Kabanata 25

144 6 0
                                    

"Sa kompanya ako nila Tristan nagtratrabaho at alam mo naman na napagbintangan ako" Panimula nya sakin

"Pero bakit nyo ako pinadala sa bahay nila Tristan?" Tanong ko sakanila at nagulat sila

"Kasi alam namin na may nagmamasid dito sa bahay habang wala kami. Ang totoo nyan naghahanap kami ng mama mo ng pagkakautang ng mga panahon na yun" Mahinang sabi ni daddy

"Araw araw pinagdadasal namin na sana matapos na lahat ng ito kasi ikaw ang pinaka maaapektuhan" Sagot sakin ni mommy at biglang tumulo luha ko

"Hindi mo sinabi sakin na may tumutok sayo ng long range na baril" Sabi ni mommy

"Meron din nagpapadala sayo ng notes" Pagtutuloy naman ni daddy

"Hindi naman po ako nasaktan at gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang kayo" Seryoso kong sabi at hinawakan pa nila kamay ko

"Malayo pa mararating mo anak. May tiwala ako sayo my future architect or businesswoman" Nakangiti na sabi ni mommy at napangiti ako bigla

"Basta kahit anong mangyari magkahawak na kamay natin tong haharapin" Sabi ko sakanila at pareho ko silang niyakap

Can we just stay like this forever please?

Kinabukasan naman ay graduation day ko na I am going to be a colleg girl soon.

"Ang ganda mo naman iha" Sabi naman sakin ni manang at ngumiti ako sakanya

"Nako manang binobola mo naman ata ako ah" Natatawa kong sagot sakanya

"Ikaw talaga. Pareho kayo ng mommy mo mana ka talaga dun" Nakangiti nyang sabi sakin at ngumiti nalang ako

"Natalie" Tawag sakin ni daddy at hudyat na yun na aalis na

"Bye manang see you later pag uwi ko may medal na kong dala tas picture tayo" Hyper kong sabi at tumango ako

"Una ka na muna sa venue papahatid kita sa driver may kukunin lang kami ng mommy mo" Sabi ni daddy

"Sige po. Basta ha sumunod kayo" Seryoso kong sabi

"Yes po boss" Sagot ni daddy sakin at tumango ako

"Kuya tara na" Pagbibigay ko ng sign sa driver at pinaandar na nya ang kotse

Pagkarating ko sa event ay marami ng tao kaya hinanap ko nalang sila Ira kahit may konti akong inis sa kanila.

"Congrats sa atin" Bungad na sabi ni Marcus at ngumiti pa sya

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong sakin ni Ira at umuling ako

"Kahapon pa yan ganyan kausap ko nung mga bandang hapon wala sya sa sarili nya di ko alam kung may problema ba o something" pagkwekwento na sabi ni Tristan at hinawakan nya ang bewang ko

"May tinatago ba kayo sakin?" Bigla kong tinanong at natahimik sila

"Nevermind wag nyo nalang ako intindihin" Sabi ko sakanila at nauna na akong maglakad papasok ng hall

Hindi ko alam bakit nangyayari sakin to dapat maging masaya ako kasi consistent ako na Valedictorian pero parang kabaliktaran ang nangyayari.

Habang nakaupo kami ay nakikipag usap ako sakanila para mawala ang problema ko kahit sandali.

"Tara picture tayo" Pag aaya ni Ira

"Sinong magpipicture?" Tanong ni Mielle

"Si Tristan" Sabi ko sakanila

"Papayag ba yan?" Sunod na tanong ni Licelle

"Watch and learn" Kindat kong sabi sakanila

Pumunta ako kung nasa sila Tristan at naguusap lang sila kaya lumapit na ko sakanya. Naramdaman nya siguro presensya ko kaya lumingon.

"Pwede mo ba kami picturan nila Mielle?" Tanong ko sakanya

"Sure wait" Sabi nya at may sinabi pa muna sya sa mga pinsan nya

"Tara na" Pag aaya nya at hinawakan nya kamay ko

Pagkarating namin kila Mielle ay nakangiti sila syempre may magpipicture na.

"My cousin is so whipped" Pang aasar ni Ira

"Bigay mo na yung phone bago magbago isip nyan" Pag uutos ni Licelle at binigay naman nya agad

Maraming shots ang ginawa namin hanggang sa magsawa ang tatlo.

"Tara picture naman tayo" Bulong na sabi ni Tristan at binigay nya ang phone nya kay Mielle

"Gawin nyo palit kayo ng toga dali ang cute" Pag susuggest ni Licelle at nakatitig silang tatlo samin

"Sana all talaga when kaya" pagpaparinig ni Ira

"Nandyan naman kaibigan ko don't worry" Pang aasar ni Tristan

Ilang shots din ginawa namin at pinapakita talaga ng tatlo na naiinggit sila kaya natatawa ako sakanila.

"Please go back to your proper seat as we start the program" Announce ng principal namin kaya bumalik na kami

Sakto naman nun ay nag start na kami pero di ko parin nakikita sila mommy kaya hinayaan ko na muna pero nung malapit nang tawagin ang pangalan ko ay sinimulan na akong kinakabahan kasi wala akong kasama umakyat sa stage.

Maya maya ay biglang tumawag sa akin si manang.

"Manag bakit po wala pa sila mommy?" Tanong ko sakanya

"Kailangan mong umuwi ngayon dalian mo" Seryoso nyang sabi at kinbahan ako

"Gonzales, Elisha Natalie our consistent valedictorian" Tawag sa pangalan ko pero imbes na umakyat ako sa stage ay tumakbo ako palabas

Sumakay na agad ako sa kotse pauwi ng bahay at nagulat ako dahil ang daming pulis sa bahay. Pagkapasok ko sa loob ay pinoposahan na si daddy.

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to speak to an attorney, and to have an attorney present during any questioning. If you cannot afford a lawyer, one will be provided for you at government expense." Seryosong sabi ng pulis at umiiyak si mommy

"Bakit nyo sa ikukulong?" Curious kong tanong

"May kasunduan na dapat kahapon sya makapagbayad na ng buong utang kaso hindi natupad kaya kailangan nya muna manatali sa kulungan habang hindi pa alam kung guilty or hindi" Pagtutuloy nya at natulala ako

"Ang mga Arden ba ang nagbigay ng command sainyo para hulihin sya?" Tanong ko sakanila at mabilis nalan silang tumango sakin

Sige lang Natalie saktan mo ang sarili mo. Pinasok na nila si daddy sa kotse ng pulis at umalis na sila hindi na kami nakasama sa sobrang panghihina namin.

"Hahanap tayo ng magaling na lawyer para sa daddy mo kahit mahal pa ang ibayad natin basta makasama ulit natin sya" Sabi ni mommy at niyakap pa nya ako

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon