkarating namin sa isang mamahaling restaurant ay umupo na kami.
"Order na kayo kahit ano. My treat" Masaya kong sabi at tumango sila
Habang nililibot ko ang aking mata sa loob ng restaurant ay nakita ko si Ira at kasama nya ang pinsan nya kaso di ko matandaan kung sino.
"Isha" Tawag sakin ni Ira at ngumiti sakin tsaka sya tumayo at tumakbo sakin
"Miss na miss" Pang aasar ko sakanya at ngumuso sya sakin
"Tita, Tito good aftenoon po" Pormal naman nyang bati sa parents ko at nginitian sya ng mga ito
Maya maya ay may lalaking nasa likod ko at nagulat ako dahil si Tristan ito.
"Good Afternoon....po" Malamig nyang sabi at gulat na napatingin sakanya bigla sila mommy
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Fiksi RemajaScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...