Kabanata 36

175 8 0
                                    

"Kain lang kayo" Sabi ni Ira nung pumunta sya sa table namin

"Para kang tindera" Pang aasar ko sakanya

"Para kang nagseselos ay foul" Sagot nya sakin

"Pasmado bibig mo noh" Mataray kong sabi sakanya at niyakap nya ako

"Nandyan ang linta" Bulong nya sakin

"Pake ko kahit lumambitin pa sya kay Tristan wala akong pake" Sabi ko sakanya

"Gaga ka ginawa mo namang unggoy" Natatawang sabi sakin ni Ira

"Duh ayon naman talaga proper word mami" Sagot ko sakanya

"Macy anong status nyo ni Tristan?" Nakangising tanong ni Ira

"More than friends" Masaya nyang sagot

"Ay bawal na kasi may asawa na talaga si Tristan kaya di na pwede. Ako kasi nagkasal sakanila" Sarcastic na sabi ni Ira at nagtawanan na ang mga pinsan nya

"Asan ba asawa mo? Papadakip na kita" Natatawang sabi ni Mielle at hawak parin nya ang tyan nya

Sakto naman ay biglang dumating ang asawa nya na si Elijah.

"Anong nangyayari sainyo? Para kayong nakawala sa zoo" Tanong nya samin

"Kunin mo na nga yan kung ano ano pinagsasabi" Sabi ni Licelle

Maya maya ay biglang nagsalita ang host na kailangan na mag bato ng bouquet.

"Sa lahat ng babae dyan pila na kayo dito" Tawag nya at marami naman ang pumunta

Umupo nalang ako kasi hindi ako interesado kaya pinanood ko nalang sila at natatawa rin ako.

"1.2.3" Bilang ni Ira at hinagis nya ang bulaklak

Mabilis itong bumagsak sa lap ko at nagtinginan sila sakin.

"Kung sino pa yung nakaupo sya pa yung nakasalo siguro sign na to" Natatawang sabi ng host at gulat pa rin ako

"Okay game ako na 1.2.3" Bilang naman ni Elijah at hinagis na ang garter

Tinignan ko talaga kung kanino bumagsak at nung nagtama ang mata namin ni Tristan ay saktong sakanya.

"Tayo na po yung nakakuha ng garter at flower" Sabi ng host at tumayo kami

Pumunta na kami sa harap at tumabi kami kila Ira. Ang gaga nakangiti samin.

"May gusto ba kayong sabihin sa bride and groom?" Tanong sabi ng host at bago ako magsalita ay inunahan ako ni Ira

"Ako may sasabihin" Natatawang sabi ni Ira

"Go bhie kaya mo yan" Cheer nila Licelle

"Sana next year kayo naman ikasal" Di mapigilan na sabi ni Ira at tumawa lang din si Elijah

"Kaya sayo kami Ira lakas ng loob mo" Natatawang sabi ni Mielle

"Kayo pala? Siguro eto na yung sign. Game na lagay mo na yung garter" Sabi ng host at tumango si Tristan

Umupo na ko sa upuan at lahat ng tao ay nakatingin samin damn nakakahiya.

"Higher!" Sigaw ni Mielle at natatawa pa sya

"Higher pa!" Natatawang sabi ni Licelle

Mamaya talaga pag uumpugin ko to. Di ako makapag concentrate kasi malapit na sa knee ko yung garter.

Buti nalang tinigil na nya kasi malapit na kong mag walk out sa sobrang hiya.

"For the last part kailangan nyong sumayaw" Sabi ng host at kinuha na agad ni Tristan kamay ko

"Grabe naman yung paghatak sayo" Pang aasar ni Ira at tumawa ang mga bisita maliban kay Macy na umirap lang

"Oo akin" Mabilis nyang sabi

"Asan proof mo?" Tanong ng pinsan nya

"Invited ka sa kasal namin next year" Di nagpatalo na sabi ni Tristan

"Ay papayag ba?" Sunod nyang sabi

"Babe stop na sasayaw na yung dalawa oh" Pagpapatigil ni Elijah

Nagsimula na kaming sumayaw at nilagay nya ang kamay ko sa batok nya habang ang kamay nya ay nasa bewang ko. Nilibot ko nalang yung mata ko kesa makipag titigan sakanya damn ang hirap.

"Hey baby just look at me" Mahina nyang sabi sakin at sya na ang lead ng sayaw namin

"Yeah" Ayon nalang nasagot ko sakanya

"Sorry for everything. I caused you pain" Bulong nyang sabi sakin

"I forgave your family" Nakangiti kong sabi sakanya at umiling sya sakin

Natapos din ang sayaw namin pagkatapos nun ay bumalik na din kami sa upuan namin.

"Bagay talaga kayo" Di mapigilan na sabi ni Mielle

"Hoy may nagagalit" Natatawang sabi ni Licelle

"Sino?" Clueless na tanong ni Mielle

"Ayon oh si Macy sama ng tingin sayo" Sagot ni Licelle

"Pake ko" Irap na sabi ni Mielle at tumawa nalang ako sa pagpaparinig nila

Kaya mahal ko tong mga toh nagkakasundo mga ugali natin.

"Uwian na" Sabi ni Ira

"Alam mo na kapag nag anak ka dapat 4 para tig iisa kami" Pagpapaalala ni Licelle

"Gaga ka ba? Ano ako inahing baboy?" Gulat na tanong ni Ira

"Di ko naman sinabi na every manganganak ka may kasunod na agad" Irip na sabi ni Licelle

"Bakit hindi nalang si Natalie hingan natin" Pangdadamay na sabi sakin ni Mielle

"Wala nga akong boyfriend tapos anak pa" Irap kong sabi sakanila

"Wag papanigurado baka mamaya mauna ka pa samin" Kindat na sabi sakin ni Licelle

Maya maya ay may tumawag sakin at expected ko naman na si Ysabell yun.

"Mami may kakilala ka bang may ari ng resort kasi wala talaga kaming mahanap tas kailangan na bukas" Malungkot

"Sige subukan kong magtanong sa mga kilala ko" Sabi ko sakanya at binaba ko na ang tawag

Tumingin ako kay Mielle at saktong nakatingin sya sakin.

"May kakilala kang may ari ng resort or basta beach?" Tanong ko sakanya

"Si Tristan meron sa Boracay" Mabilis nyang sagot at ngingiti na sana ako kaso narinig kong sakanya yun kaya wag nalang iniiwasan ko nga eh

"Sige wag nalang thank you" Sagot ko sakanya

"Ay teka tanong ko sakanya kung meron syang resort na wala masyadong tao" Sabi nya at tatayo na sana sya

"Ano yun? Bat narinig ko pangalan ko?" Tanong ni Tristan na kakarating lang

"Pwede bang gamitin yung resort mo na isa?" Tanong ni Mielle sakanya

"Bakit? Para saan?" Curious na tanong ni Tristan

"Gagamitin ng baby mo" Pang aasar ni Mielle at biglang tumingin sakin si Tristan

Sira ulo talaga tong babaeng to kulang masyado sa filter lalagyan ko nga to minsan kapag bumili ako sa sm.

"Hindi na. Okay lang naman maghahanap na lang ako ng iba" Sabi ko nalang at tatayo na sana ng bigla syang magsalita

"You can use my one resort sa Laguna" Sagot nya sakin

"Sige. Sabihin ko kila Ysabell" Maikli kong sabi

"Pwede mag request?" Singit ni Licelle

"Ano yun?" Tanong ko sakanya

"Sana kayo na paguwi nyo pero mas better na dapat malapit na kayong ikasal" Nakangiting sabi ni Licelle nag apir pa sila ni Mielle at tumingin ako sa reaction ni Tristan pero parang wala naman

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon