Kabanata 5

217 7 0
                                    

Gabi na rin nung nakauwi kami dahil nag aya pa silang mag celebrate kaya mga tanghali ko na napagdesisyunan na bumisita sa bahay.

Pagkarating ko sa bahay ay naramdaman ko agad yung feeling na nasa comfort zone na ulit ako.

"Good Afternoon po. Bakit po kayo napadayo dito?" Gulat na tanong ni manang

"May iiwan lang sana ako na pera para pandagdag sa pambayad nila" Magalang kong sabi sakanila at tumango nalang sila

Pumasok na ako sa bahay at nakakapanibago na walang tao sa bahay.

"Alam nyo ba bakit ako sa ibang bahay nakatira?" Random thoughts kong sabi at napaiwas sila ng tingin

May alam sila na di ko alam halata naman sa kilos nila.

"Sorry po ma'am" Mahina nilang sabi at tumango nalang ako

Iniwan ko nalang yung pera sa kanila at hinabilin nalang na sabihin sa magulang ko na pangdagdag iyon sa utang.

"Sige po mauuna na ko" paalam ko sakanila at hinatid nila ako sa pintuan

Pagkaalis ko ay hindi agad ako dumiretso sa bahay kasi hindi ko nararamdaman na nasa bahay talaga ako kaya naisipan ko na sa park muna pumunta.

Tinitignan ko yung mga batang naglalaro at makikita mo talaga sakanila na wala silang iniintindi na mga problema.

"Kanina ka pa tinatawagan nila Ira" Bungad na sabi ni Tristan at umupo sya sa tabi

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Gulat kong tanong sakanya

"Hinahanap ka kasi nila Ira kaya sinabi ko na tulungan ko na sila" Pagrarason nya

"Gusto ko lang naman makapag isip isip" Out of nowhere kong sabi sakanya

"Bakit? Sa bahay ba namin hindi mo nagagawa yan?" Tanong nya sakin

"Ikaw na nagsabi "sainyo" hindi sakin kaya nahihirapan ako magisip" Pagsagot ko naman sakanya

"Ano bang iniisip mo. Alam mo ba sabi nila mas magandang magsabi sa stranger kasi no judment" Mahinahon nyang sabi

"Iniisip ko bakit pumayag sila mommy na tumira ako sayo? Paano nya kayo nakilala? Kasi marunong naman ako sa mga gawaing bahay at magluto" Mahina kong sabi

Sinasabi ko sakanya yung mga thoughts at tanong na di ko masagot sa isip ko kasi ang gulo kahit alam ko namang sinasabi nila para sa ikabubuti ko pumayag na ko.

Hindi sya sumagot na parang may mali sa sinabi ko.

"May nasabi ba akong mali?" Tanong ko sakanya

"Wala" Malamig nyang sabi

"Pero sorry pa din kung ano man yung sinabi kong di mo nagustuhan" Pagpapaumanhin ko sakanya at nauna na kong naglakad sakanya

Pagkarating namin ng bahay ay dumiretso na agad ako sa bahay di ko na sya tinitignan.

"Tawagan mo sila Mielle para di na mag alala yung mga tao sayo" Masungit nyang sabi

"Bakit galit ka pa? Kasalanan ko bang magalala sila sakin?" Naiinis kong sabi sakanya

"Stupid di ka kasi tumatawag para walang nagaalala" Masungit nyang sabi

"Dapat kasi hindi mo na ko hinanap" Sabi ko sakanya

"Kala mo ba ginusto kong hanapin ka?" Sabi nya agad

Nasaktan ako sa part na yan kasi ramdam ko talaga na wala syang pake sakin at di ko naman kasalanan kung nag aalala sila sakin imbes na matuwa ako dahil concerned sila etong isang ito inis na inis.

"Edi wag. Walang pakialaman from now on" Desidido kong sabi

"Talaga" Pangangatwiran nya

Dun na natapos yung sagutan namin kasi nag walkout na sya. Tignan nyo pikon masyado.

Pagkapasok ko sa kwarto ay tinext ko nalang sila na nasa bahay na ko at wag na silang magalala kasi masyado na kong napagod. Nagising ako ng madaling araw kaya bumaba nalang ako sa baba at naabutan ko si Tito.

"Hi po Tito" Bati ko sakanya

"Iha, bakit gising ka pa? Umupo ka dito samahan mo ko" Pag aaya sakin ni Tito kaya umupo nalang ako sa tabi nya

"Maaga din po kasi ako nakatulog kagabi" Magalang kong sabi at ngumiti sya sakin

"Masyado ka atang napagod sa ginawa mo kahapon" Natatawa nyang sabi kaya tumawa din ako

"Opo nga po" Magalang kong sabi

"Kwentuhan nalang muna kita" Pag aaya nya sakin at tumango ako

Inabutan nya muna ako ng juice at hinintay sya na magsalita.

" May dalawang magkaibigan. Sobrang malapit nila sa isa't isa kaya nung kailangan ng tulong ng kaibigan nya ay tinulungan nya agad" Paninimula nya kaya nacurious agad ako

"Ano po nangyari?" Tanong ko sakanya

"Pinagtrabaho nya ito tapos sa hindi inaasahan na pangyayari ay may ginawa na kasalanan ang kaibigan nya kaya pinatanggal nya ito" Pagtutuloy nya

"Nakita ba nya na ginawa ng kaibigan nya yung kasalanan?" Tanong ko ulit

"Hindi nya nahuli sa totoong pangyayari pero nakita ng kanyang dalawang mata na nasa kanya ang ebidensya at sya ang tinuturo" Pagsasagot nya sa tanong ko

"Pero diba po dapat mag investigate muna?" Curious kong sabi

"Oo at maraming nagsasabi na sya talaga ang gumawa" Mabilis nyang sabi sakin

"Kung ganon, may communication parin ba kayo o may connection pa ba kayo sa isa't isa?" Huling tanong ko sakanya

Tumingin sya sakin sa mata kaya medyo kinabahan ako.

"Syempre naman diba sabi nga nila keep your friends close and enemy closer" Sabi nya sakin at ngumiti pa

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon